"Sorry na please, please kahit ano gagawin ko just forgive me", pagkatapos nya yung sabihin dire diretso akong pumasok sa Comfort room.
"Girl, pagbigyan mo na kasi,kawawa naman oh" sabay ungos nya sa direksyon ng labas kung nasan si Lawrence na kanina pa sa kakasorry sakin, guilty na siguro, hmm dapat lang yan sayo.
"Hayaan mo siya, dapat lang yan noh"
"Grabe na talaga, man hater na talaga kana talaga Girl kahit isang mapapable na kagaya ni Lawrence wa epek sayo", sagot ni Sofia habang naglalagay ng Magic lipstick sa napakalaki niyang bibig, literally speaking.
"Tse! Dapat siyang magdusa dahil hanggang ngayon di ko pa nasasabi kina Papa, nakapaskil na nga pangalan ko sa Deans office dahil di pa sila nag uusap ni Dean, arghhh"
Yeah right! Tama kayo ng rinig 2 days na after nung usapan namin ni Dean kaya pinalagay nya na ang Name ko sa bulletin board na till Saturday morning nalang daw at kung di niya pa nakikita o nakakausap isa man lang sa parents ko masususpend daw ako. Nakakahiya, nakakapraning. Pano ba naman tanong ng tanong mga classmates ko wala akong sinasagot ni isa man sa kanila.
"Oh, lagay lagay rin ng KONTING make up pag may time, napapabayaan mo na beauty mo eh" sabay abot ng Magic lipstick na hawak niya.
"Bes alam mo naman na di ako naglalagay nyan, at saka di ko kailangan nyan noh" sabi ko ng nakacross arm.
"KONTI nga lang girl, nu' ka ba girl dagdag appeal ang may kulay sa lips, konti nga lang di ba?"
"No! mas lalong ayoko and di ko kailangan yan kung para lang MAS maging maganda ako sa paningin ng iba at higit sa lahat sa mata ng mga bastos na mga lalaki dito sa mundo, di-
"Hep hep hep, shhh, tama na tama na, okay na di na kita pipilitin, okay? tapos ang usapan kung san san kana nakakarating eh, para kang sira dyan, tapos na ha? PERIOD!" pagpapaliwanag niya habang nasa bibig ko ang kamay niya.
"Please, sorry na" eto ang nadatnan namin pagkalabas na pagkalabas namin ng C.R, with matching paluhod luhod pa ang bwiset.
"May naririnig ka ba bes?, parang parang ungol ng ASO!" pabiro kung tanong kay Sofia, siya naman pinairal ang pagkaslow
"Ha? Ungol? Girl bawal ang hayop sa loob ng School, hala! ireport natin yan"
"*sigh* Oo friend, ireport na natin yang HAYOP na yan, baka may makagat pa ang HAYOP na yan" talagang ine-emphasize ko ang Hayop word sabay tingin kay Lawrence na walang tigil sa kakasabing 'sorry'
"Sorry na"
"Lika na girl" aya ni Sofia, at hinila ako palayo kay Lawrence na nakasemi luhod na lang ngayon.
Mabuti sayo yan noh, kulang pa yan sa pagpapatakot mo sakin, kulang pa yan sa pagpapaiyak mo, di pa yan sapat sa pagpapahamak no sakin.
Minsan sa buhay di sapat ang pagsasabi lang ng sorry para mapatawad ka o magpatawad ka sa taong nakagawa sayo ng kasalanan, lalo na kung ang taong yun ay naging espesyal sa buhay at puso mo, sorry is not enough to heal a wounded heart.