CHAPTER 10

43.7K 1.5K 58
                                    

Mr. McKnight

Fiona's POV

Minulat ko ang mga mata ko. It's like ang tagal kong natulog. Masakit pa rin ang katawan ko. Naalala ko ang nangyari, sumakit ang braso ko at nawalan ako ng malay. What happened after that? Ilang araw akong tulog? Anong ginawa nila sa akin?

Gayunpaman, pilit akong umupo.

"Urgh. Ang sakit ng ulo ko," bulong ko sa sarili habang hinihilot ang sintido ko. "Teka, nasa'n ako?" Nililibot ko ang aking paningin.

"Magestics Academy, specifically in the Infirmary."

Napalingon ako roon sa lalakeng sumagot. Halos mapanganga ako dahil sa pogi niyang mukha. Is he an angel sent by God for me? He's damn handsome.

"Staring is rude," imik niya dahilan nang pagkaputol ng pagpapantasya ko sa kaniya.

Umiwas ako ng tingin at bahagyang nahiya. Ano ka ngayon, Fion? Huli cam ka? 'Yan kasi, landi pa more.

Umayos ako nang pagkakaupo at buong tapang siyang tinignan. "And who are you?" tanong ko sa kan'ya.

"Ash Primo McKnight, little vampire," sagot niya.

Nagulat ako dahil sa huli niyang binanggit. Hindi ko alam kung bakit ako nagulat pero something inside me is afraid; takot na baka sabihin nyia sa lahat na isa akong bampira. But why? I don't even believe in vampires.

"Don't worry, ako lang ang nakakaalam at hindi ko sasabihin sa kanila," sabi niya at tumayo.

Prente siyang naglakad papunta sa akin. Kinabahan ako bigla dahil sa paglapit niya. Wait muna! Haggard pa ako e, saka mabaho pa hininga ko. What if bigla nya akong halikan? Baka maturn off siya kapag mabaho hini---- wait what? Ba't ang landi mo ngayon, Fiona? I mentally face-palmed. I am totally insane.

Nang nasa mismong harapan ko na siya, he bowed para magkapantay ang mukha namin... and he's too close for my own good. Napapikit ako, waiting for his lips to touch mine. Ngumuso pa ako para less effort.

"But I'll tell them your secret if you do one wrong move here," babala niya at pinitik ang nakanguso kong labi.

Napamulat ako. Inilayo na niya ang mukha niya sa akin at ngumisi. What are you thinking, Fiona!? Gosh! I can't believe it. Ngumuso pa talaga ako! I am acting like a desperate lady wanting to be kissed.

Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi. Napahiya tuloy ako. Punyeta.

"And next time, 'wag kang ngumuso. Baka mahalikan kita, you still don't know how an Ash Primo McKnight kisses a girl. Baka magmakaawa ka pa para sa isa pang halik. Nakakabaliw," medyo mahangin na sabi niya. "Red-Eyed lady," dugtong niya.

Napanganga ako. W-What did he said? Ako? Magmamakaawa? The nerves of him!  Ang yabang! Dream high, boy.

"Excuse me?" nakataas kong kilay na sabi.

"Hmmm?" nakangisi pa rin niyang saad.

"Hindi kita kilala at mas lalong hindi kita gustong halikan. 'Wag masyadong high, boy. Hindi kita type," sabi ko.

"Pero iba ang ipinakita mo kanina, girl," he said, emphasizing the word girl.

Naningkit ang mga mata ko. "Ang hangin mo ah. Bakit? Sino ka ba? Bakit ka nandito?" sigaw ko sa kaniya.

"Ikaw? Sino ka ba? Bakit ka nandito?" balik na tanong niya sa akin.

Natahimik ako. Oo nga naman. Sino ba ako? Bakit ako nandito? Sa aming dalawa, ako ang intruder, ako ang outcast. Hindi ako taga-rito. Siya ang totoong nakatira rito at ako naman ay hindi.

The Dangerous Princess: The Red-Eyed LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon