Chapter 7

1.1K 60 7
                                    


1 message received

From: Bricks <3

-Mysty... I'm happy to have you in my life. Thanks for being part of me. For being a friend of mine. Sorry kung nasasabi ko sayo to ngayun... Ayokong umasa ka sa wala Myst. Ayokong may iwan ako dito. Kaya sana intindihin mo tung desisyon ko. Mahal kita Myst. Minahal kita. Sorry talaga kung eto na lang ang tangi kong naisip na solusyon. Hindi ko masabi sayo to in person... Kase ayokong makita kitang umiiyak. Kase baka hindi na ako makaalis. Thanks for everything Myst. I will miss you.

Wala na... Bigla ko na lang naramdaman ang luhang kanina pa gustong bumagsak. 'Mamimiss din kita Bricks! Masaya din ako na nakilala kita...' Sabi ko sa sarili ko habang umiiyak. Ayoko ng itext pa siya.

(After 1 Month)

Pagkatapos ng isang buwan. Medyo nakakamove on na rin ako. Alam na ito ni Rachelle... Sinabi niyang wala daw kuwenta si Bricks. Haha.  palagi din kaming nakatambay sa tambayan.

At sa mga oras na ito  andito kame ngayun sa tambayan. Nakaupo ako sa terrace. Habang nakatulala... Nagulat na lang ako ng biglang tumabi sakin si Four. Which is napaka rare talaga. Kase mapapansin mo lang siya minsan na nakatulala at seryoso.

"May gusto lang sana ako i-kuwento." Nagtaka ko sa mood niya. Hindi naman kame close pero magkukuwento siya? Haay. Sige na nga.

"Alam mo bang... Meron akung Girlfriend, first anniversary namin nun. Pinapapunta ko siya sa tagpuan namin. Kaso sinabi niyang hindi raw siya makakapunta kase kasama na naman nito ang Bestfriend niya. Minsan nga nagseselos na ko dun eh. Kahit girl lang yung bestfriend niya. Then bigla akung nakatanggap ng text message. Sabi... Naaksidente raw ang Gf ko. Siyempre pumunta agad ako. Nalaman ko na lang na naaksidente pala sila sa sinasakyang motor papunta sa akin. Dahil nagpahatid daw siya dito. Nasasaktan ako kase wala na siya. Dead on arrival. Habang ang Bestfriend niya ay puro sugat lamang ang natamo. Minsan nga iniisip ko na kasalanan ko ang lahat. Dahil inuuna ko lang ang sariki ko. Napaka selfish ko Myst. Ako ang dahilan..." Naramdaman ko na lang na tumataas baba na ang balikat niya. Hanggang sa naramdaman ko na lang na hinihimas ko ang kanyang balikat para aluhin siya. Dahil nalulungkot ako sa nangyari. "Pinagtabuyan ako ng Parents niya Myst. Kaya hindi ko na inaibigay ang kwintas na may heart pendant." Pagpatuloy nya.. Ngayun naiintindihan kona kung bakit madalas siyang tulala. Dahil sa may dinadamdam siya. Natutuwa naman ako kase saakin niya pa naisipang maglabas ng sama ng loob. Masaya rin ako na nakawala na ito sa kanyang dibdib.

"Shhh... Okay lang yun. Isipin mo na lang na masaya na siya ngayun." Pagpapagaan ko ng loob sa kaniya...

"Haaaay!!! Enough this drama." Tumayo siya at pinunasan ang mukha. At inayos ang sarili. "Kamusta na kayo ni Bricks?" Haay bakit niya pa pinaalala?

"K-kame? Ahh... Wala na kame four, 1 month na ang nakakalipas."

"Talaga? So... Puwede ba ko manligaw?" Huh? Nababaliw na ba siya? Hindi pwede!!!

"Hindi puwede Four..." Naiilang kung sabi.

"Why? Matagal na kitang gusto Myst, naunahan lang talaga ko ni Bricks. Dahil sa tapos na kung mag-aral. And unang kita ko pa lang sayo sa my garden sa inyo... Nagka-gusto na ko sayo. Kaya nga araw-araw akung dumadaan dun eh. Ayoko nga lang ipakita ang mukha ko sayo." Napa-angat agad ako ng tingin. So? Alam niya kaya na inaabangan ko rin siya? Kajiya meyn! Gawd! So napapansin rin niya pala ko?

May nakapagsabi sakin na babaero daw si Four. Halata naman. saka alam ko yun. Kaya papayag akung magpaligaw. Para sakyan lang siya sa mga trip niya.

"Oo na! Oo na! Pumapayag na ko."

"Really? Thanks Myst!!"

"Myst... Tara uwi na tayo..."

Narinig kung sabi ni Rachelle. Shet!! Nawala sa isip ko na crush nga pala ni Rachelle si Four. Gawd. Ano ng gagawin ko? *face palm* *deep sigh*

No One Else Comes Close (COMPLETED) #FWA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon