CHAPTER 21

39.8K 1.3K 22
                                    

Committed

Fiona's POV

Lumabas ako sa kwarto ko. As usual, ako nalang mag-isa sa bahay nila. Wala akong ibang nagawa kundi maligo at gawin ang daily routine ko at pagkatapos ay dumiretso sa una kong klase. Naglugay ako ng buhok para matabunan ang hickey na iniwan ni Ash. Hindi ako sanay maglugay ng buhok, it is actually my first time na maglugay sa lugar na ito, mataas ang buhok ko kaya madalas ay naka-ponytail ito dahil naiinitan ako pero ngayon, wala akong ibang magawa kundi maglugay ng buhok dahil sa pesteng hickey na ito!

Pagpasok ko pa lang sa classroom ay natahimik ang maingay na studyante sa loob. Napalingon silang lahat sa akin at tumitig na parang isa akong delikadong hayop na dapat patayin. Psh. Hindi ko nalang sila pinansin at nakataas noong naglakad papunta sa pinakahuling upuan sa likod. Hindi pa rin nila inaalis ang mapagmasid nilang mata sa akin na para sa akin ay nakakairita. Ngunit hindi nakawala sa mga mata ko ang paghanga nila sa bagong style ng buhok ko. I mean, wala namang bago pero syempre, naninibago lang sila na nakalugay ako ngayon.

"Siya ba yung baguhan? Yo'ng babaeng tini-train ng grupo nila Ash?"

"Oo ata. Nakakatakot siya. Her intimidating stares, her expressionless face, her well-built dangerous body, kahit saang anggulo tingnan, nakakatakot. Ano kayang pouvoir nya?"

"But there's something in her aura, parang may bago. Parang namarkahan na siya."

"Yeah. Baka nga. Pero sino naman? Hindi ko maamoy ng maayos kung sino ang nagmarka e."

"But really, parang mas lumakas ang aura niya."

I can usually hear what they murmur lalo na't ako ang pinakahot topic sa akademyang ito. Bubulong-bulong pa e naririnig ko naman. Tsk. And that pouvoir, pouvoir, pouvoir. That effin' pouvoir made me and my whole life miserable! Gusto kong isigaw sa kanila na wala akong pouvoir dahil hindi ako katulad nila pero I need to behave, just like what Ash said last time.

Pero napahinto ako. Ano iyong sinasabi nilang namarkahan na ako? Ha? What's with that?

Kalaunan nama'y dumating ang prof namin. He looked at me with a suspicious look. Tapos ay biglang bumagsak ang tingin niya sa leeg kong tinabunan ko ng aking buhok.

"Attention, class!" panimula niya.

Nakuha naman niya agad ang atensyon ng lahat.

"Okay. There will be an event 2 days from now. It is about the newbie... with undetermined pouvoir," sabi niya at lumingon sa akin.

Napalingon na rin ang iba sa akin. Halatang gulat sila sa narinig. I tensed.

"Wait, what? Wala siyang pouvoir?"

Hello? I'm a vampire, you know. Tsh. Gusto kong isampal sa kanila ang sagot na iyon pero nanahimik nalang ako.

"Seriously? So why is she here?"

"Kick her out of this Academy! She don't belong here!"

Napataas ang kilay ko. As if namang ginusto kong mapunta rito.

"Okay, silence. Not exactly no pouvoir. I said, undetermined pouvoir. That's why may event bukas makalawa. She will be having a duel with someone and she needs to show her mysterious power, dahil kung hindi, we don't have any other choice but to kill her,"  sabi niya dahilan kaya napatayo ako.

"KILL ME?! OH, CRAP YOU!" galit kong sigaw.

Nagulat ang iba at halos hindi makagalaw sa kinauupuan nila. Pati ang prof namin ay napaatras.

The Dangerous Princess: The Red-Eyed LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon