Mortal World
Fiona's POV
Maaga ako nagising kinabukasan—no, scratch that, hindi ako nakatulog. Masyadong excited ang katawan at isip ko para matulog. I really want to go there. Kahit na sabihin kong nagugustuhan ko na rito, there is still something in Mortal World that is not here, and I'm craving for it. But what made me more sleepless was when Ash entered inside my room and said he can't sleep, too. So we ended up sharing personal information with each other. It feels good, really. Para bang mas nakilala ko siya. His other sides, and what he loves and hates. Pati ang childhood experiences niya, ikinuwento rin niya sa akin. We both have dark sides, but I'm thankful that he's open and willing to accept my darkness... so I am to him.
Pagkatapos kong mag-ayos at lahat lahat ay dali-dali akong pumunta sa pinakalikod ng Academy, ang meeting place namin. We all decided to leave early, para raw walang studyante.
"Hey!" bati ko sa kanila nang makitang kumpleto na pala sila at ako nalang ang hinihintay.
"Akala ko ba excited ka? Dapat ikaw ang nauna rito," ani Ace.
"Akala ko kasi late kayong pupunta rito since you're against this trip," I answered in a matter-of-fact tone.
"Hey!"
Lumingon ako kay Ash at ningitian siya. "Hi!"
Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "How's your sleep?" tanong niya.
"Diba hindi tayo nakatulog kagabi?" sagot ko at pinaikutan siya ng mata.
Natawa na lamang siya. "Oo nga pala."
"Wait, wait. Ano itong narinig kong hindi tayo nakatulog kagabi? Woy ha! Kung ano-anong ginagawa niyo sa gabi!" singit naman ni Blake.
Singit King talaga 'tong si Blake e.
"Pakilinisan utak mo!" sagot ko at binatukan siya.
"Ikaw, binibini, ha! Ang hilig mo talaga akong saktan!" parang bata niyang turan.
"Hindi kita kilala," biro kong sagot.
Mas sumimangot siya kaya nakatanggap na naman siya ng isang batok mula kay Sophia.
"Umayos ka, Blake! Baka ako ang manakit sa 'yo!" babala sa kaniya ni Sophia.
"Isa pa 'tong amazonang 'to," rinig kong bulong niya.
"May sinasabi ka?" nakataas ang kilay na tanong niya sa nobyo.
Pilit na ngumiti si Blake at umiling. "Wala, babe. Ang sabi ko, ang ganda mo," sweet daw niyang saad at akmang yayakapin si Sophia nang sinuntok siya nito.
"Huwag mo akong maganda-ganda! Bwesit. Lumayo ka sa 'kin!"
Natatawa kaming nakatingin sa eksena sa harapan namin. Kawawang Blake. Tsk tsk.
"Tara na," putol ni Ace sa kasiyahan.
KJ.
Hindi na kami umiimik at binuksan nila ang portal.
"Ouvrez le portail. Et passons dans Mortal World," Ash chanted.
Inulit niya ito ng tatlong beses bago bumukas ang portal. Naunang pumasok sa portal sina Ace at Brieve at sinundan naman nina Blake at Sophia na mukhang nagtatalo pa rin. Hinawakan ni Ash ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa portal.
"WAAAAAAAAAH!" sigaw ko nang bigla akong mahulog pagpasok doon.
Walangya. Hindi man lang ako in-inform na may pahulog effect pa ang portal nila! Baka bago ako makarating sa Mortal World ay patay na ako e!
BINABASA MO ANG
The Dangerous Princess: The Red-Eyed Lady
FantasyCOMPLETED | SELF-PUBLISHED "And you're from?" "Earth, of course!" natatawa kong sagot. Natawa lamang siya sa sagot ako. "Specific, iha. Sa Witchery World ka ba galing?" And that caught my attention. I stared at her blankly before blinking a few time...