Chapter 8

3 0 0
                                    

Pero sa lahat ng nanligaw sakin sa text or chat si Gelo yung kakaiba kasi until now my connection pa rin kami. Tama kayo wala pang nagtatangka manligaw sakin nang personal siguro dahil boyish ako or kapag nafifeel kong may gusto ka sakin ay iiwasan kita di kaya naman ay gagawa ko ng paraan para iba na lang ligawan mo. Nung brineak ko pala siya nagmakaawa naman siya sa akin, pero sa totoo lang di ko alam kung naging seryoso sakin yun. Para naman kasing k
pinagtitripan lang niya ako kaya sumasakay na lang ako. Tuwing magkakachat kami lagi niyang pinapamukha sakin na may kasalanan ako at may mali sa kaniya. Kahit na totoo naman, nakokonsensiya na nga ako kaya brineak ko na rin siya. Ang sabi ko sa kaniya nung time na yon ay gusto ko sumaya siya kaya I'll set him free.

Pero sa totoo lang nug ginawa kong sabihin na nating pinagtripan ko ay, di pala tama iyon. Mali ang gumamit ng isang tao para lang makalimutan yung taong mahal mo. Ang laki ng iniwan saki na lesson nun sa bahay, at hanggang ngayon nakatatak na yun sa isipan ko.

                By the way di ko pala nakwento sa inyo na buti dun ako nag-aral sa school na katabi nung University na school ni Koby dahil nagkita na kami nung kaibigan ko na umalis ng di nagpaalam si Tof. Nagtransfer kasi siya sa province kaya we don't have any connection kasi wala rin naman atang signal sa kanila. Sobrang nakakatuwa kasi isang school lang pala kami. Hanggang sa nagustuhan ko siya, pero di kasing lala nung feelings ko kay Koby noon. Tingin ko kasi mawawala rin agad yung pagkagusto ko dito kay Tof. Di rin naman ako magugustuhan nito, kasi may kaklase siyang nakalaban ko sa isang blogtasan at nalaman ko kaklase niya yung kaibigan ko si Tof. For more info pala bestfriend ko rin si Tof mas nauna pa siya kay Koby kaso nga lang biglang nang-iwan. Yung kaklase niya na yun ay sa tingin daw nila may gusto sa akin at pinagtutulakan niya ko dun. Tinukso niya ko dun at pinupush niya talaga ko doon na bagay daw kami. May nagugustuhan kasi siyang girl nun take note nililigawan na pala so sinabayan ko na lang ang trip niya, para its a tie.

Hanggang sa may classmate akong girl na tinutulungan namin sa research nila kasi ang complicated ng grupo niya, in short mga tamad. Yung isa pang classmate ni Tof ay nililigawan yung classmate ko na need ng tulong kaya naman nagulat ako na tinulungan nila kami at nalaman nilang nandun kami sa ground floor ng school. Habang tinutulungan yung classmate kong girl ay nagchichikahan kami nung close kong isa na girl. Kwinento niya kasi yung kaibigan niya sakin at dala daw niya yung jacket nun, sobrang bango nga at inamoy ko. Nirereto niya kasi sa akin yun. Pero di ko pa nakita ng personal yung boy. Nakita nung close ko na girl na classmate ko rin na masama yung tingin ni Tof habang pinagchichikahan namin yung boy na sinasabi ko.  Ang sabi ko hindi naman, saka as if magseselos yan. Yun kasi ang sabi nila sakin na baka raw nagseselos.

Nagising na lang din ako isang araw na I have no feeling for Tof. Hindi naman kasi nga ganun kalalim yung pagkagusto ko sa kaniya saka hindi talaga siya yung tipo ko. Nasa katangian kasi yun lahat ni Koby. Parang bigla na lang nagpahinga si heart, siguro kasi pagod na pagod na siya.

First Love Never Dies Until When?Where stories live. Discover now