Kapag minamalas ka nga naman talaga, mapaglaro talaga ang buhay ano, kung sino pa ang pinakaayaw kong tao eh siya namang kasama ko ngayon. *face palm*
"Dito nyo ilalagay ang mga Library card pagkatapos nyong pirmahan, kuha nyo?"
"Opo" sabay naming tugon ni Lawrence
"Okay, iwan ko na kayo dito ha, just call me if theres any problem ha, andun ang telepono" pagkatapos kaming turuan ng mga dapat naming gawin kapag may maghihiram o sasauli ng mga libro umalis na si Mrs. Magpantay, ang librarian sa E.A mini library kung saan kami mag aassist in one week, fortunately one week lang to at dito lang kami sa computer nakaassign but unfortunately kasama ko ang love na love kong bestfriend, sarcasm please, si Lawrence, I must say this is going to be a HELL WEEK for both of us.
"Ako na lang dito sa computer ikaw na lang ang taga sign ng mga library cards"
"Okay" maikling sagot ko sa kanya para naman maiwasan ko ang pagsisimula ng away namin, super stressed na ako no' ayoko ng dagdagan pa nang pagsasagutan namin.
***
Almost one and a half hour na kaming parehong nakaupo dito na walang imikan at usapang nangyayari except kung may ipapahanap ako sa kanyang students name sa computer na nasa harap niya and because of that nabawasan ang stressed ko, mabuti nga at wala namang masyadong makulit o pasaway na E.A student, madali lang naman pala tong pinapagawa samin eh.
Akala ko lang pala...
May group of students kasi na pumasok na ang iingay palibhasa puro lalaki kaya ang yayabang kung umasta arghhh. At dahil nga umiral na naman ang kabwisitan ko sa mga lalaki lumapit ako sa table kung nasan sila 'nag aaral' kuno, di naman kasi sila nag aaral eh more of nagtatawanan pa nga.
"Ehem" pagpapapansin ko para naman malaman nila ang presensiya ko
"EHEM!" pag uulit ko kasi wa epek sa kanila eh
"Eh-"
"Oh, tubig" sabay abot ng mineral water sakin ng lalaking nasa katabi ko
"Uy! Cyd ano yan pre?" tanong ng lalaking nasa gitna nakaupo, nakapalibot kasi sila ng upo sa rectangular tableng lib.
At yung lalaking nag abot saking ng mineral water umupo sa upuan na nasa tabi ko, yun lang kasi yung vacant seat
"Wala, kanina pa kasi nauubo tongsi Ms. Librarian"
"Ahhh, Librarian talaga ah, hahaha" tawanan ng mga kasamahan niya at ako naman parang tanga sa katititig este sa pakikinig sa usapan nila tungkol sakin
Librarian ha, tignan natin ngayon kung sinong mapapahiya, tawanan sila ng tawanan habang nag umpisa na ako magsalita
"F.Y.I hindi ako nauubo" sabay lapag ko ng malakas sa mineral water na hawak ko "At pwede ba Library to, LIB.RA.RY, hindi canteen na pwede kayong magtawanan ng MALAKAS, hindi Park para TAMBAYAN NYO LANG, kaya pwede ba! KEEP YOUR MOUTH SHUT! o kung di nyo kayang i-zip yang mga bibig NYO eh pwede na kayong LUMABAS! Tsupe!"
"Miss Librarian sor-"
"Ms. LIBRARIAN" tawag nung lalaking ang pangalan eh Cyd ata, narinig ko kanina, enemphasized niya talaga ang librarian ha, tapos tumayo ulit siya at lumapit sa tenga ko " Wag kang maingay Library to"
"Pe- " magsasalita pa sana ako kaya lang nag 'shh' siya sabay lapat ng hintuturo niya sa labi ko
"Shh, quiet, pinagtitinginan na tayo oh" at tinuro nya ang ibang estudyante na ngayon eh nakatingin na sa amin
"Tara na mga tol" biglang sabi niya at lumabas sila ng mga barkada niyang nagtatawanan pa RIN
Pero nung nasa may exit door na sila biglang siyang tumalikod at tumingin sa direksyon kung san ako tulalang nakatayo "Bibig mo MS.LIBRARIAN nakabuka" sabi niya ng naka-smirk.
Tawanan ang mga kasama niya at pati na rin ang mga estudyante sa loob ng Library.
"QUIEeeeeet!" sigaw kong nakatikim ang mga kamao sa galit, sa takot nila natigil ang tawanan.
"Humanda kang lalaki ka!" nasabi ko na lamang sa sarili ko.