Bahagya kong dinilat ang mata ko dahil sa sinag ng araw. Makirot ng bahagya ang ulo ko dahil late na talaga ako nakatulog. Sa dami ng nangyari sa akin kahapon, hindi agad sa akin nagsink in ang lahat. Kaya nung pumasok na ito tuluyan sa sistema ko, hindi agad ako nakatulog.
Napatingin pa ako sa gilid ko para tignan yung phone na bigay ni kuya. I sighed nang makita ito. I thought it was a dream pero totoo palang may cellphone na ako.
Dahil sa gulat at takot ko kagabi hindi tuloy ako nakapagpasalamat kay kuya. I will do it later nalang. Kahit kapag malapit siya ay halos matunaw ako sa pinaghalong takot at kaba.
Napalundag ako ng makita ko na alas nuebe na ng umaga. Late na ako!
"Nay.. Bakit hindi mo ako ginising?" halos maumpog pa ako sa hamba ng pinto sa pagmamadali ko. Ayoko kasing umabsent at ayokong mapag-iwanan sa klase kahit madalas naman akong mag advance reading.
"Mukha kasing pagod na pagod ka.. San kaba kasi nanggaling kagabi?" sagot niya tsaka naghiwa ng gulay. Umiwas ako agad ng tingin. Dapat pala ay hindi ko na sinita si nanay. Ano ngaun ang isasagot ko sa kanya?
Na, nay.. Nag pa DNA test lang po kami ni Mr. Vera Cruz? Hay nako! Baka ikadena na ako ng nanay ko.
Napansin kong ang daming lulutuin ni nanay. Tapos hindi siya nagtinda ngaun. Anong meron?
"May ano, nay?" pag iba ko ng usapan. As much as possible, ayokong magsinungaling harap harapan kay nanay. Mabilis pa naman ako makonsensya. Tsaka, sa sobrang bait ni nanay.. Hindi niya deserve ang kasinungalingan ko.
Mukhang hindi naman ako pipilitin ni nanay na sagutin yung tanong niya kaya nagpatuloy siya maghiwa.
"Birthday ng kuya Anton mo diba?" sagot niya. Kumunot ang noo ko. Birthday ni kuya? Bakit nakalimutan ko? Kaya pala may turon na naman siya na may macapuno.
Hindi naman sa nakalimutan, hindi lang talaga ako sanay na naghahanda si kuya. Usually kasi pinapalipas lang niyo ito na parang ordinaryong araw lang. Tapos binigyan niya pa ako ng cellphone instead ako ang magregalo sa kanya.
"Ahh.." I said. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Tsaka hindi ko alam na may handaan magaganap. Ang totoo一 hindi ko nga naalala na birthday pala ni kuya. Nakakahiya!
"21 na siya kaya naghahanda ako. Ayaw nga niya, e. Gusto ko lang. Sinabi ko na din na isama ang pinakamalapit niyang kaibigan." ngumiti si nanay.
"Okay na kayo ni kuya?" hindi ko mapigilan na itanong. Kasi kailan lang nag dedeadmahan silang dalawa. Hindi ko nga nalaman kung bakit naging ganoon sila. Tapos isang iglap parang wala lang? Pero mas okay na ito. Hindi ko kasi gusto na malungkot si nanay.
"Okay naman kami, ah?" sagot ni nanay. Ehh? Okay daw? Sinungaling din minsan itong si nanay eh.
"Huwag ka nang pumasok ngaun.. Tulungan mo nalang ako. Maglinis ka ng bahay at umarkila kila Aling Tasing ng lamesa at upuan." sagot ulit ni nanay.
Napakamot ako ng ulo. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Bukod sa late na ako ay hindi ko naman kayang iwanan si nanay. Birthday din naman ni kuya.. Wala akong regalo kaya ito nalang ang maibibigay ko.
"Nasaan si kuya?" tanong ko. Babatiin ko muna siya at magpapasalamat sana.. Kaso naiisip ko palang kakausapin ko siya parang natataranta ako. Grabe lang! May hang over pa yata ako ng kaweirduhan.
"Pumasok," sagot ni nanay. Pumasok? Saan? Work or school? Kasi totoo lang hindi ko din alam kung san ba pumapasok si kuya.
Pero nakuntento na ako sa sagot ni nanay.. Baka kasi pag nagtanong pa ako ay maweirduhan siya sa akin. Hindi naman kasi ako nagtatanong about sa whereabouts or kung ano man ang ginagawa ng mga kuya ko sa buhay nila.
BINABASA MO ANG
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...