3 DINNER
You are adorable, mademoiselle. I study your feet with the microscope and your soul with the telescope.
--Victor Hugo
Huling araw na ng conference. Sobrang busy nila Cat sa pag-aassist sa mga delegates and speakers. Alas-kuwatro na ng hapon at halos patapos na ang araw. Tinapik ni Cat ang kasamahan nya, "Uy. Wiswis lang ako. Di na kaya ng powers ko."
Tumango naman ang kasamahan nya, "Sige. Balik ka agad ha."
"Yup."
Kumakanta palabas ng CR si Cat ng marinig nya ang boses ni Sebastian.
"I knew it was you...The girl who turns metal into love songs." Naka-business attire si Sebastian; dark blue coat and slacks, white polo, grey necktie, black leather shoes. His shoulder-length hair was pulled back into a clean ponytail.
Nakita nya ang name plate ni Cat, "Hello again...Cat. Beautiful name. Short for Catherine?" Nginitian nya si Cat.
Napansin ni Cat na tinatawag na sya ng kasamahan nya mula sa pinto ng conference room.
"Hi. Sorry, but I need to go." she looked apologetic.
Before she could walk away, Sebastian grabbed her hand, "Wait. Have dinner with me tonight."
Nabigla si Cat, "Ha?"
"I'll take that as a 'yes'. I'll wait for you at the lobby." Binitawan na nya si Cat na nagmamadaling bumalik sa conference room.
Kinuha ni Sebastian ang phone nya at may tinawagan sya.
>>What is it now, Seb? I'm in the middle of a meeting.
<<I'm having dinner with her tonight.At pinutol na nya ang tawag.
Meanwhile sa loob ng conference room, "Cat, sino yung gwapong-gwapong nilalang kanina? Ikaw ha. Wala lang si Nathan, nag-switch ka na." tanong ni Van, ang bestfriend nya.
"Sebastian ang name nya. Di ko talaga sya kilala. Na-meet ko lang kagabi sa may poolside. Saka wag mo nga kaming intrigahin ni Nathan. May girlfriend na yun; maganda at mayaman. Friends lang kami nun." Nakatingin sa harap si Cat habang nag-eexplain kay Van.
Van rolled her eyes, "Masungit naman si Abby. Pero mas gwapo si Sebastian kaya I vote for him!"
"Sira ka talaga." At nagtawanan na lang sila ng mahina.
---
7 pm na natapos ang conference; isa-isang naglabasan ang mga tao. Sila Cat at Van ang huling lumabas. Nagulat sila dahil nakatayo sa labas ng pinto si Sebastian. Nakapagpalit na sya ng damit. Naka-white polo and jeans na lang sya. Nakalugay na yung hair nya.
Kumaway sya at ngumiti, "Hi."
Bumulong si Van na medyo napalakas, "Mas gwapo pala sa malapitan."
Lumapit si Sebastian kay Cat at Van, "Hi, I'm Sebastian, Cat's date for tonight. Thank you for the compliment. And you are?" In-extend nya ang kamay nya kay Van.
"Hi. Va-Van-Vanessa. You understand Tagalog?" medyo nauutal si Van na inabot ang kamay ni Sebastian.
"Of course. I can speak the language too. Anyway, ok lang bang isama ko muna si Cat? We have a reservation at seven-thirty."
Sumagot si Cat, "No. We need to assist delegates during dinner."
Bigla namang bawi ni Van. "I don't think they'll notice if Cat's not there. You can take her out. Ako na ang bahala. She's all yours." Itinulak ni Van si Cat papunta kay Sebastian.
"Te-teka..." Hindi na nakatanggi si Cat kasi hinawakan na ni Sebastian ang kamay niya, "Let's go. Thanks, Van! I'll make it up to you."
"Wait! Van!" parang humihingi ng saklolong sigaw ni Cat.
"Enjoy lang kayo ni Sebastian. Mwah!" Nag-flying kiss si Van kay Cat bago tumungo papunta sa restaurant.
Sebastian led Cat to the parking lot. Napansin naman ni Cat na magkahawak pa rin sila ng kamay kaya agad itong bumitaw, "This is crazy. You are crazy. Baka hanapin nila ako dun. Lagot ako sa coordinator namin."
"Your friend says it'll be alright. Have some faith on her." nakangising sabi ni Sebastian.
"San ba tayo pupunta?" tanong ni Cat habang sinusundan nya si Sebastian.
"Just wait and see." pa-misteryosong sabi ni Sebastian.
Napabuntong hininga si Cat. Habang naglalakad sila sa kahabaan ng parking, napasigaw siya, "Wow!" Nanlaki ang mga mata niya at halatang manghang-mangha sya sa nakita.
"Wow! Lamborghini Aventador! Tulad nun kotse ni Batman!" sobrang saya nya na para syang batang binigyan ng icecream pagkatapos bunutan ng ngipin.
Ngumiti si Sebastian. "So, you know cars. Do you like it?"
"Yup. Kinikilig ako. Ang ganda... Wait lang. I have to take a picture." binitawan nya si Sebastian at tumakbo sya palapit sa sasakyan. Inilabas ni Car ang phone nya para kunan ng litrato gamit ang Aventador. In-inspect nya pa ito ng malapitan.
Aliw na aliw ang expression ni Sebastian. {So cute...} sa isip nya. Napatingin sya sa relo nya. 7:20 na.
"Cat, it's almost seven-thirty. Shall we go?" he asked politely.
"Yup. Sorry a. Nadala lang ako. San ba ang..." Di na natapos ni Cat ang sinasabi nya kasi biglang nag-deactivate ang alarm ng Aventador at bumukas ang mga pinto.
In-assist sya ni Sebastian, "Please hop in."
Napatungo si Cat, "Sa yo to." It was more of a statement than a question.
"Yup. Do you want me to take a picture of you inside?" suggestion ni Sebastian.
"No, thanks. Ok na yung kanina. Nice car." Nakatingin lang si Cat sa may dashboard.
"Thanks. Tara na." Sebastian started the car.
---
Tahimik sila Cat at Sebastian buong byahe. Marahil dala na rin ng pagod sa buong linggo, naidlip si Cat. Nagising na lang sya ng tumigil ang sasakyan.
"We're here." sabi ni Sebastian.
Tiningnan ni Cat ang paligid, "Antonio's?"
"Yup. It's a nice restaurant. You've been here before?" tanong ni Sebastian.
"Nope. Not yet." Inayos ni Cat ang ponytail nya.
"Well, tara na. I'm hungry, and I'm sure you are, as well." yaya ni Sebastian. He unlocked the doors and immediately went to the passenger's side to assist Cat. Then, inabot nya ang key sa valet. "Take care of it." He smiled and then went inside the restaurant with Cat.
BINABASA MO ANG
A CATena of Kisses
RomanceIt's a sick and perverted love story. This story tells us how love can be mysteriously mischievous. Catalina, a simple, young, and beautiful girl whose life has changed as she encounters the "men" in her life. She found love in an unexpected way, a...