7 Party

108 5 0
                                    

7 PARTY

What the hell am i doing here?
I don't belong here.
--Radiohead, Creep

Ilang araw na rin ang nakalipas. Medyo nakalimutan na ni Cat ang mga nangyari. Hindi rin nagpaparamdam sa kanya si Sebastian.

Sa loob ng university, nakatambay silang tatlo nila Mike at Nathan sa isang bench.

"Guys, next Saturday na ang birthday ni Margaret ha. You need to be there." sambit ni Nathan.

"Hindi ba pwedeng mag-pass?" tanong ni Cat.

"Cat, you know Margaret adores you. It will break her heart if she does not see you there." nangungunsensyang sabi ni Nathan.

"Ano ba ang dress code? Saka sino-sino ang mga pupunta?" medyo nahihiyang tanong ni Cat.

"It's a black-tie event. Well, friends ni Margaret, friends ko, friends ni ate, friends ng family, and business associates."

"Black-tie..." mahinang sabi ni Cat.

Parang nabasa ni Nathan ang iniisip ni Cat, "Are you worried about the dress?"

"Uhm..."

"I can help you with that." sabi ni Nathan.

"Nathan, hindi ako charity work. Alam mo yan. I'm sure magagawan ko ng paraan to. May ipon naman ako." defensive na sabi ni Cat.

"Pero, Cat..." alam ni Nathan na minsan matigas ang ulo ng kaibigan nya.

"I know! I can lend you the money to buy a dress, Cat. And then you can pay me little by little." suggestion ni Mike.

"Yeah. I think that will work. Sige na, Cat. For Margaret?" pagsusumamo ni Nathan.

"Fine." taas-kamay na sabi ni Cat.

"Nice. I can go with..." may sasabihin pa sana si Mike pero pinutol na ni Cat.

"No. Ok na yun. I'll ask Van to come with me. Ok?" tumango na lang ang dalawang lalaki.

---

The day of the party came. Busy si Nathan sa pakikipag-usap sa isang kaibigan ng tatay nya. Palibhasa nag-iisang anak na lalaki kaya inaasahang sya ang mag-aasikaso ng kanilang business after graduation.

{Ang tagal naman nila Mike and Cat.} sa isip nya.

Nagulat sya ng biglang may sumakbit sa braso nya.

"Good evening, gentlemen."

"Abby, iha. How are you?" tanong ng business associate nila Nathan.

"Hello, tito. I'm ok. I need Nathan. Do you mind if I borrow him for a while?" pa-charming na tanong ni Abby.

"Of course not, iha. Go ahead. Talk to you later, Nathan."

"Thank you, sir. Please enjoy the evening." magalang na pamamaalam ni Nathan.

Hinarap ni Nathan si Abby nung makalayo sila. "Abby, what do you want?" iritableng tanong nya.

"Am I not allowed to borrow my boyfriend for a while? I miss you, Nathan." panlalambing ni Abby.

Nakunsensya naman si Nathan. "It's not like that, Abby. It's just I was talking to an important associate..." bago pa nya natapos ang sasabihin nya ay natigilan sya. Pumasok si Mike kasama ang pinakahihintay nya.

Naka-metallic gold and dark blue na cocktail gown si Cat. Venus cut ang pang-itaas at medyo hapit ang pang-ibaba. Tapos naka-spartan type sandals sya na may 3 inches heels. Ang buhok naman nya ay naka-ayos para makita ang maganda nyang mukha. Smoky eyes naman ang make up nya. May leather cuffs sya sa kanang braso. Kita rin ang 3 loop earrings nya sa kanang tenga at ang stud earrings nya sa taas ng kanan at kaliwang tenga. May suot syang kwintas na may blue pendant.

A CATena of KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon