18 Mark

79 4 1
                                    

Wow! Happy 500+ reads! Salamat sa continuous support.

18 MARK

"You want me to show you how. she did it?"

Nagising si Cat. Ilang gabi na nyang napapanaginipan ang scene na yun.

"Ano kayang nangyayari sa kin? Hay... Sino kaya ang girlfriend ni Gael? Argh. Bakit ba si Gael na naman ang iniisip ko?" Tiningnan nya ang phone nya. 2am pa lang. Pumikit sya pero ayaw syang dalawin ng antok. Nag-text sya kay Van. Hindi ito nag-reply. Nasa Bangkok naman si Vincent at nasa Japan si Nathan. Tiningnan nya ang call logs nya. Nakita nyang number nga ni Gael ang tinawagan nya the night na nalasing sya. Sinubukan nyang tawagan ito. Nag-ring pero natakot sya; she cancelled the call. Biglang nag-ring ang phone nya; tumatawag si Gael. Sinagot nya ito.
<<Hello.
>>Why did you call?
<<Uhm...wala naman. I can't sleep. Nag-try lang ako. Sorry if nagising kita.
>>You want to talk?
<<About what?
>>I don't know. Whatever you want to talk about.
<<Hmm...why didn't you tell Sebastian that I left my phone in your car?
>>I forgot that it was there. I found it when I was about to go check on you.
<<Ah...how come you don't want anyone to know that I slept over at your house. Is it because of your girlfriend?
>>No. I don't want any complication. Why are you so curious of my girlfriend, anyway?
<<Nothing. It's just that Sebastian hasn't mentioned you have a girlfriend. That's all.
>>Is that really all? Or are you curious about the kiss mark?

Natahimik si Cat.
>>I still have it, just so you know.
<<Uhm...
>>Hm? Cat got your tongue?

Tahimik lang si Cat. Di nya alam kung anong sasabihin nya.
>>Can you sneak out?
<<Huh?
>>I'm outside your house.

Sumilip si Cat sa bintana. Andun nga ang Reventon ni Gael.
<<What are you doing there?
>>I was out, getting some fresh air when you called. Come on. Let's go for a spin or two.

Hindi alam ni Cat kung anong pumasok sa isip nya,
<<Five minutes.

Pinutol na nya ang tawag. Nagpalit sya ng jeans at black baby t-shirt. Tapos nagpatong ng hoodie nyang black. Nag-sneakers sya.

Dahan-dahan syang lumabas para wag mahuli ng tatay nya. Paglabas nya, sumakay sya agad sa kotse ni Gael at umalis na sila.

"Where are we going?" kinakabahang excited na tanong ni Cat.

"Nowhere in particular. Do you want to go somewhere?" tanong ni Gael.

Nag-shake sya ng head. Tinitigan nya si Gael. Naka-Metallica shirt ito, torn jeans at sneakers. Nakita nya yung kiss mark. Umiwas sya ng tingin. Sa labas na lang nya iginala ang mga mata nya.

"You were looking at my mark again." sabi ni Gael.

"Did you enjoy it?

Nag-smirk si Gael, "She was kissing and sucking my neck. Of course, I enjoyed it."

"Oh..." {Syempre Cat, girlfriend nya yun. Alangan namang hindi sya mag-enjoy.}

Nag-park si Gael sa isang coffee shop pero hindi sila bumaba. Heavily tinted ang kotse nya kaya di sila kita sa labas.

"What if I tell you you're the one who gave it to me the night you got drunk?" Nakatitig sa kanya si Gael.

"Ha-ha. Not funny, Gael. I would never do that." pabirong sabi ni Cat pero kinakabahan na sya. Ang lalim tumingin ni Gael; parang pinag-aaralan lahat ng parte ng mukha nya.

"You did." seryosong sabi ni Gael.

Naramdaman ni Cat na umakyat lahat ng dugo nya sa mukha.

"You're blushing. Do you remember now?" Palapit ng palapit ang mukha ni Gael kay Cat.

Mabilis ang tibok ng puso ni Cat. Di pa rin sya makapagsalita.

Binaba ni Gael ang mukha nya sa leeg ni Cat. "First, you kissed me lightly here." Lumapat ang mga labi ni Gael sa leeg ni Cat. "Then you started to suck; gently at first." Ginawa ni Gael ang sinabi nya kay Cat. Napapikit si Cat. Unti-unting lumalalim ang pagsipsip ni Gael sa leeg ni Cat. Napasigaw si Cat, "Gael!"

Nagising si Cat. Bumangon sya. Humarap sa salamin. Tiningnan ang leeg nya.

"Putcha! Taenang panaginip yan."

---

Nakatambay si Cat kila Van. Nagpaalam syang mag-sleep over sa kanila.

"Wow! Intense ang panaginip mo ha." sabi ni Van sabay kain ng boy bawang.

"Sa tingin mo galing talaga sa kin yung hickey ni Gael?" tanong ni Cat.

"Malay ko. Wala ka ba talagang natatandaan, Cat?" kinuha ni Van ang remote at inilipat ang channel ng TV.

"Wala talaga, Van. As in." sabi naman ni Cat.

"Yun lang. Pero kung ikaw ang may gawa nun, ikaw na talaga! Ang lupit mo, girl! Akalain mo yun. Minarkahan mo si first kiss!" kilig na kilig na sabi ni Van.

"Pero hindi naman siguro. Baka nga galing sa girlfriend nya." sumubo rin ng boy bawang si Cat.

"Tanungin mo kaya kung ano ang nangyari para ma-clear na natin once and for all?" suggestion ni Van.

"Nakakahiya naman."

"Di yan. Itanong mo lang kung anong nangyari nung sinundo ka nya. Para magkaalaman na. And I suggest you do it now!" nakangising sabi ni Van sabay abot ng phone.

"Wag na. Malamang wala yun. Nood na lang tayo ng TV."

Biglang nag-ring ang phone ni Cat. Nanlaki ang mata ni Van parang tinatanong kung sino.

"Si Sebastian." sabi ni Cat. Bumalik sa panonood ng TV si Van.
<<Hello.
>>Hello, love. How are you?
<<Ok naman. Eto tambay lang kila Van. Overnight ako dito. Ikaw?
>>Having lunch. Two days to go and we'll see each other again.
<<Yup.
>>I miss you, Cat.
<<I miss you too, Sebastian.
>>Anyway, I have to go. Talk to you later.
<<Ingat.

"Eto tambay lang kila Van. Overnight ako dito at iniisip ko ang pinsan mo." sabay tawa ni Van.

Binato ni Cat ng unan si Van, "Baliw!"

---

Nasa resthouse lang si Gael. Ilang araw na syang doon umuuwi. Kalahating bote na lang ang iniinom nyang vodka. Tumingin sya sa kama kung saan natulog si Cat. {Damn. I need to get her out of my system.} May kumatok sa pinto.

"Bukas yan, Bert." sabi nya. Pumasok ang matanda.

"Nagluto po ako ng hapunan. Kumain po muna kayo, Master Gael."

"Hindi ako nagugutom." sabi nya.

"May problema po ba kayo?" tanong ng matanda.

"Ok lang ako, Bert."

"Yung babae bang kasama nyo nung isang araw?" mapangahas na tanong ng matanda.

"Walang pwedeng makaalam tungkol sa kanya at sa nakita mo." mahinahong sabi ni Gael.

"Wala po akong nakita. Pero sana kumain po muna kayo." sabi ng matanda.

"Sige. Susunod ako." sabi ni Gael.

---

That night, paikot-ikot si Cat sa kama. Hindi sya mapakali. Sinuot nya ang hoodie nya at lumabas sa balcony nila Van. Malamig ang simoy ng hangin. Palibhasa mataas kasi ang lugar nila Van. Dala-dala nya ang phone nya. Umupo sya sa isang chair. Tinitigan ang telepono, {Tawagan ko na kaya? Para matapos na.}

Tinawagan nya ang number ni Gael. Nag-ring ito ng isang beses. May sumagot pero hindi si Gael; boses ng isang babae. Maingay ang background na parang nasa isang bar.
>>Hello.

In-end ni Cat ang tawag.

A CATena of KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon