CHAPTER 06

47.2K 1.6K 132
                                    

The Town

Fiona's POV

Sumakay kami sa isang kabayo ang katawan at ang ulo ay tao. Ang sabi ni lola, half-kabayo at half-tao raw ang mga ito. They are called Centaur, I thought that these creatures are just mythical creatures but here I am, riding on it. Hindi pa rin ako lubos na makapaniwala na nandito ako ngayon. I don't even believe in magic. Yes, gusto ko ang fantasy stories but I never thought that it exists. Haler, 21st century na ngayon, wala ng ganito.

"Beth, sigurado ka bang mapagkakatiwalaan iyang kasama mo? Baka bigla nalang niya akong atakehin dito," biglang imik ni Cenet, isang centaur na kasalukuyan naming sinasakyan ngayon.

Nilingon ako ni lola saka tumingin ulit kay Cenet. "Oo, mapagkakatiwalaan siya, Cenet. Kamag-anak ko siya mula sa malayong lugar kaya alam kong wala siyang gagawin," palusot ni lola.

I actually feel bad for lola Beth, ang dami na niyang nasabing kasinungalingan dahil sa akin.

Pasimpleng sumulyap sa akin si Cenet at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nadaanan namin ang isang tower, napakataas nito at halos hindi ko na makita ang nasa taas dahil natabunan na ng ulap.

"Ano iyon, lola?" tanong ko habang nakatingala pa rin sa tower.

Lumingon siya sa tower at tipid na ngumiti, "Ah. Iyan ang La tour, pinakamataas na tower dito sa Magic World. Isa rin iyan sa matandang inprastraktura rito."

"Ano pong nasa loob niyan? At ano ang nasa itaas?"

"Hagdan lamang papunta sa taas ang nasa loob niyan. Ang nasa taas naman, ayon sa kanila, makikita ang natutulog na dragon."

Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Dragon? Seriously?

"Seryoso? Paano niyo po nasabi iyan? May nakapunta na po ba sa itaas?" sunod-sunod kong tanong.

"Oo, seryoso ako pero wala pang nakakapunta sa taas. Masyadong mataas ang La tour na ito at kulang ang isang taon para maabot ang tuktok nito. Pero naniniwala kaming may dragon nga sa itaas, dahil may minsan na bigla nalang uumungol ang dragon na iyon at rinig na rinig namin."

Wala sa sarili akong tumango, "Ano po bang mangyayari kapag may nakapunta sa itaas at makita ang dragon?"

Mahinang natawa si lola dahil sa rami ng tanong ko.

"Walang nakakaalam. Pero ang sabi sabi, may hinihintay daw ang dragon na iyon."

"Hinihintay?"

"Oo. Hinihintay daw niya ang kambal niya."

"Huh? Kambal!? May kambal siya?" gulat kong tanong.

"Ang sabi, oo. Pero hindi pa napapatunayan. At saka, may paniniwala rin na may tungkulin itong protektahan ang dyos at dyosa."

Ano!?

"What!? Dyos at dyosa!?"

Natawa na lamang sa akin si lola, pati si Cenet ay mahina ring natawa. Siguro ang epic ng mukha ko ngayon. E malay ko bang may ganito sa mundo, diba?

"Oo, iha. Pero tara na. Marami pa tayong pupuntahan."

Nagpatuloy si Cenet sa paglalakad habang ako ay tiningnan ang paligid. Shets na malagkit, ang ganda rito!

"Iyan..." ni lola sabay turo sa nakalutang na gusali.

"Wow!" mangha kong imik, tutok na tutok sa gusali.

"Iyan ang Bâtiment flottant, ang nag-iisang floating building ng Magic World. Isa rin ito sa sikat na gusali sa iba't ibang mundo. At ito ay nakikita lamang dito sa mundong ito kaya iniingatan nila ito. Likha iyan ng isang sikat na air pouvoirer matagal na panahon na ang nakakalipas."

The Dangerous Princess: The Red-Eyed LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon