15 PARENTS
Now playing: #1 Crush by Garbage
🎼I would die for you
I would die for you
I've been dying just to feel you by my side
To know that you're mine🎶Alas-siete pa lang ng umaga, nasa mansyon na nila Gael si Sebastian.
"Good morning, Master Sebastian. Tulog pa po si Master Gael." sabi ni Markus.
"Good morning! I'm going in, Markus. Pa-prepare na lang ng almusal." masayang bati nya sa mayordomo nila Gael.
Dire-diretso si Sebastian sa kwarto ni Gael. Nahaharangan ito ng dalawang set ng double doors. Midnight blue ang kulay ng walls ng kwarto ni Gael, wooden floor. Nasa corner ng mansion ang kwarto ni Gael kaya isang side lang ang may bintana na natatakpan ng kortina mula kisame hanggang sahig. May study table sa isang gilid, sofa chair sa kabila. May dalawang pintong magkatabi sa isang side; ang isa ay papunta sa banyo samantalang ang isa naman ay sa walk-in closet. Sa gitna ng kwarto makikita ang kama ni Gael. Puti naman ang bed sheet nya pati mga unan at kumot.
Nagsaklob ng kumot si Gael nung maramdaman nyang may pumasok sa kwarto nya. Hinila ni Sebastian ang upuan sa may study table ni Gael. Umupo sya doon at ipinatong ang dalawang paa kay Gael. Tinanggal ni Gael ang nakasaklob na kumot sa mukha nya. Magulo ang buhok nya, nakabukas lang ng konti ang kanyang mga mata, nakakunot ang noo at nakasimangot.
"What is it, Seb? It's too early. And what happened to your face?" tanong ni Gael. May maliit na plaster sa may bibig ni Sebastian at mapula ang kanyang pisngi. Pero abot hanggang tenga pa rin ang ngiti nya.
"I got into a fight with Cat's friend." sabi ni Sebastian pero masaya pa rin ang mukha.
"The de Leon kid?" Tumango si Sebastian. "You got into a fight with an eighteen year old." sarcastic na sabi ni Gael.
"He can throw a punch." defensive na sabi ni Sebastian.
"Ok. So what's with your smile?" tanong ni Gael sabay kusot sa mata at hikab.
"Last night, I told her I love her. She kissed me."
Napamulat si Gael.
"On my cheek. But still, she kissed me, Gael!" excited na sabi ni Sebastian.
"Ok. Is that all? Can I go back to sleep now?" bored na sabi ni Gael.
"No. Let's go. Breakfast is ready!" yaya ni Sebastian.
"Ok. Go ahead. I'll join you after a quick shower."
"O.K!" at lumabas na si Sebastian na pasipol-sipol pa.
Bumangon na si Gael. Naghubad ng damit at dumiretso sa banyo. Binuksan nya ang shower. {She kissed him, huh?} He shook his head and enjoyed the warm water.
---
Sa mini-dining room sila kumain ni Sebastian. May isang 8-seater table dito. Nakahain na ang bacon, toast, ham, fruits, cereal, rice, pancake, daing na bangus, egg, coffee, tea, juice, water.
"So, what's your plan for today?" tanong ni Sebastian.
"Just sleep through the day." sabi ni Gael.
"Oh...." sabi ni Sebastian.
"What do you want, Seb?" annoyed na tanong ni Gael.
"It depends on Cat's schedule." sabi ni Sebastian.
"You don't need a wingman. You already confessed your undying love to her." medyo sarcastic na sabi ni Gael.
"I don't know. Parang bigla akong kinabahan to see her."

BINABASA MO ANG
A CATena of Kisses
RomanceIt's a sick and perverted love story. This story tells us how love can be mysteriously mischievous. Catalina, a simple, young, and beautiful girl whose life has changed as she encounters the "men" in her life. She found love in an unexpected way, a...