CHAPTER 44: THE FINAL HIT pt. 1

36.4K 1.1K 49
                                    

Fiona's POV

The roar of the dragon...

Nagulat ang lahat. Pati ako ay nagulat sa ungol na iyon. Lahat kami ay lumilingon sa paligid, umaasang makikita ang nagmamay-ari ng ungol na iyon. Ngunit wala.

Pero alam at ramdam ko talaga na malapit lang ang pinanggalingan ng ungol. Pero nasaan?

"W-Was that the d-dragon?" gulat na tanong ni Sophia.

Walang sumagot ni isa. Lahat kami ay nag-aabang sa susunod na mangyayari.

"Nililinlang lamang tayo ng ating mga tenga! Simulan na ang digma—"

"UUURRRRGGGGGHHHHHHHHH"

Kasabay ng ungol ay biglang gumalaw ang lupa. An earthquake.

"A-Anong— Anong nangyayari?!" sigaw ni Mr. McKnight.

Mas lumakas ang pagyanig ng lupa kaya may iilan na natumba na. Nag-crack na rin ang lupa at para bang sinasadya nito na hatiin ang pagitan namin ng mga kalaban dahil unti-unting bumubukas ang lupa at nahati sa dalawa. Kami sa kabila at nasa harap namin ang aming kalaban na medyo malayo na sa amin. Sa gitna ay ang malaking gap dahil sa butas na nalikha dahil sa paghati ng lupa.

Nakita ko ang paggulong ng ulo ni Jamie na kasalukuyang nasa lupa ng kalaban dahil sa pagyanig ng lupa pati na at ang paglapit ng katawan ni Anna at Jamie sa butas.

"NO! THE BODIES!" sigaw ko.

Dahil sa sobrang pagkataranta ay agad kong binuka ang aking pakpak at nilipad ang malapit nang malaglag na ulo.

Napapikit ako nang nahawakan ko ang walang buhay na ulo ni Jamie. Nanginginig din ang kamay ko dahil sa emosyon na nagsisimula na namang bumuo sa puso ko. Ngunit dahan-dahan ko ring kinuha ang katawan niya at nilipat sa aming pwesto. Ganoon din ang ginawa ko sa katawan at ulo ni Anna.

Ang bigat ng pakiramdam ko at parang ang bigat din ng pakpak ko dahil sa aking halo-halong emosyon.

Dahil habang hawak-hawak ko ang kanilang walang buhay na katawan, isa lang ang napagtanto ko.

Hindi ko sila makikita ulit. Ang tanging tao na nagtyaga at nagmahal sa akin bilang isang kaibigan at pamilya ay wala na. Patay na sila. Pinatay sila.

Pagkalagay ko sa katawan ni Anna sa kabila ay ang pagtigil ng lindol. Agad naman nilang inasikaso ang katawan ng mga kaibigan ko.

Ngayon ay nasa gitna ako ng butas. Nilingon ko ang ilalim at agad din naman akong napatingin sa taas nang makita kung gaano kadilim sa ilalim.

Mukha ngang impyerno na ang nasa ilalim e.

Nakanganga lamang sila habang nakatingin sa malaki kong pakpak. Hindi ko sila masisisi. Alam kong marami sa kanila ang hindi pa nakakakita sa tunay na itsura ng isang Dyosa.

"Mr. McKnight, ako na ang magsasabi sa iyo, itigil na natin ito hangga't wala pang ibang namamatay," ani ko habang nakatingin sa kaniya. "Masakit para sa akin ang ginawa mong walang pag-aalinlangang pagkitil ng buhay sa dalawa kong kaibigan. Oo, galit ako. Galit na galit..." Sumulyap ako kay Ms. Carlenstine, "but I will never let this emotion to ruin the real reason why I am existing today."

"You may have the infected vampires and the evils, but trust me, you will never win in this war."

Ngunit ningisihan niya lamang ako. "A Goddess versus a God isn't that bad," aniya.

Anong ibig niyang sabihin?

Naguguluhan ko siyang tiningnan silently giving him the message to tell us what he meant.

The Dangerous Princess: The Red-Eyed LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon