Chapter 7

12 2 0
                                    

*****

Robby's P.O.V

Andito na ko sa tapat ng school. Natipuhan kong magjogging na lang papuntang school. Naka running shoes naman ako kaya walang problema. Mga 30 minutes kapag nilakad mo lang, 20 minutes pag jogging, 10 minutes naman kapag nakakotse.

Papasok na sana ako ng room ng biglang...

"Hey Robby." Bati sakin ni Krystal. Halata namang fake yung smile niya eh.

"Anong kailangan mo?" Bwisit 'to maganda gising ko ngayon wag mong sirain.

"What are you talking about Robby? Bestfriends tayo diba?" Nagpanting yung tenga ko sa sinabi niya.

"Hoy babae, dati lang yon. Kung gusto mong hindi masira yang Barney-like mong mukha, umalis ka sa harapan ko." Napaatras siya ng onti tapos nagsmirk ako. "Takot ka naman pala eh."

"H-hey watch your words." Nagalit siya pero nakikita ko parin na natatakot siya dahil sa banta ko.

"Just get out of my sight." Kumunot yung noo ko tapos medyo binunggo ko siya. "Where's your bitches? Namatay na ba kakalandi?"

"How dare you." Nagfrown siya. "They're absent for today. They're hanging out with cool guys. Sayang nga eh, kasi ikaw walang nakukuha. Puro kami lang-"

"Whatever. Go make out with them wala akong pake." Umalis ako tsaka pumasok sa room. Kumaway sakin si Steve tapos nag-peace sign ako.

"Good morning Robby Rabbit." Nakangising bati ni Steve sakin. Umupo na si Krystal sa tabi niya. Napasimangot naman ako kasi yung bwisit na 'to ayaw mawala sa paningin ko.

"Hey Steve, tara lipat muna tayo ng upuan habang wala pa si Sir." Napasimangot si Krystal kasi ang balak lang naman niya ay i-flirt si Steve.

"Sure sure." Tumayo kami ni Steve at umalis kami.

*****

At The Cafeteria

"Steve, pakisabay naman na yung drinks ko sa pagbili mo oh." Pakiusap ko kay Steve na patayo pa lang para kumuhang pagkain niya. Nag-nod naman siya at umalis.

Napansin ko naman na may mga lalaki na nakatingin sakin kaya lumingon ako. Hindi kalayuan ay may five guys na mga may itsura, nakatingin silang lahat sakin. Isa na sa limang yon ay si..... Dominic.

Napafrown ako tapos sinimulan ko nang kainin yung nasa tray ko.

"Paupo nga ako dito!!!" Sigaw ni Evans na papalapit sa table namin. Nakita ko na tumatawa sina Allen at Jules, kasama ang tahimik na si Tom sa tabi nila.

"Paano kung ayoko?" Napataas yung kilay ko tapos lalong nag-darken yung aura ni Teresita.

"Lumayas ka diyan! Paupuin mo nga ako!" Tinulak niya ko pero buti na lang mabilis yung reflexes ko.

"Aray ano ba!?" Tinulak ko rin siya pero tinulak niya ulit ako.

"Bakit ka na nanunulak!?" Inis na inis sakin si Evans.

"Ikaw kaya nauna!" Kumuha na lang siya ng panibagong upuan tapos umupo sa harapan ko.

"Bakit ba kayo lumipat ng pwesto nina Lix?" Lix yung tawag niya kay Steve.

"Ang gulo niyo kasi lagi kaya lumipat kami. Dapat nga isasama namin si Tom kaya lang okay na daw siya don." Napasimangot namaman siya. Wala bang alam na ibang gawin 'to kung hindi makipagtalo sakin at sumimangot? "Bakit nga ba andito ka?"

"Pinagtritripan ako ng mga mokong. Dito muna ako, asan si Lix?" Tanong niya habang kumuha siya ng fries sa tray ko.

"Andun bumibili pa lang ng pagkain niya. Mamaya andito narin yon." Kumuha rin ako ng fries tapos kinain ko yung burger ko.

Just Like A RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon