ika- labing lima

10.3K 350 23
                                    


"What's the opposite of laughing?" basa ni Rosie sa ginagawa ko. Mayroon kasi kaming defense about sa opposite of laughing. Eh, ano nga ba? Hirap na hirap na ang utak ko pero wala akong maisip.

Tapos kanina kinausap ko si kuya Anton pero tumango lang siya sa akin. Nakakaasar nga. Ako na nga ang lumalapit ako pa din ang dinedeadma. Ano ba kasi ang nagawa ko? Nawawala tuloy ako sa wisyo.

"Ano nga ba Rosie?" biglang lumitaw si kuya Jigs sa gilid ni Rosie. Umupo siya doon at nagsimulang lantakan yung fishball na hawak niya.

"Aba malay ko! Umusad ka nga!" tulak ni Rosie kay kuya Jigs. Naiiling ako habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Makatulak ka naman! Matalino ka?" umirap si kuya pero hindi pa din siya umusad. Umirap si Rosie at inayos na naman yung laso niya sa buhok.

"Sinabi ko ba? Ikaw Jigs, mapanghusga ka. Magmagaling ka kapag alam mo yung sagot ha?" pagtataray ni Rosie.

"Ano akala mo sa akin? Kasing tanga mo?"

"Oh sige ano ang opposite ng laughing?" hamon ni Rosie.

"Tanga! Edi fucking!" natatawa si kuya Jigs na titig na titig kay Rosie. Si Rosie naman ay nakakunot ang noo. Ako naman ay nanlaki ang mga mata habang nagpipigil ng tawa.

"Paano?" takang taka pa din si Rosie kaya humagalpak ng tawa si kuya Jigs.

"Ganito yon.. Ano ba sounds ng laughing? Diba 'hahahahaha'."

"Oh tapos?" tila ba hindi pa din nakukuha ni Rosie ang kagaguhan ni kuya Jigs.

"Yung fucking naman.. 'ahh.. Ahh.. Ahh.." tinakpan ko ang tainga ko habang napanganga si Rosie ng makuha niya.

"Bastos ka!" sigaw ni Rosie.

"Jigs.." Natigilan kami ng biglang dumating si kuya Anton. Napatingin ako sa kanya na galit na nakatingin kay kuya Jigs.

"Joke lang naman yun." kamot ulo ni kuya Jigs tsaka mabilis na lumabas ng bahay tangay si Rosie.

"Hi, Baby.." napatingin ako sa likod ni kuya ng lumitaw si Brent. Tapos yung babae na sumundo kay kuya lumitaw din habang nakakapit sa braso ni kuya Anton.

"Earth to, Astrid!" nag一snap si Brent sa mukha ko kaya natauhan ako. Nahuli ko pang nakatingin si Kuya Anton sa akin tapos sa tinitignan ko. Hindi ko naman namalayan na nakatitig ako sa kamay nung babae sa braso niya.

"Uh, hi.." hilaw yung ngiti na naibigay ko kay Brent. Kasi naman nakakadistract yung pagtitig ni kuya sa akin kanina.

Brent smiled maliciously then look at kuya Anton and the girl. Nagpunta kasi sila kay nanay at pinakilala niya yung babae. Parang may kung ano na naman akong nadinig na nabasag pero hindi ko talaga alam kung ano iyon.

Linggo kasi ngaun kaya lahat kami ay nasa bahay lang. Umihip ang pangtanghaling hangin sabay yuko ko.

"Parang kanina lang ang saya saya mo baby, ah?" salita ulit ni Brent tas tumabi sa akin. Umalis na din kasi si Rosie ng hinila siya ni kuya Jigs.

"Can't you fucking stop saying baby?" kuya Anton hissed at Brent. Lalong lumaki ang ngisi ni Brent at pumangulumbaba sa harap ko. Nailang pa ako kasi nakakaloko ang ngiti niya habang nakatingin sa akin.

"Bakit ako titigil? Bawal ba? Besides okay lang naman, Asrid, diba?" ngumisi ulit si Brent kaya napa-uwang ang bibig ko. Bakit ba ganito magusap yung dalawa na'to? Ito naman si Brent palagi nalang nandadamay.

Napatingin tuloy si kuya ng masama kay Brent. Para akong naiipit sa dalawang bato na nagbabangaan.

"Hindi ah!" sagot ko agad kasi natetense ako! Si kuya naman kasi akala mo ililibing ako ng buhay kapag mali ang sinagot ko.

The Strings (Strings Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon