Anim na buwan. Anim na buwan na akong nagluluksa sa pagkawala ni lolo John. I don't know why I can't move on.
Kung tutuusin ay wala naman akong koneksyon kay lolo diba? Pero mayroon bahagi sa puso ko ang pakiramdam ko'y kulang. Para bang iniwan niya ako ng may tanong na hindi ko malaman.
Unti- unti, natatanggap ko na hindi naman talaga ako ang dahilan kung bakit namatay si lolo. Unti- unti, pinapalaya ko ang bangungot ng buhay ko mula kay Bree at sa mga Dela Fuente.
Huminto ako sa pag-aaral. Hindi ko din alam kung bakit sobrang naapektuhan ako sa nangyari. Akala ko nga nung una ay magagalit si nanay at Anton pero hinayaan lang nila ako.
Humangin ng malakas kasabay ng pagsaboy ng buhok ko sa mukha ko. Inayos ko ang bulaklak na dinala ko sa puntod ni lolo at hinawi ang buhok kong nagulo.
"Tara na?" napatingin ako kay Anton habang nakahalukipkip na nakatingin sa akin. Thankful ako kay Anton, sobra. Siya lang kasi ang nandyan sa tabi ko at hindi ako iniwan.
"Papasok kana?" tanong ko sabay tayo. Pinagpagan ko ang pantalon ko na nadumihan tsaka siya hinarap. Umiwas siya ng tingin pero tumango naman siya bago ako tinalikuran.
Hanggang ngaun.. Malaking tanong pa din sa akin ang pagkatao ni Anton一 I mean, hindi ako masyadong nagtatanong sa mga bagay na ayaw naman sabihin sa akin. Napagod na akong malaman yung mga bagay na ayaw naman ipaalam sa akin一 come what may.
Tahimik akong nag paalam kay lolo John at sumunod kay Anton sa sasakyan niya. "Sasama kaba kay nanay?" tanong niya pagkatapos buhayin ang makina ng sasakyan niya. Tumango ako at kinabit ang seatbelt.
"Oo." sagot ko. Nakaugalian ko na kasi na sumama kay nanay na maglako ng kakanin.
Nakakalungkot lang na hindi ko na matutupad ang lahat ng pangarap ko para kay nanay. Nakakalungkot lang dahil wala pa ako sa gitna ay sumuko na ako sa laban.
Siguro.. Hindi talaga para sa akin ang pag asenso. Siguro.. Ganito nalang talaga ako. Besides, nanjan naman si Anton to fulfill what I've promised to nanay.
Bumuntong hininga si Anton at tamad na nagmaneho. Bahagya akong napangiti habang nakatingin sa kanya. Sobrang frustrated kasi ng itsura niya. Ayaw na ayaw niya kasing magtinda si nanay lalo na at sumasama ako. Sadyang hindi lang makapalag si Anton kapag si nanay ang may gusto.
"Astrid, are you sure you don't want to go to school again? Pwede ka naman sa ibang school." salita ni kuya ng ihinto niya ang sasakyan sa tapat ng bahay. Tipid akong ngumiti at umiling.
"Ayoko na. Ayoko muna.." sagot ko. Titig na titig sa akin si Anton na tila ba tinitimbang ang totoong nararamdaman ko kaya umiwas ako ng tingin.
Hindi naman kami close nung mga bata kami pero si Anton? Alam niya lahat ng bagay basta tungkol sa akin.
"Baby.." lumambot ang boses niya kasabay ng paghuhurumentado ng puso ko. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim sabay binuksan ang pinto ng sasakyan niya. "Ayos lang ako.." ngumiti ako ulit ng tipid at saka siya tinalikuran.
"Bibingka kayo jan!" sigaw ko. Tahimik lang kasi si nanay sa gilid ko habang nakatingin sa akin.
Simula ng namatay si lolo, nag- iba si nanay. Parang palagi siyang takot at may inaabangan. Minsan nga ay nagugulo ako kung bakit siya nagkaganyan.
"Astrid, umuwi na kaya tayo?" salita ni nanay. Binaba ko ang bilao na hawak ko at tumitig sa kanya. Tinagilid ko pa nga ang ulo ko para tignan siya.
"Masama po ba ang pakiramdam niyo? Ang dami pa natin paninda, nay." sagot ko.
Madaming tao ang dumadaan sa gitna ng tirik na araw. Inuupo ko si nanay sa bench sa gilid kung saan may bahagyang lilim.
BINABASA MO ANG
The Strings (Strings Series 2)
Chick-LitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...