CHAPTER 27

38.1K 1.3K 21
                                    

Fiona × Ash pt. 1

Fiona's POV

"Get ready, we need to be in the school ground within 5 minutes," anunsyo ni Ace.

Tumango lamang kami. I am too tensed to respond. Today is the day, ang araw kung kailan kailangan kong magpakitang gilas para mabuhay.

Sabay kaming naglakad papunta sa school ground kung saan magaganap ang duel. Kaming lima lang ang magkasama, wala si Ash.

Pagpasok namin sa lugar ay napakaraming studyante ang bumungad sa amin, they are too loud and noisy. Natahimik lang sila nang makita ang pagdating namin. Nagpatuloy kami sa paglalakad at umupo sa naka-reserve na upuan para sa amin. Napatingin ako sa gitna ng school ground, there is a visible shield in the middle, mukhang pinaghandaan talaga nila ang araw na ito.

Kalauna'y dumating na ang mga Officials kasama si Ash. Seryoso lang siya at nakataas-noong naglalakad. Napalingon siya sa akin, seryoso niya akong tinitigan bago ngumiti. Tinaasan ko siya ng kilay. Psh, weirdo.

"Ehem. Ehem..."

Napunta ang atensyon namin sa emcee na ngayo'y nasa isang mini stage na ginawa nila.

"Since everyone is already here, I guess we can now start this event. So bago tayo pumunta sa exciting part ng event na ito, let me introduce first our academy's and this world's Officials," panimula niya.

Isa-isa tumayo ang mga officials. Their aura holds so much power.

"Mr. Danny Ellms, our guidance counselor."

Then a mid-40's man stood up, hindi halata ang kaniyang edad dahil bata ang itsura nito. He's a good looking man, and his asset is his chinito eyes.

"Mr. Jason Lim, our school's principal."

Siya 'yong nakausap namin sa office kasama ng headmistress. May konting puti na ang buhok niya pero halatang malakas pa rin ito. His broad body shouts authority. Seryoso lamang itong nakatingin sa harapan.

"Ms. Maricar General, our town's vice mayor or Magic World's vice president."

I never met this woman. She's a petite lady, but there's something in her that I don't want to deal with. Walang emosyon ang mga mata niya at para bang walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya.

"And of course, Ms. Evangeline Carlenstine, our town's mayor, headmistress and Magic World's pride and president! Let us give them a resounding applause."

And there she is. The great headmistress who attacked me yesterday. Sa kanilang lahat, siya ang pinakamaliit kaya hindi talaga natin masasabing siya ang may hawak sa pinakamaatas na pwesto sa mundong ito. Lumingon siya sa akin bago lumingon ulit sa harapan.

Pumalakpak kami bilang acknowledgement. Ngunit ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang nag-iisang nakaupo sa hanay nila.

"And oh! Our unexpected visitor from Witchery World is also here! Let us welcome, Witchery World's president, Mr. Jin Witheeys!"

Tumayo ang isang lalaking nasa mid 30's. Witchery World's president.

Pumalakpak kami at kalauna'y tumahimik na ang buong paligid. Tumikhim muna ang emcee bago ulit nagsalita.

"May I call on Ms. Fiona Renee Evergreen, the newbie with undetermined pouvoir and Mr. Ash Primo McKnight, the supreme with the cursed pouvoir, darkness."

Sabay kaming tumayo ni Ash. Nasa kabilang dulo siya kaya medyo malayo kami sa isa't isa.

Cursed pouvoir? Darkness? Bigla kong naalala ‘yong pangyayari sa training ko with Brieve at Sophia. Oh my god. Siya nga ‘yon. Ang may darkness na pouvoir. I never thought that may gano'n rito. Kaya pala takot ang karamihan sa lalaking ito.

The Dangerous Princess: The Red-Eyed LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon