ika tatlumpu't siyam

9.1K 273 59
                                    

Apat na taon na ang lumipas at natutunan ko nang magpatawad at alisin ang galit sa puso ko. Sa apat na taon kasama ko si daddy sa US ay masasabi kong naging maayos ang buhay ko. Nag-aral ako at magtatapos ngaun sa isang university dito sa Seattle.

Sa lahat ng masasakit na pinagdaanan ko, ginawa ko yun lakas para bumangon at marating kung ano man ang meron ako ngaun. Hindi ako umuwi ng bansa kahit umuuwi si daddy doon tuwing may mahalagang okasyon. Okay naman na kami ni mommy pero hindi kami close. I've learned to be civil to her pero hindi ko magawang ibigay ng buo ang sarili ko.

Isang bagay kasi ang hinihintay kong sabihin niya pero hindi niya iyon ginawa hanggang ngaun. I'm fine with it though. Hindi ko na ipipilit ang mga bagay sa mga taong ayaw naman nito.

Naging abala ako sa pag aaral. Kinalimutan lahat ng bagay sa buhay ko ng nasa Pilipinas pa ako. Sometimes, nagbibigay ng impormasyon si Kaio pero binabara at tinatangihan ko.

"Ate, you know Anton Ibañez, right?" sabi ni Kaio ng minsan na tumawag sa akin. Noon, parang mawawasak ako palagi kahit pangalan niya lang ang naririnig. Ngaun, I'm fine. Pero hindi na ako nakikinig sa kung ano man ang nangyari sa buhay niya. When he chose to leave me, he cut our strings right there.

"Yes. But please, ayokong makarinig ng kahit ano basta tungkol sa kanya." kalmado kong sagot kay Kaio.

I remembered my first month here. Unang beses na nagka-phone ulit ako. Nawala kasi ang phone ko noong nabaril ako at naospital ng ilang linggo. The first thing I did was to contact Anton. Kahit galit ako, I still tried. I still gave him the benefit of the doubt. Wala na talaga, out of reach. And besides, kung hindi niya talaga ako iniwan noon, bakit hindi niya ako pinuntahan? Bakit hindi siya nagpakita? Nothing happened. Nawala lang siyang parang bula.

"Pero," nag alalang sagot ni Kaio.
Umiling ako kahit hindi naman niya nakikita. "I don't care about him anymore. Kung ano man ang balita mo, seyo nalang Kaio."

"Are you sure?"

"Very sure." sagot ko.

Simula noon, puro kamustahan lang at about sa kumpanya ang pinag uusapan namin. Minsan, pinipilit niya akong umuwi pero ako lang ang tumatanggi.

Nabawi ko na ang pangalan ko kay Bree. Ako na ngaun si Devone Bree Vera Cruz, dela Fuente. Ang sabi ni Kaio ay binalik na si Bree sa magulang niya which is anak ni nanang Opel. But sometimes, nasa mansion pa din siya ng dela Fuente at sinusuportahan pa din ni mommy. Ang alam ko ay Lucille ang pangalan niya ngaun. Iyon naman daw talaga ang pangalan niya noon.

"Congrats!"sabay na sigaw nang mga kaibigan ko. Including Nam, nagmeet kami sa New York ng minsan ay pumasyal kami ni daddy doon. Nang nalaman niya kung ano ang nangyari sa buhay ko ay gulat na gulat siya. Without hesitations, sumama siya sa akin sa Seattle to be my company and friend.

"Stop the shots." si Raj sabay kuha ng shot sa akin.

Kasabay ng pagkalimot ko ay nagbago ang pamumuhay ko. Natuto ako sumabay sa mga kaibigan kung paano sila mamuhay dito. I mean, kung paano makisalamuha at enjoyin ang buhay habang bata pa at walang obligasyon.

Nag-stay din si Raj kasama ko. Mayroon din silang bahay sa Seattle na hindi naman kalayuan sa bahay namin. Nung una, ayokong nilalapitan niya ako pero nang nagtagal ay nakita ko naman yung tooong concern at pagmamahal niya sa akin.

Nagagalit ako sa kanya noon. Pero ngaun, natutunan ko na din siyang tanggapin at mahalin. Siya ang nagjan nung down na down ako. Siya ang nagjan para samahan ako sa lahat ng oras na umiiyak ako. Tinataboy ko siya pero matyaga siyang inintindi lahat ng sakit na nadadama ko.

Until one day, I woke up and everything's fine with me. Kahit palagi si Raj sa tabi ko ay natutunan ko na din tanggapin at mahalin.

May mga pagkakataon talaga na akala mo ayaw mo. Pero kalaunan ay matatanggap mo at matutunan mo din mahalin. Yung binabalewala mo pala noon, siya pala ang matibay na sasamahan ka hanggang ngaun.

The Strings (Strings Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon