Sa buong year ko ng Grade 9/3rd year high school ay isang lang ang masasabi ko na ito na ang pinakamasayang high school life ko.
Ang the best school year ever para sakin dahil nga nakilala ko siya at naging bestfriend ko ang ultimate crush ko.
Sa taong yun nang 2014-2015 ay naging sobrang saya ko kasi sa lahat ng oras ako lagi yung nilalapitan niya, yung lagi kaming magkatulong sa bawat araw. Sakin siya nagsasabi ng mga sikreto na di niya masabi sa iba, saka alam ko naman kasing pinagkakatiwalaan niya ako. Lahat nga ng mga bagay na gusto kong malaman sa kaniya diba nalaman ko na dahil sa charm ko haha joke. Dahil yun syempre sa kakausisa ko.
Kapag lagi siyang nagpapatulong ay dun kami sa bahay niya, kasi sobrang sipag nun grabe yung tipong walang napasa ni isa. Sobra ngang nakakaawa yung mama niya kasi ni pagpaplastic ng notebook lahat ginagawa ng mama niya kasi as in super sipag niya sa pag-aaral. Si tita rin minsan yung nagsusulat ng mga notes niya kasi grabe talaga haha secret na lang ahh. Inuuna kasi niya yung sayaw niya, kasama kasi siya sa teatro sa school namin. Buti nga siya nasusunod niya yung hilig niya, samantalang ako puro studies lang. Totally kasi parehas kami ng talent, I love to dance. I really love that because that is my talent and my passion. But, because of many obstacles di ko masunod-sunod yung gusto kong gawin.
Plano ko pa nga someday na maging isang super sikat na dancer, yung tipong makikilala talaga ako. Gusto ko kasing maging sikat tulad ng number one kong idol na si Maja. Diba pagdating sa sayawan walang mintis na siya ang isa sa mga famous dancer.Yun na nga, isang favor niya lang si sunod agad ako. Di ko kasi siya matiiis kasi nga pagkakataon na iyon para makausap ko siya diba. Saka sobrang tinetreasure ko yung friendship namin kasi yun na nga lang ang meron kami. Kapag wala siyang gawa at pinapapasa na ng teacher namin ay konting pacute at lambing niya lang ay bumibigay na ko at igagawa ko na siya. Syempre tanga ko kaya igagawa ko siya.
Habang tumatagal ay sinasabi ng iba kong kaklase na "Bakit mo siya ginagawa, sa kaniya mo ipagawa yan di naman yan sayo". Sinasagit ko naman sila na "Okay lang", nagtataka kasi sila kung bakit ang dami kong ginagawa samantalang nakapagpasa na ko at tapos ko ng gawin yun akin. Ganun kasi ako mapagpasensiya hangga't kaya kong gawin or ibigay gagawin ko as long as na kaya ko at mapapangako ko na magagawa ko yun. Hindi ko aakuin yan ng hindi ko magagawa. Minsan naman napakakulit niya kapag may sikreto akong ayaw kong sabihin na sinabi ng kaklase or kaibigan namin, ang gagawin niya ay kukunin ang isa sa mga gamit ko para manakot sa sabihin ko na like panyo or notebook ko. Sa una, syempre pabebe muna bahala siya kahit kunin niya panyo ko tapos sa huli mag-aagawan kami para kunin yung gamit ko na iyon at masasabi ko rin sa kaniya sapagkat di naman niya iyon ibabalik hangga't di ko sinasabi sa kaniya. Puro ganun lagi ang set-up namin hanggang sa nagkaroon ng mga love team sa room namin at ako ay tinutukso dun sa isa niyang mga kaibigan. Ewan ko ba, kung manhid or ayaw niya lang talagang pansinin na may gusto ako. Kahit na lagi kong sinasabi sa utak ko na nandito naman ako sa tabi mo. So yun nga, pati siya ay nakikipagsabayan ng pang-aasar at panunukso sa amin. Ako naman syempre sasakyan na lang ang trip nila kahit na gusto kong sabihin na ikaw yung gusto ko wala ng iba. Naiinis ako oo, kasi nakikisabay siyang mantrip samantalang di ko naman talaga crush yung kaklase namin na iyon. Pero feeling ko naman minsan nagseselos siya kapag may kausap ako na lalaki at di ko siya papansinin. Or sadyang naiinis o naasar lang siya kasi di ko agad siya pinapansin kapag tatawagin niya ko, at alam kong may sasabihin siya. Sometimes, sinasadya ko talagang gawin yun na kapag may kausap akong ibang lalaki ay di siya pansinin. Talagang pinagseselos ko siya tinitingnan ko kung effective pero sa totoo di naman. Ako lang naman kasi yung umaasa na sana may chance na magkagusto siya, pero di ko naman pipiliing magkagusto siya mas importante ang friendship. Mas tatagal kasi yun at alam ko ring malabong magkagusto siya dahil iba naman ang laman ng puso niya. Ang sinisigaw ng heart niya ay yung Ex niya na katabi niya sa right side kapag A.P. time. Yung sinasabi kong kaschoolmate niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/137053079-288-k334881.jpg)
YOU ARE READING
First Love Never Dies Until When?
Cerita PendekSometimes the hardest thing that you can do is watching the person you love, loving someone else.