Chapter 14

950 45 3
                                    

A/N: Play niyo po ito.

No One Else comes Close
By: Joe


FOUR'S POV

Kahit masakit... Titiisin ko. God knows how much I loved her!! Walang makakapantay sa sobrang pagkamahal ko sa kaniya! Kailangan kung gawin to dahil ito ang tama. Ayokong masaktan siya sa huli.

May sakit akung lung cancer, at malala na ito... Sinabi rin ng doctor na 50/50 na daw ang buhay ko. Bukas aalis na kame para sa final operation ko... Ayokong manatili sa hospital kaya andito lang ako sa bahay...

"Four!!" Naramdaman kung bumukas ang pintuan at iniluwa nun ang pinakamamahal kung babae...

"Anung ginagawa mo dito?" Sinubukan kung tatagan ang boses ko. Sorry Myst, I need to do this.

"Four... Please! Magpapaliwanag ako!!" Alam kung wala siyang kasalanan dito. This is all my fault kaya siya nasasaktan ngayun.

"Hindi muna kailangang magpaliwanag pa Myst, sapat na yung nalaman ko... Umalis kana please." Nakayuko kung sabi. Hindi kuna mapigilang maiyak... Hindi ko na kaya...

"Four, sorry okay? Please... Pakinggan mo naman ako ohh!" Seryoso niyang sabi. Hindi ko mapigilang matitigan siya sa mata. Ang gusto ko lang gawin ngayun is titigan siya habang may pagkakataon... Gusto kung mas kabisaduhin yung mukha niya ngayun...

"M-mysty... U-umalis k-kana..." Hindi ako makapagsalita ng maayos nahihirapan na talaga ko magsalita.

"O-okaay ka lang ba Four?" Kita ko ang awa sa mukha niya dahil sa itsura ko ngayun. Eto na nga ba ang kinaaayawan ko. Ang makaramdam ng awa mula sa kanya. Ayoko sa lahat yung kinaaawaan ako sa kalagayan ko...

"SINABI NG UMALIS KANA EHH!!!" Nakita kung na shock sya sa sigaw ko.

Napaubo ako sa kamay ko dahil sa sigaw kung napalakas.

"Shit!!! Bakit may dugo ang kamay mo Four?!" Napatakip siya sa bibig niya dahil sa gulat. Pagtingin ko sa kamay ko... May dugo nga.

"Umalis kana Myst." Mahinahun kung sabi.

"Hindi ako aalis hanggat hindi mo sakin ipinapaliwanag ang ibig sabihin niyan!!" This time sinigawan niya na rin ako.

Hindi ko puwedeng sabihin sa kaniya dahil ayokong masaktan siya lalo. Lalu na kapag nawala na ko sa mundo na to...

"SINABI NG UMALIS KANA EHHH!!!" This time napahagulgol na ko ng iyak...

"H-hindi k-kita i-iwan Four..." Umiiyak na rin siya habang yinayakap ako. At eto na nga naramdaman kuna ang awa na nanggagaling sa kanya kaya naitulak ko siya sa inis.

Nakita ko ang gulat sa mukha niya dahil sa nagawa ko. Eto lang ang maari kung dapat gawin para tuluyan na niya kung iwan. Alam kung masiyado kung makasarili... Kase Girlfriend ko siya nagtutulungan dapat kaming malagpasan tung problema na to. Pero ayokong pati siya eh masaktan...

"Umalis kana Mysty!!! Hindi bat meron ka ng Leroy? Magsaya na lang kayo kase ayoko na! Ayoko na Mysty!" Binitawan ko ang mga salitang alam kung makakapagtigil sa kaniya. Mahal na mahal ko si Mysty... Ayokong maramdaman niya to kaso eto ang dapat na gawin... Handa akung magsakripisyo para sa mahal ko. Handa akung paibigan siya sa iba kahit ayokong may lumalapit sa kaniyang iba...

"Sorry four... Kung yan ang desisyon mo sige tatanggapin ko. Pero puwede bang humingi ng isang pabor bago ako umalis?" Medyo napangiti ako sa loob ko na hindi na ko mahihirapan sa pagiwan sa kanya dahil tanggap na niya...

Tumingin ako sa kaniya at binigyan ko siya ng ano-yun-look?

"Puwede bang payakap?" Tumango ako. Kaya lumapit siya sa akin. Ramdam kung mahal na mahal ako ni Mysty... Ramdam ko ang mainit niyang yakap... At sobrang gumaan ang loob ko at parang nawala lahat ng problema ko sa yakap niya... Nalulungkot ako na eto na ang huling pagkikita namin ni Mysty... Sana huwag siyang magalit sakin dahil sa hindi ko sinabi sa kanya ang totoo.

Pero ipagdadasal ko na sana malampasan ko tung sakit ko na to. At kung sucess ang operasyon babalikan kita Mysty... Magsisimula tayong muli Mysty...

Sa huling pagkakataon... Nag send ako sa kaniya ng Message.

No One Else Comes Close (COMPLETED) #FWA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon