Chapter 15

971 45 4
                                    

God Gave Me You
By: Bryan White


Kinuha ko agad ang fone ko na tumunog. Nakalapag ito sa table sa loob ng kuwarto ko... Pagtingin ko si Four pala. Tinitigan ko lamang ito at iniisip ko kung babasahin ko ba talaga hindi ko alam kung once ba na i-open ko tung message is baka masaktan na naman ako Sa pangalawang pagkakataon. Tanggap ko na ang lahat.

Pero napakalaking palaisipan parin saakin kung bakit umubo si Four ng dugo. May sakit ba siya?? Pero kung may sakit siya bakit hindi niya saakin sabihin?

Narinig kung may nagtext na naman. Kaya binasa ko muna yung unang text na galing kay Four...

Mysty... I loved you so much! Sorry for everything what I did to you! I'm happy to have you in my life... The first time I met you... I tell to myself, na ikaw na! Ikaw na yung babaeng mamahalin ko for the rest of my life... Gusto kung gawin ko lahat ng first time ko sa mundo! Na kasama ka! Masayako sa tuwing kasama kita Myst. Pinaramdam mo sakin na hindi pa huli ang lahat. Natutuwa ko na kahit sa loob lang ng 3 days eh inaabangan mo din pala ko sa labas na bahay niyo... Sorry kung hindi ko ipinapakita ang mukha ko sayo... Kase hindi pa ko handang umibig ulit nun. Naging duwag ako sa feelings ko Myst. Madalas mo kung makitang malungkot at seryoso Myst... Pero nagkaron ako ng lakas ng loob para makuwento ko sayo ang mapait na nangyari sa buhay ko... Mysty, babalik ako... I know, that... god gave me you for a reason!!

-Four<3

Pagtingin ko sa second message... Siya rin pala iisa lang ang message na nakasulat.

Tuluyan na kung umiyak ulit... Iyak lang ako ng iyak... I love you so much Four!!! After kung umiyak at mahimasmasan... Hindi na ko nag-aksaya ng oras pa kaya tumakbo na ko papunta sa kanila... Hoping that he's still there.

Inalog ko ng inalog yung gate nila Four. Hindi naman to kalakihan kaya... Kaya ko siyang alugin.

"Fourrrr!!!" Sigaw ko habang inaalog ko parin yung gate.

"Fourr!!!" Bakit parang walang tao? Kinakabahan na talaga ko.

"Fou---" Hindi kona natuloy pa ang pagtawag ko ng makita ko si Kuya Ricky na lumabas sa pinto nila.

"Kuya Ricky, asan po si Four?" Diretso kung tanong sa kaniya.

"Sorry Myst, umalis na sila ngayun kasama si Mama pumunta na sila ng manila." Malungkot niyang sabi.

"Bakit? Anung gagawin nila dun?" Takang tanong ko.

"Hindi mo ba alam? Kala ko alam muna nung pumunta ka dito at kausapin mo siya?" Napa iling naman ako kase wala namang sinabi si Four na iba. "Mysty, si Four ay may kinakaharap na sakit ngayun. And this day ang kanyang final operation." Rinig ko yung pag-aalala sa boses niya.

"A-ano p-po ba yung s-sakit ni F-four??" Nauutal na talaga ko hindi ko alam kung kaya bang tanggapin ng kalooban ko ang nangyayari ngayun kay Four.

"Sorry Myst, pero may lung cancer si Four, sabi ng Doctor 50/50 na daw ang buhay niya dahil sa malala nato."

Biglang tumigil ang mundo ko. Bakit? Bakit nangyayari to saamin? Bakit inilihim sakin ni Four? Imbis na dapat nagtutulungan kame?
Kaya ba niya ako nilayuan kase akala niya is lalayuan ko siya? Once na malaman ko? O hindi Kaya hindi siya nagpaparamdam sakin kase baka ang iniisip niya once na malaman ko is kaawaan ko siya??

No One Else Comes Close (COMPLETED) #FWA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon