A/N: Kaway-kaway sa mga naging busy diyan dahil sa pasukan. Hahahaha
Dedicated para kay Jayruh <3
-Otaku_Fan
*****
Dominic's P.O.V.
"Oh, dito na tayo umupo." Sabi ni lesbian habang umupo siya sa isang upuan na may malaking table.
"Okaaaay. Bakit dito pa tayo uupo kung tatlo lang naman tayong kakain?" Umupo si Calvin sa harapan ni Robby, ako naman sa tabihan niya.
"Who said ako lang ang ililibre niyo?" Nakangiti siya samin. "Cameron tara na! Pasok na kayo." Nagulat kami ni Calvin ng may pumasok na mga mas bata sa amin, siguro mga 13-year-olders, at apat sila. Umupo sila sa tabihan ni Robby. "Well, you said it's your treat anyways." Nakangiti lang silang lima na parang mga madman at eto namang si Calvin eh nakikitawa na rin.
"Hi Kuya." Bati nung katabi ni Robby. "I'm Cameron, Ate Robby's younger brother." Nakangiti lang siya habang ramdam ko yung pang-iinspect niya sakin.
"Babaero nga. Tingin pa lang niya kay Ate Robby eh." Bulong nung isa dun sa Cameron. Sinaway naman siya ni Robby. "Ay, ako po si Luke, eto naman po si Dave yung nakasalamin, si Derrick naman po yung pinakapogi."
"Hoy ako pinakapogi ah." Sabat ni Cameron habang tumango lang naman yung Derrick. "Ikaw ba yung nang-iistorbo kay Ate?" Nabulunan naman ako kasi umiinom ako ng tubig, hinampas ni Calvin yung likod ko.
"Aray naman." Hinawi ko yung kamay ni Calvin palayo. "Ah yeah. Ako yung nanliligaw sa kanya. I'm Dominic Matteo by the way."
"Gwapo naman." Sabi nung Luke habang tinitignan niya ko. Nagsimula na sila kumuha ng kanya-kanyang menu at umorder. Grabe, mukhang mapapasabak ako sa gastusin ngayon.
"And that one, also halo-halo for the seven of us please, thank you." Nginitian niya yung waiter at mukha namang nagandahan sa kanya yung waiter. Tse, magsama kayo. "So, your treat right?"
"Oo naman. Pili lang kayo ng gusto niyo." At nung sinabi ko nga yun, tumawag nanaman sila ng panibagong waiter at idinagdag pa yung mga gusto nila. Walanghiya talaga.
"Uhhhh Kuya, alam mo naman siguro na ayaw sayo ni Ate diba? Bakit mo pa tinutuloy?" Tanong sakin nung Dave. Oo nga, ano bang rason ko?
"Actually I don't know, baka nagandahan lang talaga ako sa Ate niyo." Lie, 'di siya maganda no. Pag ako nga siguro naging babae mas hot pa ko kesa sa kanya eh.
"That's a lie, isn't it?" Sabi nung Derrick habang seryoso yung mukha niya. Ako naman nagulat dahil napaka-keen niya pagdating sakin, kanina niya pa ako iniinspect. "Just kidding Kuya, I know Ate Robby is pretty." Nag-grin siya sakin.
"Hey, anong pretty? Pag-umpugin ko kayong dalawa diyan eh." Sabi ni lesbian habang inaabot niya si Derrick, problema lang eh di niya kaya dahil malayo siya. Kakaharutan nila hindi nila napansin na andyan na yung inorder namin.
"Hoy Derrick! Kainan na oh, harutan pa kayo diyan ng harutan." Hinampas nung Luke sa likod si Derrick, at tumawa lang naman siya. Ano naman kayang kinalaman ng mga 'to kay lesbian? Napagastos pa tuloy ako sobra.
*****
"Salamat sa libre! Sige, una na kami!" Kumaway sakin sina Robby, ganun-ganun na lang.
"Oy! Teka lang!" Hinabol ko sila pero tinigilan ako ni Calvin. "Bakit mo naman ako pinigil?"
"Eh kasi kanina ka pa eh! Ano ba Dominic, heartthrob ka! Ano bang problema mo kay Robby?" Feeling ko na naiinis na sakin si Calvin, nagmumukha na siyang unggoy eh. Binatukan ko siya at napa-aray siya.
"Baliw ka pala eh! Kaya ko hahabulin dahil nilibre ko yung mga baliw na yun tapos tatakasan agad ako!? Ano 'to, eat and run!?" Tinignan ko kung andun pa rin sina Robby sa paligid pero wala na agad sila. "Bwisit talaga yon! Lesbian makakabawi ako sayo!"
"Lesbian?" May pagkagulat na tanong ni Calvin. "Sa tingin mo ba pare lesbian na kagad ang isang babae kung wala siyang boyfriend?" Nakapamewang na panenermon sakin ni Calvin. "Wake up dude! Baka naman kasi choosy lang, ayaw sa tulad mo, tulad natin na playboys!" Hinampas ko sa likod si Calvin.
"Ingay mo! Alam ko na ayaw niya sakin no! Pinapa-fall ko nga eh!" Tumahimik naman na si Calvin, sa wakas. "Katulad ng ginagawa ko sa iba, mahuhulog din yan."
"Hay nako, kung ako sayo kapag hard-to-get ang bwisit maghanap ka na lang ng iba!" Binatukan ako ni Calvin at tinitigan ko siya ng masama. Bakit nga ba kasi pinagpapatuloy ko pa 'to? Kahit ako sa sarili ko hindi ko alam kung bakit.
Napabulong lang ako. "Hindi ko alam." Hindi narinig ni Calvin yung sinabi ko kaya isinigaw ko sa kanya. "HINDI KO ALAM! Nagkataon lang siguro na gusto ko maghanap ng mapaglalaruan ngayon kaya ko 'to ginagawa!" Nung una seryoso lang yung mukha ni Calvin, pero kalaunan tumawa siya ng malakas.
"Kung nakikita mo lang yung itsura mo pre! Mukha kang Godzilla!" Tawa ng tawa si Calvin at ako naman eh medyo napahiya dahil sumigaw ako ng ganun kalakas.
"Tchhh... Bahala ka sa buhay mo! Mamili ka ng gamit mo mag-isa!" Iniwanan ko si Calvin at tumatawa lang siya na mukhang baliw dun sa tapat ng restaurant.
Bakit nga ba ginagawa 'to? Hindi ko alam kung bakit pero sinasabi ng utak ko na gawin ko.
*****
Robby's P.O.V.
"Tara bili tayong gummy candies." Yaya ko kay Cameron at sa mga kaibigan niya. Tinakbuhan namin sina Dominic at yung kaibigan niyang si Calvin. Siguro inis na inis na siya sakin ngayon.
"Ano ba yan, kakakain lang eh." Naiinis na sabi ni Luke sakin pero binatukan ko siya.
"Hoy iuuwi ko 'to. Bibili ako ng naka-balot kaya wag kang magulo. Ako ang umistilo para libre ang dinner natin no." Nginitian naman ako ni Derrick. Ang weird niya ngayon ha. "Hoy, anong nginingiti-ngiti mo diyan." Nung napansin niya na nakatingin ako sa kanya eh umiwas lang siya ng tingin at yumuko.
"Wala. Gusto ko lang malaman bakit ayaw mong ibasted yung Dominic na yun." Sina Luke, Cameron at Dave eh nauna na papasok ng grocery store. Sabay lang kami ni Derrick habang nag-uusap.
"Wala, sinabi ko na sa kanya paulit-ulit, pero ang gulo niya. Sinapak ko na nga lahat-lahat eh." Habang nagkekwento ako eh napapagalaw na rin yung kamay ko na ginagaya ko yung ginawa kong pagsuntok sa mukha ni yabang. Natawa naman si Derrick.
"Hayaan mo na lang siya. O kaya gumawa ka ng bagay na kakainisan niya para tigilan ka na niya." Nilagay ni Derrick yung bag niya sa package counter, ako naman eh wala nang bitbit kung hindi ang wallet, cellphone, at keys ng kotse ko.
"Kaya nga natin tinakasan eh." Napa-pout ako kay Derrick at kinurot niya ako sa pisngi.
"Okay. Pero remember Ate, if ever you need help, andito lang ako." Tumingin siya sakin ng diretso. "Andito lang kami nina Cameron, baback-up sayo kapag sapakan na." Nag-grin naman siya sakin at pumasok na kami sa grocery store. Ano naman kaya ang bagong pakulo ng playboy na yun bukas?
BINABASA MO ANG
Just Like A Rose
Teen FictionLove? Sabi nila napaka-majestic daw nun, yung tipon bang feeling mo na lumilipad ka sa langit kapag in-love ka, o kaya naman para kang may butterflies sa stomach. Pero para sakin kung ma-iinlove ka, masasaktan ka lang. Hindi pwede na lagi kang aasa...
