Nakangiti akong bumangon ng mag-alarm ang phone ko. It was a not so bad day for me yesterday. Somehow, talking to Anton made me realize that he's a really good person.
Sabi nga nila, don't judge the book by it's cover. Kagaya ni Anton, honestly? When you look at him, he look so cold and ruthless. Pero deep down, he's so warm and loving.
Kahit madami akong tanong sa utak ko ay binalewala ko nalang. There's no sense of finding the answers anyway, come what may. Sabi nga ni Brent, truth is inevitable.
Pumikit ako at nagdasal. Nagpapasalamat sa mga bagay na nasa akin ngaun. Atleast I feel better na kahit mag fail ako sa goal ko na iahon si nanay sa miserableng buhay, Anton is there to give what I want to give to nanay.
Huminga ako ng malalim at nilibot ang kwarto na para daw sa akin. Pakiramdam ko para akong nasa fairytale habang pinagmamasdan ang napakagandang kwarto na ito. There's walking closet na punong puno ng gamit na magaganda para sa akin. Ganito nga yung closet ni Bree.
Pagkatapos kong maligo ay nahirapan pa ako na pumili ng damit. Akala ko noon masaya ang ganito, yung tipong hindi ka mauubusan ng damit. Pero ngaun eto na sila sa harap ko, hindi ko naman alam kung ano ang isusuot ko. Napaka surreal ng feeling kasi parang kahapon lang basahan ang suot ko. And then now, eto walang mapaglagyan ang choices ko sa sobrang dami.
"Si nanay po?" I awkwardly asked the house helper. Feeling ko hindi ako masasanay sa ganitong kalaking bahay. Tapos mayroon pang mga kasambahay.
"Ma'am一" pinutol ko siya.
"Astrid nalang po." ngumiti ako. Sobrang nakakailang na tawagin akong ma'am.
"Sige po, pinapasabi po ni ma'am Ester na maglalako siya ng kakanin." sagot niya.
Tumango ako at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Si nanay talaga! Parang kahapon lang ay feeling donya pero ngaun ay naglalako ulit. Old habbit never dies nga sabi nila.
Nang makapasok ako sa kitchen ay halos lumawa ang mata ko sa sobrang ganda. Kumpleto din dito at pwede kang magbake!
"Papasok kana?" natigilan ako ng magsalita si kuya Anton na nagkakape pala sa may dining table. Ang gwapo niya lalo na't he's wearing an eyeglass habang nagbabasa na kung ano.
He seems so normal. Para bang wala kaming pinagdadaanan dalawa. I want to be normal when he's around too. Pero kahit gusto kong gawin iyon, hindi ko magawa.
I calmed myself and smile to lessen the awkwardness. "Oo, e. Midterms." sagot ko sabay talikod para uminom ng tubig.
Kuya Anton's wearing something formal. Hindi nga ako sigurado kung para sa work ang suot niya o sa school.
Sa side vision ko, nakita kong huminga siya ng malalim at at inayos ang papel na binabasa niya. Tumayo siya sabay tanggal ng eyeglass na suot niya at hinawi bahagya ang magulong buhok niya.
Muntik na akong mabilaukan ng tubig when his biceps potruded with his move. Nakakaloka! Noon, baliwala lang sa akin ang perpektong physical features niya kasi nga nakikita ko siya bilang kapatid ko. But now? God! Para akong nagkakasala sa palihim na paghanga sa lahat ng magandang aspeto na meron siya.
"Lets go?" kumunot ang noo niya ng napatingin siya sa akin. Nakakahiya! Nahuli niya akong nakatingin sa kanya!
"Papasok ako." sagot ko sabay iwas ng tingin. Nakakainis kasi parang natutuwa siya na mahuli na nakatitig ako sa kanya.
"I know, ihahatid kita." sagot niya habang nakatingin pa din sa akin na parang binabasa ang reaksyon ko.
Tumango ako at nagsimulang maglakad kahit ang totoo ay parang madadapa na ako knowing na nasa likod ko lang siya.
BINABASA MO ANG
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...