Bitter 1.2

32 2 0
                                    

*Detention Office

"Yes Ma'am"

"And don't forget to lock this office before you leave"

"Yes Ma'am" kanina pa ako sa kaka 'Yes Ma'am' ko, pano ba naman ang daming tagubilin, ano ako janitress ng school? isa sa mga maintenance? Clean my room, clean the tables, wipe all the glass windows blah blah blah..

"ARGHHHHHHHHH!"

*blag

"Sino yan?", sigaw ko kasi parang may narinig akong natumbang bagay sa sahig, baka hangin lang.

*screeeech

"SINO YAN?", naku matatakutin pa naman ako, sabi kasi nila haunted office daw to eh kasi noon daw may nagpakamatay na lalaking estudyante dito kasi daw di nakayanan ang punishment sa kanya pano ba naman eh nahuli siyang gumagamit ng shabu sa loob ng boy's CR.

Nakatayo lang ako sa gilid ng table ni Ms. Kasimsiman, yung teacher ko kanina sa math, dumidilim na sa labas, nasa pinakalikod pa naman ng educ. building itong office, dapat na akong magmadali sa paglilinis.

Kinuha ko na ang pamunas ng mga table at sinimulan na ang pagwawipe ng mga glass tables. Pagwawalis na lang ang di ko pa natatapos.

*Psst

Hangin lang yan, tama!

*Psssst

Pusa lang yan na kumakanta, tama!

*Awoooooooo

"WAAAAHHHHHHHHHHHHHH", sabay takbo ko papuntang pinto, aalis na ako dito mama kooooo.

Patay, di ko mabuksan ang pinto, pihit ako ng pihit ng pinto habang nananalangin, Lord God patawarin mo po ako sa lahat ng aking mga kas...

"Wa..wag po, wag po", may biglang humawak sa balikat ko, naku! baka naman pagsamantalahan ako ng multong to'

"HAHHAHAHAHAHAHAHA", tumatawa ang multo? pa..panong..

"Kung nakita mo lang sana ang mukha mo, HAHAHAHHAHA", humarap ako sa MULTO kuno na halos gumulong na sa sahig sa kakatawa.

Lord, eto na po ba ang parusa nyo sakin? Mabait naman po ako ha, matulungin, masunuring anak sa mga magulang, isang matapat na kaibigan at may takot sa diyos, pero bakit? Bakit ganitong kamalasan na lang nakukuha ko, dahil po ba sa LALAKI ka at ako? Ako ay galit at kinamumuhian ang mga kalahi nyo.

Pumatak na ng tuluyan ang mga luha ko habang nakatulala sa Multo na halos mamatay sa kakatawa. Ang 'multo' na sa una palang kinamumuhian ko na, ang 'multong' nagpahamak sakin at ang 'multong' dahilan kung bakit ako umiiyak ngayon sa takot, kaba at galit,

Si Lawrence.

Ms. BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon