Bitter 1.6

31 1 0
                                    

"Girl, di ka ba nacu-curious kung anong pinag-uusapan nila?" kasama ko ngayon si Sofia nasa labas kami ng Office ni Dean

"Hindi ako curious kasi alam ko na ang sinasabi ni Dean kay mama, alam na alam ko na" talagang alam ko na, pano ba naman bago dumating si mama kinakausap na ako ni Dean at syempre para siyang sirang plaka sa pagpapaalala na 'You must be curious to your behaviours Ms. Chora' blah blah.

"Bes" sabay hugot niya sa kamay ko

"Oh?"

"Patay, world war 3 eto"

"Ha?anong pinagsasasabi mo?" tumingin ako sa kanya at nakita kong may tinuturo ang pouty lips niya sa may hallway at nang pagtingin ko tinuturo niya, world war 3 talaga sabi ko sa sarili ko

"Good morning" nakangiting sabini Lawrence habang hawak ng dalawa niyang kamay ang strap ng bag niya

"Goo-"

"Walang good sa morning kung ikaw ang una kong makikita sa umaga" pagpapatuloy ko sa sasabihin sana ni Sofia sabay irap ko sa kanya

"Grabe ka naman Girl, Good morning renceeee" talagang nagbeautiful eyes pa ang bruha at tinawag pa sa nickname ni Lawrence, renceee ewww

"Mabuti ka pa Fia naaappreciate ang kagwapuhan ko, thank you ha, ge' una na ako" at dumiretso siya sa loob ng Office ni Dean

"Hangin ha"

"Totoo naman girl eh, eeeeh. Teka! anong gagawin niya sa loob?"

"Hala! Oo nga noh! na..nand-" naputol ang sasabihin ko kasi lumabas na si Dean kasama si mama at Lawrence na nag-uusap, teka nag uusap? what the hell is happening?

"Mrs. Chora thank you for coming, its nice na nakausap na kita regarding with your daughter"

"Thank you po Dean, its nice to meet you ho" sabi ni mama at pagkatapos nilang magthank you, goodbye sa isat isa pumasokna si Dean saoffice nya habang ako nasa state of shock pa din pano ba naman mag kausap si mama at si Lawrence

"Sige iho thank you very much sana wag mo ng uulitin yun ha"

"Sorry po talaga Mama"

"Eliza anak, mauna na ako may pupunta pa ako sa school ng kapatid mo" umalis na nga si mama kahit di ako sumagot sa sinabi niya, di talaga ako makapagsalita kasi may hinala na ako, patay!

"Lawrence!" pasigaw kong tawag sa kanya

"Oh? no need to thank me, its okay ako ang may kasalanan kaya dapat ako ang parusahan" sabi niya in a soft tone pero for me in a 'mayabang' way yun

"Ah talaga? Thank you ha (sarcastic) BUTI ALAM MO!"

"Welcome!" mapang asar niyang tugon "Ge, alis na ako" tatalikod na sana siya ng pinahinto ko siya

"Teka!"

"Ano ba yan, miss ako agad, oh?" kaya ko pa sanang makipag asaran sa kanya eh kaya lang kailangan kong malaman ang TOTOONG nangyari sa loobng office.

"Kapal din talaga ng muka mo no'? Pwede bang sagutin mo ko yung totoo ha" maangas kong sabi

"Sagot agad? di ka pa nga nanliligaw eh hahaha"

"Seryoso ako" mataray kong sabi

"Okay okay, relax, anoba yun"

"Anong sinabi mo sa loob? kay Dean? at kay mama?" hesitant pa siyang sabihin ang totoo nag isip isip pa siya bago magsalita

"Ano kasi.. alam ko namang ako ang may kasalanan, sa simula pa lang alam ko na kaya yun"

"Alam ko na yan, pwede ba wag ka ng paligoyligoy pa, sabihin mo na ang TO-TO-O"

"Okay okay, heto na"

At sinabi niya nga samin ni Fia ang totoong nangyari, kahapon daw kinausap niya na si Dean at in-explain niya yunh nangyari pati yung sa classroom na pagsigaw ko hanggang sa pagpapatakot nya sakin at sinabi rin ni Dean kay mama yung totoo kaya ngayon

"Kaya ang punishment sakin is 1 month akong magiging Student assistant sa mini library ng E.A department at syempre kasama ka"

"What?" napatayo ako sa pagkabigla, akala ko ba okay na AKO.

"Relax lang girl" saby higit paupo sa akin ni Sofia

"Ayoko na sanang sabihin sayo kasi makikiusap na lng sana ko kay Dean na ako na lang kaya lang.."

"Kaya lang!?"

"Sabi kasi ni mama okay lang daw sayo yun"

"Ha? mama mo?" tanong ni sofia sa nakayukong si lawrence

"Si mama este ni Ti..tita" mahinang sabi niya

"Mama ko?" tinuro ko ang sarili ko at um-oo naman siya

"NOOOOOOOOOO!"

Ms. BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon