CHAPTER 26

38.2K 1.2K 43
                                    

FionAsh pt. 2

Fiona's POV

"Huling araw mo na bago makipaglaban bukas, ready ka na ba?" tanong sa akin ni Ash.

"I guess, I am. Sa mga training pa lang no'ng mga nakaraang araw, nakakamatay na. Tomorrow's event is just a piece of shit," sabi ko.

"Sure ka?" makahulugan niyang tanong.

Tumaas ang kilay ko. "Bakit? Malakas ba ang makakalaban ko?" tanong ko.

Ngumisi siya at inakbayan ako. "Yeah, napakalakas niya," sabi niya at humalik sa pisngi ko.

Nandito nga pala kami ngayon sa likod ng Academy, ang lugar kung saan minarkahan niya ako. Pareho kaming nakasandal sa isang malaking puno.

"Kilala mo ba?" curious kong tanong.

Umiling siya. "Nope. Pero ang sabi malakas daw," aniya at hinalikan ulit ako sa pisngi.

Siniko ko siya. Malanding Ash.

"Marami ka pang kasalanan sa 'kin, wag kang ano," saway ko sa kaniya.

Natawa na lamang siya at humiga sa damo at ang ulo niya ay nasa lap ko. Hinayaan ko nalang siya.

Ash is very unpredictable, he always do things that will surprise me.

"Sa tingin mo ba mananalo ako bukas?" tanong ko sa kaniya.

Hindi siya agad sumagot. Naramdaman ko ang patitig niya sa akin kaya tumungo ako para makita siya.

"What?" nakataas-kilay kong tanong.

Akala ko ay iiwas sya ng tingin pero hindi, sa halip ay ngumiti siya.

"Ang ganda mo pala," aniya.

Mas nangunot ang noo ko. "Hindi iyan ang sagot sa tanong ko," sabi ko.

"Alam ko at mas alam kong mananalo ka bukas. Pero pinakaalam kong maganda ka," sagot niya habang nakatitig sa akin.

"May kailangan ka?" kunot-noong tanong ko.

"Oo, ikaw."

Bahagya akong nagulat sa sagot niya pero agad ko itong tinago at umaktong naiinis. "Ew. Corny mo." Pinaikutan ko pa siya ng mata.

"Corny nga, sa 'yo lang naman."

Seriously? Anong nakain ni Ash ngayon?

"Kulang ka lang ng tulog," saad ko at tinapik ang kanang pisngi niya.

"Hindi ako kulang sa tulog, kulang ako sa halik mo. Dali, kiss mo 'ko!" aniya at nagpout.

Nandidiri kong tinapik ang nakanguso niyang labi. "Ew, Ash! Ang sagwa mo!"

"Sus. Kinilig ka naman," nakangisi niyang pahayag.

"May sinabi ba akong kinilig ako?" mataray kong tanong.

"Wala pero ramdam ko."

"H'wag kang assuming, nakakamatay 'yan," sagot ko at tumingin ulit sa harap.

"Maging sweet ka naman," sabi pagkatapos nang ilang segundo.

Hindi ko nalang siya pinansin at napapikit ako nang biglang umihip ng malakas ang hangin. This is how nature calms me.

"I never thought that I'll fall for you this easy and deep," bigla niyang imik kaya napamulat ako at lumingon sa kaniya.

I saw the happiness, calmness and contentment in his naked eyes.

The Dangerous Princess: The Red-Eyed LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon