Chapter 6

17 2 0
                                    

Dominic's P.O.V.

'Sup? Dominic Matteo here, your prince in shining armor. Hindi nga lang pala yung armor ang nagsa-shine, pati na rin yung buong personality ko. Well duh, sino ba naman ang may ayaw sa pogi diba? Pogi na, mayaman pa, macho pa, matipuno pa. Well, that's Dominic for you.

Anyway, pakitawag na lang akong D.O, mas sanay ako dun eh.

"IT'S YOU!!!" Napaturo ako dun sa babae na nakita ko kahapon, yung maganda pero tibo. Sayang no?

"Mr. Matteo is there any problem?" Nagulat si Sir Santos habang nakatingin naman sakin yung buong klase. Damn.

"Nothing Sir, I'm fine." Umupo ako dun sa likuran niya habang nagsimula na ng class si Sir Santos. Yung katabi niyang lalaki masama yung tingin sakin. Naiingit ata kasi mas pogi ako. Hahaha.

Nag-oobserve ako sa klase, tinitignan ko lahat ng girls. Apparently, halos onti lang yung maganda, mga less than five lang. Tapos may outstanding na tatlo dun. Grabe ang hot at sexy nung tatlo. Napatingin yung isa sakin tapos nag-wink ako. Nag-flying kiss naman siya pabalik. Eto ang marunong tumingin ng attractive, hindi katulad netong tomboy na 'to.

Tinignan ko rin yung mga gwapo. Halos dalawa lang yung may itsura. Yung isa yung kasama ni lesbian, tapos yung isa naman nakaupo dun sa dulo, medyo nakakatakot yung aura niya pero gwapo rin naman. Pero walang-wala sila sa charisma ko no.

"Hey, hey. You're the girl from yesterday right?" Kinalabit ko si lesbian na nakaupo sa harapan tapos tumalikod lang siya. Yung face niya merong unamused expression.

"Please, Dominic or whatever, stop disturbing me." Inalis niya yung kamay ko na nakapatong sa shoulders niya. "Ano naman ngayon kung ako nga yung babae kahapon? Hindi ka amused kasi hindi ka nilandi netong tomboy na sinasabi mo?" Nakatingin siya sakin na kung nakakamatay yung glares, siguro dedo na ko.

"Hahaha chill lang. I'm just asking anyways, and I'm correct that it's you." Nagsmile na lang ako kahit na nainis ako sa sinabi niya. What a drag. Humarap na ulit siya tapos nagbuklat ng textbook.

*****

"Is it true!? My god it really is Dominic Matteo!" Nagkakagulo na yung girls habang naglalakad ako sa cafeteria. Nagwink na lang ako then para silang mga adik, parang may hearts na yung mata nila.

"Yo D.O!" Sigaw sakin ni Calvin then tumakbo na ko papunta sa table namin. May tropa nga pala ako. Si Calvin, si George, si Richard, at si Patrick. Kaming lima ang "Hottie Kings" na kinikilala sa kahit anong school. Lumipat kami dito sa E.S.U. kasi gusto lang namin, for no reason.

"Hey man, nakakainis naman bakit ako lang ata napunta sa Class 4-A, lahat kayo nasa 4-B at 4-C na." Umupo ako katabi ni George habang nilapag ko yung tray ko sa lamesa.

"Well, sabi nila andun naman daw yung 'Gorgeous Queens' ng E.S.U. eh. Maswerte ka nga kasi halos iisa lang yung maganda dun sa class namin ni George." Reklamo ni Richard habang umiinom ng softdrinks. Si Richard at George sa 4-B. Si Calvin at Patrick naman sa 4-C.

"Nako hindi lang naman sila yung hot na babae sa buong mundo no. Andami-dami, pumunta ka lang diyan sa mall makakakita ka na eh." Sambit ni Patrick habang hawak-hawak niya yung cellphone niya. Siguro may katext nanamang babae 'to.

"Yeah, plus kontento na ko sa girlfriend ko mga tol." Pagmamalaki samin ni George. Siya lang kasi yung may girlfriend samin na tumatagal, Alisha yung pangalan. Mga 3 years na rin sila, loyal sa isa't-isa eh.

"Whatever." Sabi ko naman habang kumakain. Bigla kong nakita si lesbian, mga ilang tables lang yung layo mula sa amin. Hindi alam kung bakit ba ako attached dun.

Just Like A RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon