4

7K 194 3
                                    


ENERO 4, 1929

Hayaan mo muna akong mahalin ka, bago isuko.

Ikaw ang aking buhay,

Dimitri

Maingat na itiniklop ni Luchi ang love letter. Naninilaw na rin iyon gaya ng iba pang sulat sa kahon. Lalong nadagdagan ng mga taon ang dating bakas ng mga nagdaang taon.

Pero hindi niya iyon magawang pakawalan.

Pero sa buhay, may mga bagay na kailangang bitawan kahit ayaw natin.

"Kailan mo ba kasi balak ibalik 'yan do'n sa pinagkunan mo, ha?" tanong ni Khaila, nasa harap ito ng manibela.

Lagpas alas-siyete na ng gabi nang sunduin si Luchi ng kaibigan sa babaan ng bus. May dinaanan pa raw itong mga paninda nila kaya natagalan. Papunta sila ngayon sa ancestral house ng pamilya ni Khaila na pansamantala muna nilang tutuluyan sa Quezon.

"Bukas na bukas nga," sagot ni Luchi. "Hindi ko na kaya ang tinatakbo ng panaginip ko. Baka magkasakit na 'ko sa puso nito. Palagi na lang akong heart broken sa isang lalaking hindi ko makita ang hitsura."

Tumawa si Khaila. "Ang sabihin mo, hindi mo na kayang makita ang sarili mong nakasuot ng damit na lampas-tuhod. Ew!"

Natawa na rin siya. "Siguro nga."

Ikinukuwento ni Luchi kay Khaila ang mga nangyayari sa kanyang panaginip. Kilala siya nito at ng ibang mga kaibigan at kakilala bilang isa sa "makabagong kababaihan." Hindi bebenta sa kanya ang getup na kagaya ng kay Maria Clara. Kahit tutukan ng baril, hindi-hindi siya dadalo sa SONA—kung magkataon man na maging presidente ng bansa si Kuya Agusto o kung makapangasawa man siya ng politiko—dahil ayaw na ayaw niyang magsuot ng Filipiniana dress.

Na parang kinasawaan na niya ang ganoong kasuotan—sa ibang panahon, sa ibang lugar, sa ibang katauhan. Nauumay na siya na matitigan man lang ang ganoong uri ng damit.

Magunaw man ang mundo, walang makakapilit sa kanyang palitan ang paboritong attire—sa gimmick, sa galaan, o maski sa trabaho.

Ang pekpek shorts niya.

Hindi rin maiwasan minsan ni Luchi ang pakiramdam na, nagsusuot lang siya ng maiikling shorts para ipangalandakan na iyon ang uso sa kanyang panahon. At makikiuso siya dahil nabubuhay siya sa taon kung saan ang mga ganoong uri ng damit ang nagte-trending sa market.

"Pero, sis, sandali lang akong makakasama sa'yo bukas, ha? May meet-up ako sa customer natin," sabi ni Khaila. "Alam mo naman, kailangan, grab lang tayo nang grab ng client. Para naman matuloy na ang balak nating mag-Seoul searching sa South Korea!"

Natawa si Luchi habang napapailing na lang. Bff niya si Khaila since college. And since college pa lang, pangarap na nitong makatagpo at magpalahi sa mga Koreano dahil gusto raw nito ng anak na nag-a-annyeong haseyo.

"Ikaw na muna ang bahala sa business natin, ha. Babawi ako," sabi ni Luchi sa kaibigan. May online shop sila na nagbebenta ng kung anek-anek lang. Galing iyon sa bina-buy and sell nila. Mula sa latest fashion trends hanggang sa samut-saring pampa—pampaganda, pampa-sexy, pampa-flawless, etc.

"Sure thing, amiga," agad na pagpayag ni Khaila. "Basta siguruhin mo lang na maisauli mo 'yang old photos na'yan, ASAP. Nangingilabot ako diyan, lalo na sa mga sulat."

Pinakatitigan ni Luchi ang nakatuping papel. "Ang ganda nga, eh. Parang mahal na mahal n'ong Dimitri kung sino man ang sinusulatan niya. May lalaki pa kayang katulad niya, Khai?"

"Baka. Siguro. Ewan," sagot nito at nagkibit-balikat.

"Pero bakit kaya ganito ang mga isinusulat ni Dimitri? Nagkahiwalay ba sila? Bakit kaya?" Hindi rin minsang naitanong ni Luchi sa sarili kung posible kaya na ang lalaki sa kanyang panaginip ay siya ring lalaking nagsusulat ng love letters. Si Dimitri. Pero kinokontra rin niya iyon. Malabo. Dahil sa panaginip niya, mukhang hindi naman heartbroken ang lalaki. Mas nagmumukhang siya pa nga ang sawi.

Nilingon siya ni Khaila. "Ay naku, sis. Wala akong balak alamin. Me not interesado."

"Sana, 'no, makahanap tayo ng isa. 'Yong para sa 'tin talaga," hindi sumusukong sabi niya. Ayaw lang talaga niyang sukuan ang topic nila.

"Sure, sure. 'Wag lang 'yong galing sa panahon niya. Ayokong ma-in love sa taong malamang ay nagre-relax na six feet under the ground. Hindi kaya cool na ma-fall sa multo."

Hindi na nag-react pa si Luchi at itinutok na lang sa labas ang tingin. Hindi rin naman siya maiintindihan ni Khaila. Hindi sila pareho ng nararamdaman at pananaw tungkol sa mga posibilidad na may kinalaman sa nakaraan.

"Alam mo, tigilan mo na kasi ang kababasa sa mga sulat ng Dimitri na 'yan. Kaya ka nananaginip ng kung ano-ano, eh. Resulta na 'yan. Masyado mong pini-feel ang pagiging makata niyang sender ng letters," pagtatalak ni Khaila. "Don't worry, bago ko hanapin ang soul mate ko, ihahanap muna kita ng love team. 'Yong Koreano rin para masaya."

Siguro nga, may punto si Khaila. Sa kababasa ni Luchi nang paulit-ulit sa mga sulat, posibleng na-hook na siya. Posibleng iyon ang nag-trigger sa weird dreams niya. Therefore, kailangang mawala na sa pag-iingat niya ang mga bagay na iyon.

Ibabalik niya ang mga lumang litrato at gusot na love letters sa pinagkuhanan.

Pero hindi rin maderetso ni Luchi ang kaibigan na sa tingin niya, wala sa South Korea ang lalaking nakatadhana sa kanya. Dahil pakiramdam niya mula nang mabasa ang mga sulat, hindi siya nababagay sa kasalukuyang panahon.

Na parang nabuhay siya sa maling panahon.

e;mso-layoui���]�6

Old Photos And Crinkled Love Letters COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon