The Truth 01
[Complete conversation of Fiona with Prof Al - Chapter 31]
"Dahil ito kay Jack Cereny, isang bampira."
Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko ay ang sasabihin niya ay iyong sinabi niya no'ng una. "Because a vampire committed a crime towards them."
Pero ngayon... Bampira... Jack Cereny. Is he the vampire?
Mariin siyang napapikit at nagngitngit ang ngipin niya bgo nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"Isang paglalaspatangan sa buong mundo ang umibig sa isang Dyosa at alam niya iyon!" galit na sigaw niya.
Hindi ako makakibo. W-What? Because of love?
"P-Paano?" nauutal kong tanong nang mahanap ko ang aking boses.
Huminga muna siya nang malalim upang pakalmahin ang sarili bago nagsalita.
"Sa pagkakaalam ko ay ulila na si Jack. Namatay ang ina niya noong sampung taong gulang pa lamang siya at iniwan daw siya ng ama niya. 17 years old siya noong nakilala niya ang isang Dyosa. Ang Dyosa ng liwanag, si Althea Renee Reign. Ang kwento nang mga matatanda, sa isang ilog sila unang nagkita. Hindi lingid sa kaalaman mo na nagpapakita at bumababa pa ang mga Dyos at Dyosa mula sa Heaven noong panahon. At ang kadalasang tambayan ni Dyosa Althea ay ang ilog na iyon."
"A-Alam mo po ba kung anong pangalan nang ilog na iyon?" tanong ko.
"Oo, ilog Fiona. Sikat iyong ilog dahil nga palaging binibisita ni Dyosa Althea noon. Siya rin ang nagpangalan sa ilog na iyon dahil ang sabi nila, Fiona means beauty. Hanggang ngayon, maganda pa rin ang ilog at pinapaniwalaang binabantayan pa rin iyon ng Dyosa kahit hindi na siya nagpapakita," paliwanag niya.
Nanghihina akong tumango. H-How...?
"Si Jack ang kauna-unahang naglakas loob na kausapin ang Dyosa. Naging mainit pa nga raw ang una nilang pagkikita dahil ginambala raw ni Jack ang Dyosa sa kaniyang tulog na siyang kinainis niya. Ngunit kalauna'y nauwi ito sa tawanan. Simula noon, iyon na ang naging tambayan nilang dalawa. Naging magkaibigan sila. Matalik na kaibigan. Ngunit tuso talaga si kupido dahil sa huli, pinana niya ang puso nilang dalawa at pinaibig ang dalawang magkaibang nilalang. Nahulog sila sa isa't isa. Nangyari ang isang ipinagbabawal na pag-ibig."
Huminto muna siya at huminga nang malalim.
"Noong una ay naging masaya sila. Ngunit kagaya lamang ng buhay natin, lahat nagbabago— may biglang nawawala. Dahil sa malakas na kapangyarihan ng ibang Dyos at Dyosa, nalaman nila ang pag-iibigang ito. Galit sila. Sobrang galit, at sinabayan pa ng mga tao mula sa iba't ibang mundo. Kagaya ng sinabi ko, hindi maaaring ma-involve ang kahit na sino sa mga Dyosa at Dyos sa tulad natin. Ang Dyos ay para lamang sa Dyosa, and vice versa. Para sa lahat, isang pagkakamali ang umibig sa Dyosa. Ang mas nagpaliyab sa galit nila ay nang nalaman ng lahat na nagdadalang tao ang si Dyosa Althea. Isa pang pagkakamali."
Napasinghap ako sa narinig.
"Hindi pwedeng mabuhay ang bata. Bunga ito ng isang maling pag-iibigan kaya dapat itong patayin. At iyon ang gusto nilang gawin. Gusto nilang patayin ang walang kamuwang-muwang na sanggol sa tiyan ng Dyosa. Isang pagpla-plano ang ginawa ng mga Dyos at Dyosa sa langit, isa ring pagpla-plano ang ginawa ng mga tao sa ibaba. Lovelina, ang dyosa ng pag-ibig ay tumutol sa planong kanilang gustong gawin dahil sa katwirang may karapatan ang kahit sino na umibig, kauri man o hindi, na hindi naman pinansin ng iba. Wala siyang nagawa kundi sumang-ayon sa plano."
Huminto siya at tinitigan ako. Dumoble ang pagkabog ng puso ko.
"A-Anong nangyari?"
"They did it. Sumugod sila sa Vampire World at sinubukang patayin si Jack at ang bata. Ngunit hindi nagpadaig si Jack. Lumaban siya. Sa abot ng kaniyang makakaya ay pinagtanggol niya ang kaniyang mag-ina. Gamit ang kapangyarihan niyang kadiliman ay matapang siyang nakipaglaban sa malalakas at makapangyarihang nilalang sa buong mundo. Ngunit kagaya ng inaasahan, hindi niya natalo kahit niisa sa kanila. Namatay siya. Namatay siyang pinaglalaban ang kaniyang mag-ina," may bahid na kalungkutan niyang pahayag.
BINABASA MO ANG
The Dangerous Princess: The Red-Eyed Lady
FantasyCOMPLETED | SELF-PUBLISHED "And you're from?" "Earth, of course!" natatawa kong sagot. Natawa lamang siya sa sagot ako. "Specific, iha. Sa Witchery World ka ba galing?" And that caught my attention. I stared at her blankly before blinking a few time...