Robby's P.O.V.
Haaaayyyy kaasar, antagal pa bago mag-summer ulit. First week pa lang ng pasukan, Thursday pa nga lang eh. At ang good news pa, si Dominic pa ang partner ko for the whole year.
"Robby anong plano mo sa story na gagawin natin?" Nakalimutan ko na nag-uusap nga pala kami ni D.O tungkol sa project namin ngayon.
"Ano bang genre ng story ang kadalasan mong basahin?" Nagba-browse ako sa internet tungkol sa story-making. May onting knowledge ako sa pagsusulat ng story.
"Syempre alam mo na." Nagwink siya sakin, kadiri talaga siya. "De joke lang, ang isa sa favorite ko ay tragedy." Tragedy?
"Gusto mo ng naakakaiyak? Na story?" Nagnod siya tapos kinuha niya yung cellphone niya. "Bakit naman sad stories ang gusto mo?"
"Wala naman. Gusto ko sila pero meron lang onting problem." Binaba niya yung cellphone niya. "Wala pa kasing story na nakapagpaiyak sakin eh. Hanggang pity lang yung nararamdaman ko."
"Manhid ka ba?" Natawa lang siya. "Sige, haluan natin ng malungkot na pangyayari yung story na gagawin natin. Ako naman mahilig sa comedy at romance."
"Ikaw?" Napahalakhak siya. "Mahilig sa romance!? Hahahaha!!!" Tawa siya ng tawa. Bwisit siya. Nung nakita niyang seryoso ako tumahimik siya. "Ako rin mahilig sa romance... Kaya lang gusto ko yung medyo malungkot."
"Okay. Ang gagawin natin ay romance-comedy, na may halong malulungkot na moments." Yung project namin pasahan ay sa end pa ng school year, para siyang patungkol sa point of view ng bawat characters. "Kailan natin sisimulan yung paggawa ng story?"
"Kahit kailan pwede." Wala si Sir Santos ngayon, kaya nag-iwan na lang siya ng project. Sabi rin na ang pinakamagandang story ay gagawin bilang play, para sa aming mga graduating na.
"Every Saturday ibibigay natin sa isa't-isa yung idea natin okay?" Nag-shake hands kami.
"Ah Robby curious lang ako babe, pero bakit ba galit ata sayo yung tatlong babae na yon?" Bwisit 'to, lumayo ako sa kanya ng onti tapos tinignan ko siya ng masama.
"Wag mo kong tawaging babe, hindi ako baboy." Medyo ngumiti siya. "Kung ano mang nangyari business lang siguro namin yun. Meron ka pa bang ibang tanong?" Sinabi ko yun para tumigil na siya.
"Marami." Ngumiti lang siya, bwisit kala ko naman tatahimik na siya. "Bakit nga ba ayaw mo sakin?" Medyo napailing naman ako.
"Bakit ayaw kita? Sa maraming aspeto ng ugali mo kaya hindi kita gusto. Mayabang, masungit, pangit, sama ng ugali at higit sa lahat PLAYBOY!" Talagang nilakasan ko yung pagbanggit ng playboy. Tumawa lang naman siya.
"Pasalamat ka nga at gwapo ako! 'Di ako katulad nung mga pipitsuging pilingero diyan!" Natawa naman ako sa sinabi niya. At ayun nga, medyo nagkaayos kami sa time na yon. Pero I still don't put my trust on him.
*****
Dominic's P.O.V.
"Hoy D.O! Bagal-bagal mo naman maglakad!" Sigaw sakin ni Calvin habang nagjog naman ako para maabutan siya. Nasa mall kami ngayon, kami lang dalawa kasi sina Richard nasa bahay nila ngayon.
"Hoy Cal, may kilala ka bang Robby, Robby Skye?" Naglalakad kami papuntang department store.
"Robby? Ewan ko, narinig ko lang pero maganda raw. Medyo hard-to-get lang nga." Inabot niya yung phone niya sakin. "Oh ayan hanapin mo sa Facebook, kesa naman sa akin ka nagtatanong." Sinundan ko lang siya habang namimili siya.
Robby Skye..... Sinearch ko sa Facebook yung pangalan niya. Skye Washington... Robby Dan... At after sa paghahanap nakita ko rin na sumulpot sa listahan, ang pangalan ni lesbian! Pinindot ko then napunta ako sa timeline niya.
Robby Skye yung nakasulat. Nakaopen and close parenthesis yung nickname niyang Robb. Grabe pala 'to, sikat pagdating sa social media! Tinignan ko yung profile picture niya. Ang cute niya naman tignan dito, nakashades siya na medyo translucent tapos may hawak siyang ps3 controller, naka-peace sign siya tapos ang ganda ng ngiti niya, para ngang hindi siya eh.
Tinignan ko yung cover photo niya, kasama niya yung Steve at apat pang lalaki. Ah, yun ba yung mga kasama niya nung isang araw? Tuloy-tuloy naman ang pagi-stalk ko. Oo, stalking ang tawag dito. 'Di ko na itatanggi dahil yun naman talaga yun.
Tinignan ko yung status niya. Medyo natatawa ako kasi puro tungkol sa gaming ang alam niya. Gamer girl pala 'to.
Binasa ko rin yung isa niyang post sa wall niya.
Love is just like a rose. However beautiful it may be, once you touched its thorns, you'll bleed.
Masyado siyang deep, ang misteryoso niya at some point. Tinignan ko rin yung iba niya pang pictures then nakita ko na more than 500,000 followers niya! Aber sikat pala talaga 'to.
"Hahaha come on, samahan mo na lang kami ng kaibigan ko mamasyal." Narinig ko na may kinakausap si Calvin. Pagkalingon ko at nakita ko si lesbian na naka-blue siya na jacket at black jeans. Naka-rubber shoes siya as usual, pero ibang style naman. Ang cool niya tignan sa porma niya. Sayang naman kasi bote yung katawan niya, pinagpala pa ng hinaharap. Bagay rin sa kanya yung porma niya kahit paano kasi matangkad siya at sexy.
"Oh, ikaw pala." Napalingon siya sakin at ngumiti lang ako. Ni-return ko kagad sa home yung phone ni Cal, baka makita niya kung anong ginagawa ko.
"Magkakilala pala kayo ni D.O, well bakit hindi mo sinasabi sakin ha Dominic." Tinap ako sa likod ni Calvin at bumulong. "Pre hot 'tong nakuha mo ah."
"I'm not his girlfriend." Seryosong sagot ni lesbian, nagulat si Calvin at tumawa.
"Well, can you be my girlfriend then?" Pinatong ni Calvin yung braso niya sa balikat ni Robby at ngumiti.
"No." Grabe, rejected din agad si Calvin sa kanya. "Anyways, excuse me. Napadaan lang ako dito dahil bibili rin ako ng t-shirt para kay Cam."
"Cam? Ano yung boyfriend niya?" Bulong sakin ni Calvin. Binatukan ko naman siya.
"Baliw ka rin no? Wala yang boyfriend, siya yung pinopormahan ko." Napanganga naman si Calvin sa kanya.
"Ganda pre! Kunin mo na yan!" Binigyan ako ni Robby ng what-are-you-two-talking-about look. Nagshook lang ako at binigyan ako ni Cal ng good luck.
"So Robby darling, kain na tayo ng dinner." Yaya ko kay lesbian. 6 pm na rin kasi kaya nagugutom na rin ako. "My treat."
"Your treat eh?" Napasmirk siya samin ni Calvin. Eto namang si Cal eh confused, pati ako 'di ko alam kung anong balak niya behind that smile. "Sure let's eat. Wait lang ha, may tatawagan lang ako."
"Sure." Napataas kami ng kilay ni Calvin dahil hindi namin alam kung sino yung tinatawagan niya.
"Yeah, I'll see you guys there." Binaba na niya yung phone tapos ngumiti sakin. "Lets go."
Syempre habang naglalakad kami papunta sa restaurant na pinili niya, Pizza Hut daw gusto niya eh, nagkwekwentuhan kami at nagtatanungan.
Si Robby pala 16 years old lang, mayaman siya at ayaw niya sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mahilig daw siya sa video gaming at otaku raw siya. Ibig sabihin raw nun mahilig sa cartoons-
"Hoy anime ang tawag dun, hindi cartoons ah!" Correct naman samin ni lesbian.
Okay anime, basta yun na rin yon. At nalaman ko rin na marami siyang naging manliligaw at patuloy na nanliligaw sa kanya. Natawa ako kasi sinapak niya halos lahat ng manliligaw niya. Grabe 'to, walang sinasanto. Pero I'm quite interested on knowing you more Robby Skye.
*****
A/N: Thanks sa support. Aishiteru <3
-Otaku_Fan
BINABASA MO ANG
Just Like A Rose
Novela JuvenilLove? Sabi nila napaka-majestic daw nun, yung tipon bang feeling mo na lumilipad ka sa langit kapag in-love ka, o kaya naman para kang may butterflies sa stomach. Pero para sakin kung ma-iinlove ka, masasaktan ka lang. Hindi pwede na lagi kang aasa...
