1 SEBASTIAN
Did my heart love till now? Forswear it, sight!
For I ne'er saw true beauty till this night.
--William ShakespeareBeep-beep-beep-beep. Tumayo si Cat para i-off ang alarm clock nya. Tiningnan nya ang oras. Alas-tres ng umaga. Inumpisahan na nya ang pag-empake ng gamit. Pagkatapos ay pandalas syang naligo. Hindi na nya pinagkaabalahan pang suklayin ang shoulder-length hair nya. Dala-dala ang backpack nya, kumatok sya sa kabilang pinto.
"Tay, alis na po ako. Maaga pa ang meeting time namin. Kitakits after five days." Tumalikod na sya at umalis.
4:30 na ng makarating sya sa university. May ilang kaklase na rin syang naroon at naghihintay. Ilang minuto pa at dumating na ang head nila.
"Ok, guys. Reminder lang. We'll be staying at the hotel for five days. Our responsibility is to assist the speakers and guests in any way we can. Here's the sched. Pass it on, please. The conference will run from nine AM to six PM. But you have to be there at eight. After dinner, you are free to do what you want. Just don't go outside the hotel and don't do anything that will tarnish our school reputation. Good luck."
Umupo na si Cat sa isang upuan sa bus. Sinaksak ang earphones sa tenga at in-on ang music sa phone. Pagkatapos ay pumikit na sya. {1 week sa Tagaytay} naisip nya. {Hope everything turns out well} At nakatulog na sya.
Okay naman ang naging takbo ng conference. Pagkatapos ng dinner, hindi na sya nakikihalubilo sa mga kasama nya. Dumidiretso na sya sa kwarto at natutulog.
Nung 3rd night, hindi sya makatulog. Tiningnan nya ang oras sa phone nya; 11:30pm. Isinuot nya ang hoodie nya at sneakers tapos lumabas sya. Naalala nyang may pool sa baba ng hotel. Dun sya dumiretso.
Dahil gabi na at malamig, wala nang tao sa poolside. Umupo sya sa isang reclined chair. Itinaas nya ang tuhod nya at sumandal sa chair. Nakatitig lang sya sa kalmadong tubig ng pool. Nakasaksak pa rin yung earphones nya sa tenga. Nakikinig lang sya sa music. Unconsciously, she started to sing along with the music.
"This place inside my mind, a place I like to hide
You don't know the chances. What if I should die?!
A place inside my brain, another kind of pain
You don't know the chances. I'm so blind!"Napapikit si Cat at hindi nya namalayang may umupo na sa harap nya at tinititigan sya.
Pagmulat nya ng mga mata nya, hindi agad sya naka-react. Nasa harap nya ang isa na ata sa pinakagwapong lalaki sa buong mundo. Hazel brown eyes, shoulder-length brown hair na nililipad ng hangin, pointed nose, fair complexion, spanish-looking. Ngumiti ang lalaki bago nagsalita, "You make 'Blind' sound like a love song."
Unti-unti na syang naka-recover sa pagkatulala. Tinanggal nya yung earphones sa tenga nya, "Excuse me?"
Napangiti ulit ang lalaki. "Hi. My name's Sebastian. Nice to meet you." In-extend ni Sebastian ang kamay nya. Pero hindi kinuha ni Cat yun. Instead, nagtanong ulit sya, "What are you doing; sitting here? There's a lot of chairs around."
"But you're not on any of them." Nakangiti pa rin si Sebastian.
Tumayo na si Cat, "Well, enjoy the night. I have to go." At naglakad na sya palayo.
Tinawag sya ni Sebastian, "Wait! You haven't told me your name yet."
Dinedma lang sya ni Cat. Naisip nya. {Wala akong panahon para makipaglandian.}
Sebastian shrugged. {It doesn't matter. I'll find it out soon.} Nag-dial si Sebastian sa phone nya. After a while, sumagot ang boses ng isang lalaki.
>>It's already late, Seb. What do you want?
<<I think I finally found her.
>>Found who?
<<My Juliet.
>>You're crazy. I'm going back to sleep. Try not to drink too much.At pinutol na ng kausap nya ang tawag. Pumikit lang si Sebastian.
BINABASA MO ANG
A CATena of Kisses
RomanceIt's a sick and perverted love story. This story tells us how love can be mysteriously mischievous. Catalina, a simple, young, and beautiful girl whose life has changed as she encounters the "men" in her life. She found love in an unexpected way, a...