ika- apatnapu't anim

13.9K 416 51
                                    

Hindi ko akalain na magiging maganda ang pakiramdam ko nang nagkaayos na kami nila mommy. Somehow, I felt happy that we're starting to build our relationship with each other.

Ngaun, damang dama ko na kung paano maging totoong Devone Bree Vera Cruz, dela Fuente. Yung pagmamahal ng isang Atasha dela Fuente at Luther dela Fuente. Yung pagiging ate sa kaisa isa kong kapatid na si Kaio dela Fuente. Nawala man yung bagay na pinaghirapan ni lolo John. Alam kong masaya siya na makita na masaya at sama sama yung pamilya na pilit niyang binubuo noon.

"Happy birthday to you.. Happy birthday to you..." dahan dahan kong dinalat ang mga mata ko ng makarinig ng ingay. Malaking ngiti ni daddy ang sumalubong sa akin habang busangot si Kaio na nakatayo sa gilid. Mukhang hinila siya mula sa kama para pumunta dito. Si mommy ay may hawak na cake habang nakangiti sa akin.

"Good morning, Bree! Happy birthday!" sabay na salita ni daddy at mommy. Ngumiti ako ng yakapin ako ni daddy at halikan ni mommy ang noo.

"Thank you po.." sagot ko.

"Galit ka?" napatingin ako kay Kaio na masama pa din ang timpla ng mukha habang naghihikab.

He dramatically rolled his eyes. "Bat ako magagalit?" lumapit siya sa akin sabay halik sa ulo ko. "Happy birthday.." he said coldly. Napanguso ako.

"Heart broken?" biro ko. Bahagyang nanlaki ang mata ni Kaio. "Shut up! Inaantok pa ako." umiling siya at bahagyang napairap ulit.

"Kaio.. It's your ate's birthday.. Wag kang masungit.." sabat ni mommy. Ngumiwi si Kaio sabay tingin sa akin kaya natawa ako.

"Where have you been, though?" tanong ni mommy.

"Sa tabi tabi lang po." sagot niya kay mommy.

After their greetings ay nag ayos agad ako ng sarili. May meeting kasi ako sa isang potential company na pwedeng mag invest sa company. Si daddy din ay ginagawa ang lahat para ibangon ang ang DFAC.

I will be busy today. Ang sabi ni mommy ay may lunch kami dito sa house with some friends and of course.. Invited sila nanay Ester at sila Rosie.. Pumikit ako ng mariin ng maalala si Anton. He's the first person who once made my birthday extra ordinary. Well.. That was when I turned 18.

Tumunog ang cellphone ko kaya natigil ako sa ginagawa. It's Atty. Estrada!

"Good morning, Bree.." he casually said.

"Good morning, Atty. Bakit kayo napatawag?" tanong ko. Binuksan ko ang sliding door sa veranda at nilanghap ang pang umagang hangin.

"Uh, you don't need to find investors anymore." tila ba excited na salita niya. Kumunot ang noo ko at napakagat sa kuko dahil bigla akong kinabahan.

"What do you mean po?" nagtatakang tanong ko.

"Well.. I was shocked too. Pero lahat ng shares na nawala ay bumalik sa VC aircrafts. And everything is under your name. Including the shares of DFAC."

"What?" tanong kong gulat na gulat. "Paano po?"

Nadinig ko ang buntong hininga ni Atty. Estrada sa kabilang linya.

"Ibinalik iyon ni Mr. Ibañez.. Hindi mo alam? I talked to him already and he said that he already gave you all the legal documents."sagot niya. Para ba akong kandila na unti unting nalulusaw. Ni hindi na ako nakapag paalam kay Atty. Estrada ay mabilis kong hinalughog yung bag ko nung pumunta ako ng Batangas. Then.. Nakita ko yung envelope na binigay sa akin ni Anton. Napanganga ako ng makita lahat ng legal docs na nagpapatunay na ibinigay niya lahat ng stocks na nabili niya sa akin including the DFAC. What the hell?

May isang sulat na nakalagay doon kaya nanginginig ko itong binuksan.

Baby..

  By now, it's either you take me again or you break me again... If you take me.. Everything that's mine is yours too. If you break me.. Everything that's mine is yours still.. Ano pa ang purpose nang lahat if I can't have you? I worked hard to earn you.. I worked hard for you.. But then, maybe, I didn't try my best to win you.. I'm sorry for the pain baby.. I love you..

The Strings (Strings Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon