Pagkatapos ng mga nangyari ay si tanga pa rin ako at todo chat sa kaniya kasi syempre di na kami nagkikita. Sa University siya mag-aaral ako naman sa katabi nung school. Yes, nagrereply siya pero parang walang gana.
At ang present ay Senior High School na ako natapos ko na maayos at may award ang Grade 11 life ko. Itong Grade 12 life ko ang sobrang dami kong lesson na natutunan.
After ng heartaches 1 year ago ay may nanligaw sa akin na dalawa, pero sa chat lang. Tinest ko if seryoso, yung dalawang yun ay same kong kaschoolmate nung elementary pa. Si Cris yung sobrang sweet kumpara sa isa, na halos may long sweet message lagi at laging nag-iinform sakin ng mga ginagawa niya at inaalam niya rin ang mga ginagawa ko. Si Gelo naman ay yung parang di seryoso, mapangtrip kasi siya. Pero masaya siyang kausap kumpara dito sa isa. Dumating yung araw na sabi ko susubukan ko na baka mabaling sa iba yung pagtingin ko. So ang ginawa ko ay I accompany the two of them. Kinilala ko sila, pero ang naisip kong imeet or kitain muna ay si Cris. Feeling ko kasi ay disente at seryoso naman siya.
Nung nagmeet na kami ay naturn off naman ako sa kaniya dahil, ni wala kami pagkakaparehas at sobrang tahimik niya. Parang hinanap ko bigla sa kaniya yung mga characteristics ng bestfriend ko na si Koby. Si Koby kasi ay mahilig sumayaw na tulad ko, may mga gusto rin siyang pagkain na hilig ko. Ganun din sa genre ng music na gusto niya. Samantalang siya ay di raw siya sporty, at bukod sa pag-aaral ay kain,tulog lang ang gawain niya. Kaya naman simula nung araw na iyon ay parang nawalan na ko nang gana. Sobra walang gana kapag nagrereply ako sa kaniya at sobrng igsi rin ng chat ko.
Di ko lubos maisip na yung sinabi ko sa sarili ko na susubukan ko ay wala ring nangyari. Kasi hinahanap ko pa rin yung katauhan ni Koby sa ibang tao. Na hindi naman talaga mangyayari kasi magkakaiba tayong mga tao, bihira ang magiging tulad niya.
Hanggang isang araw si Gelo naman ay triny ko at grabe napapakikilig niya ko kasi napakabolero ng walanghiya na lalaking yun. Kwinento ko nga siya sa mga kaibigan ko at sabi nila edi itry mo. Ang nasa isip ko sasagutin ko siya para makalimutan ko si Koby baka naman kasi magwork. Hanggang sa sinagot ko siya at plano ko dapat na paabutin ng isang buwan kaso 2 days pa lang brineak ko siya, nakonsensiya na kasi ako at may nasabi siya sakin. Mas naturn off ako sa kaniya paano ba naman gusto niyang magkita kami pero dun na lang daw sa bahay nila kasi wala raw siyang kasama. Diba alam niyo na nasa isip nun kasi babae tayo at yun namang lagi ang mga nasa isip ng lalaki ang makachansing. Oo, sinagot ko siya para makalimot or sabihin na nating panakip butas sa puso kong sugatan. Pero kung matino kang lalaki dapat nirerespeto mo ang babae at nag-iingat sa bawat salitang binibitawan mo. Sobrang big deal pa naman sakin nung word na ganun, kasi NBSB pa ko at first love ko ang bestfriend ko. Sobrang strict nila Mama kaya talagang bawal pa at ayoko na muna kasi sakit lang daw sa ulo ang mga lalaki.
Kaya nung naexperience kong magmahal at masaktan, di lang pala isip ang sasakit mas doble pa sa puso parang tinik na ayaw maalis. Kaya nung naranasan ko na mas takot na kong magmahal ulit, in short naisip kong huwag ng magboyfriend pero di naman maiiwasan yun diba.
YOU ARE READING
First Love Never Dies Until When?
Short StorySometimes the hardest thing that you can do is watching the person you love, loving someone else.