Chapter 8

8 1 0
                                        

A/N:

Hi guys :3 Pasukan na at inspired na ko dahil kay crush <3 Pag-iigihan ko 'to kasi baka mabasa niya. Hahaha

-Otaku_Fan

*****

Steve's P.O.V.

"Uy Steve, uy!!!" Kumakaway sakin si Robby pero hindi ko siya pinapansin. Paano ba naman kasi mas pinili niya pa yung baliw na nabunggo namin nung isang araw kesa sumama sakin. Napahiya pa ako kasi tinawag niya akong Steelix.

"Hoy!! Bingi ka ba? Steve!" Nagpout siya, hindi kong maiwasan na hindi tumingin sa kanya pero umiling na lang ako at lumakad palayo. Nagtext ako sa kanya kahapon pero hindi man lang siya nagreply.

"Steelix!! Yoohoo! Robby to Steve, Robby to Steve!" Hinabol niya ko tapos sumakay siya sa likod ko. "Steve Felix Watson! Are you in there!?" Sumigaw siya sa tenga ko.

"Aray! Grabe ka naman!" Nasigawan ko siya tapos nagulat siya. Bumaba siya sa likuran ko. "I-I need to go."

"Teka lang kasiiiiiiii." Hinawakan niya yung collar ng polo ko tapos hinigit ako. "Uyyyy!!!" Nagpout nanaman siya. Para siyang bata.

"Ano ba kasi yung gusto mo sabihin?" Tinitigan ko lang siya tapos nag-grin siya.

"Hindi mo kasi ako pinapansin?" Biglang naging sad-face yung itsura niya. "Ano ba kasing problema?"

"Wala." Tumalikod ako pero sinundan niya pa rin ako. "Ang kulit mo, wala nga."

"Anong wala. Ano yun, nireregla ka lang ganon?" Humalakhak siya sandali pero nung nakita niyang seryoso parin ako tumigil siya. "Bakit nga kasi. Kukulitin kita buong magdamag sige."

"Dun ka na sa Dominic mo!" Oops, bigla na lang lumabas yun sa bibig ko. Nahalata kong gulat siya dahil nasigawan ko siya, at yun pa talaga yung sinabi ko. Nagtitigan kami tapos ngumiti siya.

"Aaaaaayyyyyy selos oh!!" Tinuro niya ko tapos tumawa siya. Nakakatampo naman 'to, naglakad na lang ako papuntang classroom. "Ay teka teka, biro lang oy! Sorry na!!!" Hinampas niya ako ng mahina sa likod, tapos ngumiti nanaman siya. "Pasensya, wala kasi akong load at kaya sumama ako dahil ayoko ng gulo. Pero don't worry, I left something on him."

"Left something?" Nakangisi lang si Robby sakin. Left something raw eh.

"Yup, I left a bruise on his face." Nakangiti nanaman siya, mukhang ansaya niya ngayon. Siguro ganon yung feeling kapag nakakaganti sa kagalit mo.

"Really?" Nilagay ko yung kamay ko sa pockets ko. "Well, that went better than expected."

Nagtatawanan kami papuntang classroom habang kinwento niya sakin yung nangyari kahapon. Iniwan niya si Dominic tapos sinapak pa ng malakas. Manakit manuntok si Robby, kasing-lakas ng lalaki.

Nung pagpasok namin sa klase, nakita namin ni Robby ang isang galit na galit na Dominic.

"Hoy, ikaw Robby." Tinuro niya si Robby at lumapit papunta samin. Ang laki ng pasa niya sa pisngi, aray ko. "Pwede ba tayong mag-usap tungkol sa ginawa mo kahapon?"

"Let me think..." Medyo nagwonder yung paningin ni Robby sa loob ng room. "No thanks."

"Suntukin kaya kita." Sumimangot si Dominic, habang hinila niya palabas ng room si Robby. "Sasama ka sakin sa ayaw at gusto mo."

"H-hoy, dahan-dahan naman!!!" Pumipiglas si Robby pero hindi siya binibitawan ni Dominic. "Sige Steve, una na ko." Nag-peace sign siya sakin tapos sumunod na lang siya kay Dominic.

*****

Robby's P.O.V.

"Ano nanaman ba kasi yon!?" Kumakawala ako sa hawak ni Dominic at napapiglas naman ako papaalis sa pagkahawak niya. "May sasabihin ka lang kailangan sa ilalim pa ng puno." Dinala niya ako dito sa puno ng Acacia sa likod ng school. Wala namang tao sa mga oras na 'to.

Just Like A RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon