Bitter 1.1

56 1 0
                                    

"MARIA ELIZABETH CHORA!"

"Ayy Putcha!"

"Hoo! Sa wakas napansin mo rin ang beauty ko "

"Ano ba! Fia naman, papatayin mo ba ko, kung makatawag ka naman at buong buo pa talaga!"

"Sorry naman Bes, eh ikaw naman kasi, kanina pa ko sa kadadakdak dito eh di ka naman pala nakikinig "

"Sorry may iniisip lang "

"Wow ha, iniisip talaga eh kanina ka pa kaya dyan, tulaley ka masyado, sino bang tinignan mo? " sabi niya sabay libot ng kanyang tingin sa paligid.

"Ah, wa.. wala noh! "

"Wala? talaga lang ha? eh sa tingin ko yang si Papa Brylle ang pinagpapantasyahan mo hahaha, uyyy "

"Yuck ha! Yan, yang ubod ng Hangin sa katawan, ewww, saka FYI fia, Past is past and never been discussed " pagsagot para matapos na ang pangangantyaw niya. SANA lang matigil na siya.

"Wow, Bitter alert "

"Tse! Di ako bitter noh, sadyang I really hate Boys "

"Ay wow, Man hater alert pala "

"Ewan ko nga sayo may klase pa ako ", sabay tayo ko.

"Sige lang, talagang TATANDANDA KANG DALAGA! move on move on din pag may time! " sigaw niya habang papalakad na ako papuntang building namin.

Hayy ang ingay talaga nitong Bestfriend ko, di ko nga alam kung ba 't naging BFF kami. Dyahe, opposite poles attract talaga ano, kung yang si Sofia eh madaldal, kikay na kikay, malandi (Sorry bes, Im just saying the truth haha ) at MakiLALAKI, yup tama kayo ng rinig alam nyo bang papalit palit yan ng Boyfriend, at lahat yan sinabi niya sakin na 'TRUE LOVE ' DAW ang nararamdaman nya tapos minsan Last na daw, na tipong They will live happily ever after pero ni isa sa kanila walang nagseryoso sa Bes ko at nauwi sa happily never after, tala ga nga naman oh mga tarantado talaga ang mga Lalaki, pagnakakita ng MAS sa kanilang GF iiwan tapos ang idadahilan 'Di na kasi kita Mahal' Ungos mo Boy! Sabihin nyo 'Mas may maganda kasi sayo' o kaya naman 'Nakakasawa na kasi ang pagmumukha mo' edi tapos hindi yung mag iisip pa ang mga babaeng iniwan nyo na bakit anong ginawa kong masama?, ano pa kaya ang kulang?, naku! naku talaga Lalaki nga naman.

*Bump

"Ay Sorry ", sabi ng nabunggo ko.

Yan sa kakaisip ko ng problema ng iba nakabunggo ako sa likod ng isang Yuck! Lalaki. Speaking of a Devil.

"Miss, ayos ka lang?", tinatanung nya ako pero di nya naman ako tinutulungan sa pagligpit ng mga gamit ko na nahulog, bwisit!

"Ayos ba kamo? eh kung tinulungan mo kaya ako sa pagligpit nitong mga gamit ko edi sana OKAY ako! " hindi ako mataray noh, sadyang hindi lang siya Gentleman.

Naglakad na ako papuntang Room ng bigla siyang sumigaw.

" I LOVE YOU TOO! "

*Room

"Naku naman talaga oh! ang Queen B. ng EDUCATION Department nakasad face na naman, anyare teh?" usisa ng calssmate kong babae pero parang bakla kung magsalita siguro nahawan na to ng bestfriend niyang bakla.

"Hay wag mo na nga akong usisain dyan Heyleen naaalala ko lang ang walangjong yun, arrggg~"

"Sinetch etey atey?"

"Ewan, di ko nga alam name nya fisrt time ko nga lang siya nakita dito sa campus eh" sagot ko ng nakapangalumbaba.

"Hmm, eh ano ngang problema?"

"Wa- " naputol ang sasabihin ko dahil nasa unahan na ang first teacher namin sa first subject ko na Advance algebra and trigonometry, ang pinakahate na subject ko sa lahat.

"Goodmorning Class..."

"Ay Chora maya nalang ha, ayan na si Ms." sabay alis niya sa inuupuan niya, naku talaga oh 'maya na lang' daw it means na babalik siya.

Naku talagang babaeng to napakachismosa, siya pala si Heyleen (Hey-Lyn) Flores ang number one chikaDORA as in chismosang layas sa buong Department namin pero mabait naman siya kaya nga lang napaka..hm. talaga.

"Okay class before we start our lesson for today let me first introduce to you the new transferee in our department, you may now come in Mr. Garcia"

Whatda F.

"Hi my name is Lawrence P. Garcia, nice meeting you all" sabay kindat niya sa buong klase I mean sa mga girls?

Waaaatda F talaga, pano ba naman eh ang nasa unahan ng classroom namin ngayon eh ang lalaking napaka- napakaungentleman, napakabastos at napaka gwapo este napakachaka pala.

"Ms. Chora!"

"Ayy kabayo!, este Yes Ma'am?" kakagulat naman tong mukhang paang prof. ko.

"I said can you PLEASE put your things in YOUR own desk" sabi niya ng naka cross arms with matching taas ng kanyang super kapal na reading glass.

"Ay ye..yes Ma'am, sorry Ms." saka ko itinabi sa desk ko ang mga gamit ko.

"Sit down Mr. Garcia"

"Thank you Ms."

"Your welcome, okay class..." magsisimula na ang lesson, naku po, pag nag test or qiuz maaasahan ko kaya tong napakang.. lalaking to? ayts, erase erase, remember Chora kaaway mo siya.

*tugs..

*tugs

(Sa kalagitnaan ng lesson)

"Hoy! Seatmate" *pinch

"Hoy! Seatmate" *pinch

"ANO BAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!??"

"MS. CHORA!"

"Ma..ma'am?"

"Ms. Chora detention office after class!"

"But Ma.. "

"And can you please SIT. DOWN!"

"Sorry Ma'am"

Talaga naman oh that's why I hate boys, they will continue to argue with a female. And us, girls will never win, we just keep going until they get the last word, or piss us off.

Ms. BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon