"Walanjo ka Fia ha, dinamay mo pa talaga ako sa paglalandi mo" galit kong sabi kay Fia na ngayon ay nasa katabi ko dito sa Foodcourt ng S-Mall, kaya pala dali dali akong pinapapunta dito kasi kailangan nya daw ng makakausap slash makakasama habang ang ka-eye ball niya ay nasa school pa nila, di pa daw tapos ang klase, JUICE COLORED! Kabwisit!
"Grabe ka naman girl, landi agad? Eh di ba 1:30 pa naman ang next class mo? 11:45 pa lang naman"
"Kung may ibang friend lang ako talagang iiwan na kita dito, pasalamat ka one and only ka lang"
"Yan! yan ang gusto ko sayo eh, no choice ka Hahaha"
"Basta eksaktong 1 aalis na ako"
"Okay, eto na nga sila oh"
"Asan?" pagtatanong ko
"Sorry hon, hinintay ko pa kasi to" biglang may dumating na lalaki na medyo kaedaran namin pero iba ang uniform at may kasamang isa pang lalaki na nakauniform ng E.A sa school namin, teka...parang...
"IKAW!" napatayo ako at dahil sa lakas ng pagkakasabi ko nagtinginan halos lahat ng nasa foodcourt
"Hi! MS. LIBRARIAN" sabi ni Mr. Yabang habang nakacrossed arms at nakatayo sa harap ko
"Ow, Hello Cydrick" masayang tugon ni Fia "Kilala mo na pala tong bestfriend ko"
"No, not really pero parang kilala niya ako" sabay wink niya sakin
"Eww, maghulos dili ka nga, di ka naman kagwapuhan para makilala ko noh" pagsingit ko sa usapan nila at nagcrossed arms din ako para malaman niyang di ako na-iintimidate sa kanya, asa!
"Ows? Eh sinu-sino ba ang mga kilala mong GWAPO?"
"Wala kana dun!" pagsusungit ko
"Sino nga?" sabay lapit niya ng mukha niya sa mukha ko "Malay mo kilala ko rin sila at malay mo MAS gwapo pa ako dun para pagtuonan mo nang oras na ma-ki-la-la"
"Sina Ken Brylle Mejino, Lawrence Garcia, Joshua San Jose, Yun! MGA GWAPO YUN PARA MAKILALA KO"
Linayo niya ang mukha nya sabay tawa ng malakas "HAHAHAHA, Akala ko ba 'man hater' ka kuno, eh bat kilala mo ang HALOS mga famous sa Campus?"
"EH! AN-"
"Pwede ba Eliza chillax ka lang, pinagtitinginan na kaya tayo, see?" pagpuputol ni Fia sa usapan namin or should I say, Bangayan namin?
"Chill Bro', babae yan, kaw talaga mapang asar" awat naman ng lalaking I think 'new boyfriend' ni Fia tinawag nyang hon kanina eh.
"Sorry bes ha but I have to go" kinuha ko na ang bag ko at akmang aalis na sana
"Bes naman eh, 12 pa lang oh may one hour ka pa"
"Please?" singit ni Mr. Yabang habang nakataas ang gilid ng labi
Bago ako sumagot tinignan ko muna siya at si Fia na nakalapat ang dalawang palad sa isa't isa with matching puppy eyes pa
"Okay, let the game begin" sarkastiko kong sagot. Alam ko naman kung anong gusto nitong lalaking to eh, laro. Larong gustong gustong gawin ng mga lalaki.