"DIMITRI?"
Hindi mapigilan ni Trey ang mapaungol. Nasabunutan din niya ang sarili. Hindi na niya kayang ipaliwanag ang mga kakaibang nangyayari sa kanya.
Ilang beses na ba niyang nakaringgan ang boses na iyon na tinatawag siya? Hindi na niya mabilang. Dahil sa kadahilanang hindi na iyon bago sa kanya. Beinte anyos siya noon nang unang maranasang marinig ang tila pagtawag ng kung sino sa kanyang pangalan. Babae ang nagmamay-ari ng boses. Pero kahit saan siya lumingon, wala siyang makitang tao.
At sampung taon na ang nagdaan nang una niyang maranasan ang bagay na iyon.
Noong una, inakala ni Trey na pinagkakatuwaan lang siya ni Vendalou. Magkasabay silang lumaki. Naging kalaro niya ang babae noong kabataan nila. Kaya hindi imposibleng baka naisip nitong paglaruan siya—pilya pa mandin ang babae.
Ngunit may mga pagkakataong nakakariringgan niya ang boses kahit wala si Vendalou sa paligid. Dahil doon, nagbago ang hinala ni Trey. Hindi siya pinagkakatuwaan ng kababata kundi pinagkakatuwaan ng kanyang pandinig at ng isip. At maaaring naghahalusinasyon lang siya.
Kaya sa loob ng sampung taon, pinilit na lang niyang huwag magpaapekto sa mga pagkakataong bigla na lang papailanlang sa kawalan ang boses na iyon. Ngunit sadyang napakahirap gawin ang bagay na iyon.
Dahil hindi maipaliwanag, may kung anong haplos na dala iyon sa kanyang puso. Na susundan ng samut-saring emosyon. At bigla-bigla na lang, sa huli ay malulungkot siya sa hindi malamang kadahilanan.
Pagkatapos niyon, buong araw nang makakaramdam si Trey ng hindi matatawarang kahungkagan sa puso. Na parang may kulang sa kanyang buhay na hindi mapunan-punan dahil hindi niya alam kung ano.
"Psst, hoy!" sutsot ng kung sino. "Dimitri?"
Kumunot ang kanyang noo. Iyon ang unang pagkakataon na may kasamang pagsutsot ang pagtawag sa kanya.
Marahas siyang napalingon at napanganga.
Dahil sa pagkakataong iyon, may nakita na si Trey.
"Luchi?" sambit niya, biglang napatayo mula sa kinauupuang duyan sa ilalim ng punong-acacia sa likod-bahay.
Kinawayan siya ng dalaga. "Halika nga muna."
Wala sa sariling lumapit siya kay Luchi. Hindi niya magawang alisin ang tingin sa mukha nito. Ang ganda nito sa suot na dilaw na bestida.
Mahinang tinampal ni Luchi ang kanyang pisngi. "'Wag mo akong tingnan nang ganyan. Baka paratangan kitang may gusto ka sa akin. Sige ka, mahilig pa naman akong mambintang."
Pero hindi iyon pinansin ni Trey. "Paano mo nalaman ang totoong pangalan ko?" sa halip ay tanong niya.
Nakita niyang ito naman ang parang natigilan.
"Ano kasi... kay Vendalou," mayamaya ay sagot ni Luchi. "Narinig kong tinawag ka niyang 'Dimitri' noong gabing pumasok siya sa kuwarto mo."
Hindi magawa ni Trey na tumango. "Maaari mo bang ulitin ang pagtawag mo sa pangalan ko?" hiling niya.
Kumunot ang noo ng dalaga pero sumunod naman. "Trey."
"Hindi 'yan. 'Yong buo kong pangalan."
"Apelyido?"
"Trasimondo. Dimitri Trasimondo," tugon niya. "Pero maski huwag mo nang isama ang apelyido ko. Kahit ang pangalan ko na lang."
"Sige." Ngumiti si Luchi. "Dimitri."
Napakurap si Trey. Ganoong-ganoon ang timbre ng boses na naririnig niya. Ngunit paanong nangyaring si Luchi ang nagmamay-ari ng tinig na iyon?
"Dimitri?" muling tawag ng dalaga sa kanya.
Umiling siya. "Huwag. Tama na," pigil niya.
Nagsalubong ang mga kilay nito. "Bakit? Ano ba'ng nangyayari sa 'yo?"
"Hindi ko na alam kung ano ang iisipin. Lubhang nalilito na ako sa itinatakbo ng pangyayari." Napabuga siya ng hangin.
"Dahil ba sa akin?"
Tumango siya.
"Ano na naman ang tungkol sa akin?"
"Ang boses mo... ang paraan ng pagtawag mo sa pangalan ko... Lahat ng iyon ay pamilyar sa akin. Parang naririnig ko na dati pa."
Napatitig si Luchi sa kanya. "Hindi nga?"
"Kung sana'y isang malaking biro lang ang lahat." Muling bumuntong-hininga si Trey. "Subalit hindi."
Mataman siyang tinitigan ng babae, mayamaya ay biglang bumungisngis.
"Bakit?" nagtatakang tanong niya.
"You, ha." Nakaduro sa kanya si Luchi. "Baka naman kaya ganyan ang nararamdaman mo kasi type mo 'ko."
"Ha?" Hindi niya gaanong maintindihan ang sinabi nito.
Ngumiti nang pagkaluwang-luwang ang dalaga. "Baka naman gusto mo na ako, hindi kaya?"
Parang naduling siya sa pagkakatitig kay Luchi.
Hindi kaya?
.��Q�"
BINABASA MO ANG
Old Photos And Crinkled Love Letters COMPLETED (Published by PHR)
RomanceOld Photos And Crinkled Love Letters By Chelsea Parker "Noong una kitang makita... ang unang naisip ko, sa wakas, nakabalik ka na." Ang balak lang naman ni Luchi ay isauli ang mga gamit na ipinuslit niya ten years ago nang mag-field trip silang mag...