2 Nathan

128 6 0
                                    

2 NATHAN

That was one of the saddest things about people--their most important thoughts and feelings often went unspoken and barely uderstood.

--Alexandra Adornetto

Lunch time na ni Cat. Inilabas nya ang phone nya. 1 SMS from Mike. 5 SMS from Nathan. Binasa nya isa-isa.

MIKE
#Hey, Cat. Musta na? PS4 sa min this Saturday.

Nag-reply sya kay Mike.
#Hey, Mike. Check ko muna if wala ako lakad sa Saturday.

Sabay subo ng ulam. Tiningnan naman nya ang messages ni Nathan.

NATHAN
#Hey, Cat. Musta ka na?
#Hey, Cat. Nakakaantok ang Math. What are u doing?
#Hey, Cat. Nag-message si Mike. Tambay daw tayo sa kanila this weekend.
#Hey, Cat. Busy siguro kayo no? Anyway, last class na.
#How are you, Cat? Miss na kita a. Wala akong kasabay mag-lunch.

Nag-reply si Cat sa messages ni Nathan.
#Hey, Nathan. Ok naman. Busy pa rin sa conference. Mas dumami yung tao ngayon kasi maraming humabol.
#Anyway, nag-message nga si Mike. Di ko pa sure if makakapunta ko sa weekend. Sabihan ko na lang kayo pag ok.
#Di mo ba kasabay mag-lunch si Abby?
#Ah...may kwento pala ko. Last night, asa may poolside ako tapos may guy na lumapit sa kin. Nakipagkilala sya. Pero di ko pinansin. Parang ang weird kasi hehe. Gwapo pa naman. Parang kahawig ni Ben Barnes.

Wala pang 2 minutes nya na-send yung last message nya nang tumawag si Nathan.
<<Uy, Nathan. What's up?
>>Ok ka lang ba? He did not do anything to you? Gusto mo puntahan kita dyan?

Napakunot ang noo ni Cat.
<<Ok lang ako no. Hindi naman pati sya mukhang masamang tao; weird lang. Ben Barnes nga di ba?
>>Kahit na. Don't let his looks fool you. Basta avoid him.
<<Oo na. Saka wag ka ngang magsend ng 'I miss you' stuff. Kaya mo lang naman ako namimiss kasi wala kang ginagago pag lunch. Pag nabasa ni Abby yun, magselos pa yun. Baka mamisinterpret nya ang friendship natin.
>>Oo. Hindi na. Kahit na sobrang miss na kitang kasama.
<<He! Ayan ka na naman e. Sige na. Di pa ko tapos kumain. Bye.
>>Bye, Cat. I miss you.

In-end na ni Cat ang call. At nagpatuloy sya sa pagkain.

Meanwhile sa cafeteria ng university, bumubulong si Nathan, "I really miss you, Cat. Kung alam mo lang."

Suddenly, may nag-hug sa kanya from behind, "Hi, hon!" Isang babaeng may long, wavy hair ang nag-kiss sa cheek nya. Maganda sya, petite, mukhang manyika.

"Hi, hon. Kain na." ngumiti ng pilit si Nathan.

A CATena of KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon