CHAPTER 46: Ending Of The End

39.5K 1K 53
                                    

Third Person's POV

Hindi naging madali para sa lahat ang nangyari. Maraming nawala, maraming umiyak, maraming nagkasugat, maraming natakot, maraming nasaktan, maraming nawasak at maraming hindi makatanggap sa mga nangyari.

Madaling isipin pero mahirap kapag ikaw na mismo ang nasa posisyon nila. Maraming nailabas na katotohanan, marami na namang bagong katanungan.

Pero sa ngayon, tama na muna. Gusto muna nilang magpahinga.

Tatlong araw pagkatapos ng digmaan ay halos hindi pa rin nanunumbalik ang dating sigla sa Magic World. Sina Sophia, Ace at Ash ay nasa hospital pa rin hanggang ngayon at nagpapagaling, masyadong malaki ang natamong pinsala sa katawan nila. Si Fiona at Brieve naman ay isang araw lamang sa hospital at ngayon ay balik sa pag-aaral na naman.

It seems to be a normal day, except from the fact that they lost hundreds of Pouvoirers. Alam na ng iba't ibang mundo ang nangyaring digmaan. And they consider it as a The Great War II.

Bawat mukha na nadadaanan nina Brieve at Fiona ay may makulimlim na mukha. It is either they are one of those families that lost a family member or nakikiramay lang.

Alam na rin ng buong mundo ang batang tuluyang nabuo sa sinapupunan ni Fiona. They were happy. And Fiona was happy knowing that her and her child survived from that sacrifice.

Muling nagtago ang mga evils sa kanilang mundo at tumahimik. Si Gio McKnight naman ay hindi na mahagilap. Possibleng dinala na ito ng puting kapangyarihan ni Fiona sa lugar kung saan maaari niyang pagbayaran lahat ng kasalanan niya.

Marami ring nalungkot at humanga nang nalaman nila na isinakripisyo ng kalahating Dyosa ang kaniyang pakpak para lamang matapos ang digmaan.


Tahimik silang pumasok sa classroom. Tahimik din ang iba na tila nagluluksa rin dahil sa nangyari. Ang iba nga ay umiiyak dahil nawalan ng mahal sa buhay.

Hindi mapigilan ni Fiona na maging emosyonal.

Tumingala siya upang pigilan ang  pagtulo ng kaniyang luha. 'Don't cry, it's not your fault,' ang pilit niyang pakiusap niya sa konsensya.

Ngunit hindi pa rin niya maiwasang isipin na siya nag dahilan ng lahat. Minsan napapatanong siya, 'Kung sumama ba ako sa hari at reyna, may mamamatay kaya? Mamamatay kaya ang mga kaibigan ko? Si Blake?'

Masakit pa rin para sa kaniya ang nga nangyari. Sariwa pa ang lahat. Ang putol na ulo ng kaniyang mga kaibigan at ang palasong tumama sa likod ni Blake.

Ang pagkamatay ng mga kaibigan niyang tumulong sa kaniya upang maging matapang na babae.

Hindi siya masisisi ng iba. Masakit mawalan ng kaibigan. Iyong masaya lang kayong nag-uusap ngayong araw, tapos kinabukasan ay malalaman mo nalang na iniwan ka na pala nito.

Tuluyang tumulo ang kaniyang luha kaya agad siyang umupo sa pinakalikod. Si Brieve naman ay umupo sa tabi niya. Gusto niyang iparamdam sa kaibigan na may kasama siya sa pagluluksa niya.

Sa kanilang dalawa, si Brieve ang mas matapang sa emosyonal na aspeto kaya ayaw niyang maging mahina sa harapan ng mga kaibigan niya at mas pabigatin ang atmosphere.

Isinubsob ni Fiona ang kaniyang mukha sa lamesa at doon tahimik na umiyak.

Agad siyang inalo ni Brieve.

"Shush. Don't cry," pagpapatahan niya sa dalaga.

Mas napaiyak ang dalaga.

"Bakit ayaw magsawa ng mga mata ko, Bri? Bakit iyak pa rin ako nang iyak? Nakakapagod na. Nakakapagod nang isipin na ako ang dahilan ng lahat na ito. Nakakapagod nang umiyak sa parehong dahilan. Ang hirap. Gusto ko nang maging masaya pero hindi ko kaya. Hindi ko magawa," ani Fiona at humarap kay Brieve. "W-Why? Why does it hurts?" wala sa sarili niyang tanong.

The Dangerous Princess: The Red-Eyed LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon