Bitter 1.9

12 0 0
                                    

"Destiny na yan girl!"

"Anong Destiny ka dyan, ang sabihin mo malas lang talaga ako kahapon" mataray kong sabi kay Fia, nag uusap kasi kami ngayon tungkol sa encounter ko kahapon kay Mr. Yabang este Cyd at sabi ng magaling kong Bestfriend eh destiny daw tawag dun pano ba naman kasi halos oras oras ba naman kasi nagkikita kami, sa canteen, sa hallway, sa Educ. building, sa main gate at pati sa street kong saan ako dumadaan pauwi eh nagkita kami.

"Malay mo siya na pala ang hinihintay mong soulmate"

"Pagkatapos ng destiny soulmate naman, agad agad? diba pwedeng nagkataon lang?"

"O kaya stalker ka niya? ohh haba ng hair" arte talaga nito, pektusan ko kaya to?

"Ewan ko sayo Fia kung ano anong kalokohan pumapasok diyan sa kokote mo"

"Opinyon lang naman eh, galit agad? Sige na nga mauna na ako mamaya pang 3 ang next class ko eh"  pamamaalam ni Fia, if I know makikipag eye ball lang naman yun kanina pa hawak Cellphone nya eh.

'Ba't kaya may mga babaeng ang hilig makipag date ng ganun ganun na lang yung kahit sa text lang nila nakilala eh ayos lang na makameet nila ang lalaking katext nila at yung iba naman sa Facebook lang nagkikita, malay mo bang edited lang pala picture nya, uso na yun noh, camera 360, retrica, photo editor, one click lang gwapo kana agad sa picture mo tapos si babae naman okay lang makipagdate or meet dahil nga 'gwapo' sa picture si boy, mga desperada'

Sa gitna ng pag iisip ko biglang tumunog ang Cellphone ko, may nagtext.

From: ...aaahFia

Girl! punta ka d2 sa S-Mall, fudcourt, bilis!

----

Si fia lang pala, bat kaya?

To: ...aaaFia

Why?

---

From: ...aaahFia

Bsta! bilis!

---

Kung maka-bilis ha, akala mo naman emergency siguro di sumulpot ang ka-eye ball neto, tsktsk lalaki nga naman oh mga paasa!

Ms. BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon