Chapter 5

1.1K 58 16
                                    

(after 1 month)

Sinagot ko na si Bricks, before a month. Dahil nakikita ko naman sa kaniya ang tiyaga at lahat ng efforts niya mapasagot lang ako. Kaya hindi ko na siya pinahirapan at pinaasa pa. Kaya sinagot ko na siya. Dahil hindi naman panliligaw ang pinatatagal. Kundi ang relasyon. But for me... 2 months is enough to know each other. For me, kilala ko na ang ugali nya.

Sa loob ng isang buwan na relasyon namin maayos naman. Sweet siya yeah... Kumakaen kame sa labas, namamasyal, nagkukwentuhan, nagtatawanan... Yeah masaya siyang kasama.

Pero ngayun? Bakit ganun? Parang hindi na siya sweet at feeling ko nanlalamig na talaga siya sakin. Hindi narin siya pumapasok sa mga subjects niya. Pag pinupuntahan ko naman siya sa kanila wala raw. Wala rin naman sa tambayan. Hindi ko ba alam... Kung ano ng nangyayare dun.

"Nay balita kana ba kay Bricks, Chelle?" Tanong ko kay  Rachelle.

"Wala eh... Tsk" Kahit siya nag-aalala din.

"Ano bang nangyayare sa kaniya? Puwede naman niyang sabihin if my problema siya eh... Andito lang naman ako. Ano pang silbi ko, kung hindi rin lang naman niya ko sasabihan ng mga problema niya?"

"I get your point Myst. Hindi natin alam kung ano ba ang problema niya. Pero this time hayaan na muna natin siya. Kilala ko siya Myst. Pag my problema kase yun lumalayo talaga yun eh. Ayaw niya kaseng may ma-mroblema sa problema niya. Gusto niya sarilinin lang niya. Just give him a enough time to think of it. Okay?" Napatango na lang ako. Gawd. Masisisi niya ba ko kung namimiss ko ang presensya niya? Yung kakulitan niya?

---------------------
After ng uwian tumakbo agad ako palabas ng gate. Pupunta ako kela Bricks. Baka sakaling andun na siya at maabutan ko pa.

Ng malapit na ko sa kanila natatanaw ko na siya. Pero nagulat ako sa nakita ko. Yung lalaking gustong-gusto ko makita ang mukha... Ay nandito. At kausap pa niya. Pero malas. Kase nakatalikod parin ito habang nakikipagusap kay Bricks. Ng tapos na yata silang magusap... Naglakad na ulit ang lalake palayo. Tsk. Hanggang likod na lang ba talaga ang makikita ko? Tsk. Sigurado akung siya yun. Dahil nung tatlong araw kung tinitingnan siya ay nakabisado kona yata ang hugis at porma ng kaniyang likod.

Ng makalapit na ko kay Bricks,

"Sino yun?"

"Ah wala. Ka grupo ko lang sa frat." Simple niyang sabi.

"I see. Hmm... Bricks, puwede ba tayong mag-usap?" Tumango lang siya.

"Bakit hindi kana pumapasok? At bakit hindi kana nagpaparamdam sakin? Bricks, look. I'm here for you okay? Girlfriend mo ko. Kailangan sabihan mo ko ng mga problems mo... Partner's tayo diba?"

"I'm sorry Myst. Lilipat na kase ako ng school. Pero don't worry. Next next week pa naman. Maihahatid pa kita sa school." Nabigla ako sa sinabi niya.

"W-why?"

"Family problem Myst. Sorry. Just understand me, okay?" Bigla akung naawa sa lagay niya ngayun. Kaya tumango ako at niyakap na lang siya. Nalulungkot ako para sa amin. "Hatid na kita. Pagabi na ohh..."

--------------
"I love you Myst." Nagulat ako. Hindi ko alam kung magreresponse ba ko o hinde. Yeah sweet kame and mahal ko siya. Pero ang marinig mismo sa kaniya to? Mahal ko nga rin ba talaga siya? Handa naba talaga ko? "Haha. Pumasok kana Nyst. Gabi na..." Tumawa siya. Pero rinig ko ang malungot na boses niya. Magreresponse na sana ko kaso naunahan lang niya ako. Tss. Tiningnan kung muli ang puwesto nya kanina. Wala na siya. Kaya tuluyan na kung pumasok ng bahay.

No One Else Comes Close (COMPLETED) #FWA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon