Bitter 1.5

22 2 0
                                    

Alam mo yung feeling na para kang isang asong sunod ng sunod, yung parang lagi kang nasa hawla sa tuwing nasa loob ka ng bahay tapos kapag nakalabas ka ng hawla nag iiba ang ugali mo, lahat ng ginagawa mo sa labas opposite sa mga ginagawa mo sa loob ng bahay nyo. Kapag nasa loob ka kasi ng bahay parang palaging may mga matang nakatitig sayo na konting pagkakamali mo lang napakahabang sermon ang kapalit.

Yan ang nararamdaman ko sa tuwing nasa bahay ako, gustong gusto ko makalipad at makawala sa hawla, at yan rin ang gustong gusto kong gawin sa ngayon, ang makawala sa harap ng mga magulang ko.

"Kailan pa to nangyari ha? bat ngayon mo lang sinabi samin ng mama mo?" tanong ni papa na nakatayo sa harap ng sofa na inuopuan ko at nasa harap ko naman si mama na nakaupo, nakataas ang dalawang kilay.

"Last tuesday po" sagot ko ng nakayuko

"Hay naku Eliza nakakahiya! Nakakahiyang makipag usap sa Dean nyo kung matagal na pala kaming pinapatawag, anong irarason namin? Nakakadisappoint!" sabay talikod ni papa at naglakad papuntang kusina. Mabuti naman natigil na rin siya sa kakasermon at tanong mag iisang oras na ako sa kakasagot at explain kung anong nangyari at di ko sinabi ang totoong nangyari, half lies, half true ang sinabi ko.

"Eliza, bakit di mo sinabi agad?", diyos ko, akala ko tapos na nakalimutan ko si mama na nasa harap ko, kung si papa medyo kalmado pagnagsesermon ibahin nyo si mama, talak kung talak to.

At yun nga after another one hour another sermon ang natanggap ko galing kay mama, mabuti nga at napagpasyahan niyang siya na lamang ang makikipag usap sa Dean. But unfortunately, hindi naiwasan ni mama maipasok sa usapan si Ate Faye, ang nakatatandang kapatid ko na nasa London na ngayon nagtatrabaho bilang Asherette sa isang restaurant, palagi nama eh, palagi nalang nila akong kinukumpara sa kanya kesyo si Ate daw naggraduate na walang naging problema, blah blah etchetera.

"Eliza"

"Ma?"

"Kausapin ka daw ng ate faye mo, oh" inabot sakin ni mama ang Cellphone ni papa.

"Hello?"

"Hi eliza, kumusta?" at nagsimula na nga ang usapan namin ng kapatid ko nabanggit niya ring sinabi na daw sa kanya kanina ni mama ang problema ko sa school. At syempre as the role model slash very good na ate nagbigay siya ng advice kasabay ng lagi niyang pinapaalala sa aming magkakapatid.

"Basta Eliza ha wag na wag ka munang magboboyfriend, aral muna ha?"

"Alam ko nayan noh" sabay crossed arm ko at taas ng isang kilay as if naman nakikita niya ako.

"Geh, out na ako, tapos na break namin, pakisabi nalang kay mama, ingat and Godbless"

"Same to you, bye" at dun nga nagtapos ang usapan namin, napaisip na naman tuloy ako, paano kaya nagawa ni Ate faye ang maging super sipag, super bait at ang pagiging masunurin nya kina Papa.

Talagang hanga ako sa ate ko, 22 years old na siya pero NBSB pa din, pano ba naman kasi pinalaki kami na super strict si papa bawal kami magsuotng maikling short, palda, bawal magsuot ng sando except kung matutulog pero kahit sa sala bawal kasi ayaw ni papa makita kaming naglalakad lakad sa bahay na halos hubad na raw, ni makipagfriend sa mga lalaki bawal, kahit nga mga classmates and friends ko nung highschool di ko pa nadala sa bahay kasi nga awkward sa mama at papa ko, pano ba naman kasi kahit usapan about crushes bawal, ni hindi nga kami nagmumura sa bahay, bawal magball, mag attend sa mga sayawan, lahat yan bawal and of course ang number one rule 'Bawal magkaboyfriend' hanggang wala pa daw kaming trabaho. At lahat yan nagawa ni Ate Faye kahit nga malayi na siya nasusunod niya pa din ang mga rules na yan except nga lang sa pagsuot ng mga shorts.

Hindi lang naman sina papa ang strict samin eh, nagsimula yan sa Auntie ko na nasa canada, 50 years old na ni isa wala pang naging karelasyon kaya yan tumandang dalaga kaya pati mga pamangkin niya ginagaya niya sa lifestyle niya syempre di kami makaangal dahil siya ang tumutulong sa family ko lalo na kay Ate na siyang nagpaaral dito, mabuti nga at scholar ako kaya nakagagawa pa akong mga kalokohan kung minsan.

And that's my family, super strict but syempre there's always a good side in every family, and sa family ko the good side is that we always prioritized God in our lives kaya siguro sila super strict kasi Bornagain Christian kami.

And siguro kaya ako naging man hater slash bitter (sabi nila) kasi lumaki kaming naniwala na boys are boys they will never change katulad ng mga naging asawa ng mga auntie ko sa side ni mama, ang iba sa kanila naging battered houswife, ang isa iniwan, ang dalawa after mabuntis parang isang bulang nawala nalang bigla, ika nga ni mama siya lang naging maswerte kay papa pero who knows baka maging katulad siya ng ibang lalaki dyan.

That's why I hate boys they are just goody good sa simula and after they get what they want (we all know what they want, of course) bigla na lang mawawala, ang galing ang galing galing nilang lahat. Tama nga siguro si mama 'Boys are boys they will never change.'

Ms. BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon