Chapter 19

1K 46 6
                                    

Anung Nangyari sa ating Dalawa
By: Aiza Seguerra

Libing na ngayun ni Four, hindi ako umalis sa tabi niya hanggang sa huli... Natatakot ako kase eto na ang huling araw na makikita ko siya.

"Iha... Ayos ka lang ba?" Tanong sakin ni Tita Emely, andito na kase kame ngayun sa memorial. Kaya medyo nahihilo lang ako dahil sa init kahit na may tent pa.

Tumango na lamang ako. nakatulala parin talaga ako. Ayoko muna ng kausap. Nakita ko namang umalis siya... Para tumabi kay kuya Ricky, kapatid ni Four. Si mama naman naiintindihan niya ang kalagayan ko kaya hinayaan na lang niya ako. Kahit si Rachelle hindi ako tinatantanan makausap lang ako... Peri iniisnob ko lang siya. Lahat ng ka frat ni Four ay nandito. Maging si Bricks na Ex ko, wala akung pakeelam kahit anung itsura ang mayroon ako ngayun. Dahil haggard na haggard na talaga ko kase wala akung maayos na tulog at kain.

Maging Si Leroy na dahilan ng aming pag aaway... Ay nandito. Wala na kung lakas para awayin pa siya .. Kase kahit awayin ko pa siya... Hindi naman na mabubuhay si Four, wala din...

Nakita kung papalapit sa akin si Bricks, nagsisimula narin siyang maluha. Tumabi ako ng kaunti para masilip niya si Four. Dahil nakaupo parin ako sa tabi ni Four...

"B-bro... *sniff* hindi ko akalain na bigla-bigla ka na lang mawawala. Iniwan mo na kame... Ikaw yung kuya-kuyahan namin... Kahit na tahimik ka lang palagi... Alam parin namin na mahal na mahal mo kame. Salamat sa lahat bro... Mahal kita."

After niyang mag message at maghulog ng bulaklak ay umalis na siya ng nakayuko. At bumalik na sa upuan niya.

Sunod na lumapit si Rachelle, maging ang kaniyang mata ay namumula din.

"Four... Alam kung may pinagsamahan tayo... As a gf ex o mapa kaibigan... At natutuwa ako kase totoong napakabait mo talaga. Tinanggap ko na maging kayo ni Mysty... Kase nakikita kung babalik muli ang saya sa mukha mo. Hindi ko lang akalain na iiwan mo na kame. *sniff* thanks for everything F-four... I love you..."

After niya mag message ay bumalik na agad siya sa upuan niya. Masasabi kung napakabait talaga ni Rachelle...

Next is si Leroy. Hanggang ngayun hindi ko parin siya kinakausap.

"Hi San, siguro ngayun... Masaya kana. Kase Wala ka ng sakit na nararamdaman pa. Natutuwa ako kase sobrang bait at matulungin mo. Lagi kang nandiyan para sa akin. Kaya naman isang beses nung humingi ka ng favor eh hindi ko tinanggihan kahit na taliwas ako sa plano mo. Pero tingnan mo naman ngayun.. Nagawa nga natin yung plano natin kaso nasasaktan akung makita siyang nagkakaganito San, hindi niya matanggap na iniwan mo na talaga siya... Mahal na mahal kita San... Hanggang sa dulo San..."

Hindi siya umiyak o humikbi. Oo namumula ang mga mata niya. Siguro ibinuhos niya na lahat kanina. Siguro ayaw lang niyang ipakita sa iba na mahina siya at gusto lamang niyang tatagan ang kaniyang loob.

Pero nalilito ako sa message niya... Ano ang ibig niyang sabihin?

Tumayo na ako at nag message na... So may mga hawak na mike yung mga nag memessage.

"H-hindi ko matanggap na w-wala kana Four, iniisip ko na isang panaginip lamang ang lahat. Alam kung hindi tayo nagkaintindihan sa huli nating pag uusap. Pero alam ko at ramdam ko kung gano mo ko kamahal Four, masaya ko na nakilala kita at dumating ka sa buhay ko. Ang daya mo lang kase sabi mo babalikan mo ko eh. Tapos magsisimula tayong muli. Pero bakit?"

Huminto ako saglit para punasan ang mga luha na rumaragasa saking mga mata. Nakita ko ang mga tao dito na nagiiyakan. Especially the family of Four.

"Bago ako tawagan ni Tita Emely, na sabi niya pabalik na daw po sila ni Four dito... Napaginipan ko siya. Sinabi niyang success daw ang operasyon. Kaya naman natuwa ako ng sobra-sobra. Nagulat na lang ako ng biglang gisingin ako ni Rachelle at sabihing nananaginip lang daw ako. Hanggang sa tumawag na nga si Tita Emely,"

Nagkausap na kame ni Tita Emely, sinabi niya lang daw iyon para hindi ako masaktan ng sobra-sobra. Dahil baka daw once na malaman ko eh baka daw may gawin ako sa sarili kung dikaaya-aya. Kaya mas pinili nilang ilihim ito.

"Mahal na mahal kita Four, hanggang sa muli..." After nun inihulog ko na ang bulaklak. Naway gabayan mo ko palagi Four...

Para saakin... You are my first and last, here in my heart...

No One Else Comes Close (COMPLETED) #FWA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon