ika- apatnapu

9.8K 296 32
                                    

Bakit may mga bagay na kinalimutan mo na pero bumabalik pa din? I've moved on. I know一 or.. Pinapaniwala ko lang ang sarili ko na naka move on na ako?

Everything to me turns upside down just like that? Sa isang usapan namin ni Kaio? Sa kaalaman na bumalik na si Anton? Kailan? Bakit hindi ko alam?  Ilang linggo na itong bumabagabag sa akin.

Ano nangyari kay Celine? Kasama ba siya ni Anton? Bakit nakuha ni Anton halos kalahati ng shares ng company? Paano? Bakit hinayaan ito nila mommy? What does he wants?

Akala ko okay na ako na wala na si Anton sa buhay ko. Akala ko okay na ako sa kung ano meron ako ngaun. Akala ko nakalimutan ko na ang lahat. Apat na taon kong hinanda ang sarili ko. Pero hindi ko pala hinanda ito sa posibilidad na magkikita pa kami ni Anton. Akala ko lang pala ang lahat.

It took me weeks to process that I'm going to see him again. Seeing him is inevitable now. Lalo na at may koneksyon na naman na namamagitan sa amin dahil sa kumpanya.

Napasinghap ako ng tumunog ang cellphone ko. Huminga ako ng malalim at inayos ang mga gamit na ilalagay sa maleta ko.

Nagmura ako ng mahina ng makita na si Kaio ito. I promised him that I'll be home  soon. I gave him a week. Pero yung week na hiningi ko ay umabot pa nang ilang linggo. I'm scared. Natatakot bumalik dahil pakiramdam ko ay mauulit na naman lahat ng sakit na dinanas ko. Kapag nangyari iyon, hindi ko na alam kung may lakas pa ako para bumangon at lumaban ulit.

"Hey.." bungad ko. Pinipilit maging masigla sa harap ng kapatid ko. Ayokong maramdaman ni Kaio na natatakot at apektado pa ako. Ayokong mabalewala yung apat na taon na inayos ko ang sarili ko.

"I guess it's fine with you to lose the company, right?" bungad niya. Hindi na kami makapag-usap ngaun ng katulad noon. Seryoso na din si Kaio at alam kong naiirita na siya sa akin ngaun. I can't blame him though.

"Syempre hindi. Uuwi na ako."

"Nanaman." masungit na sagot niya. Halata na din sa itsura ni Kaio ang stress na dinadanas. Lalo akong natatakot. Maybe... Malaki na talaga ang problema.

Tinapat ko ang camera sa ilang maleta na nakaayos na. "See? It's for real." sagot ko at bahagyang ngumiti. Umiwas ng tingin si Kaio sa akin. Nahahabag ako sa itsura niya na mukha nang hindi natutulog.

Bumuntong hininga siya. "Okay. Better be real. Kasi, malapit nang maubos ang laman ng utak ko sa ex boyfriend mo!" iritable talaga siya. I wonder what happened? Kaio looks grumpy.

Umirap ako at hindi nagpahalata na apektado sa sinabi niya. And the heck! Talagang pinasok na ni Anton ang company?

"Where's mommy?" tanong ko.

"Even her can't do anything. I don't know what happened to her but she can't stop your ex, ate. He's unstoppable."

Lalo akong nabagabag at nalito. Does it mean he has the power now? To have say on our company? At bakit ba ex ng ex si Kaio?

"Bakit ba ex ka ng ex jan? He's not my ex!"

Umigting ang panga ni Kaio. "Okay. Sabihin mo yan sa pagong. I'm leaving later though. Pupunta ako ng Singapore. Ikaw na bahala sa company, ate. I'm tired."

"What? Hindi mo manlang ako hihintayin uwuwi? How could you!"

Lalong naging masungit ang mukha ng kapatid ko. "Tss. Four years mo nga akong natiis na hindi makita diba? What's the difference now?" panunumbat niya. Nagulat ako. Ngaun lang nagkaganito si Kaio.

"I'm sorry. May problema kaba?" tanong ko.

"I need to fix something."

"A girl?" tanong ko. Lately kasi medyo mainitin ang ulo ni Kaio. He used to be cool. Idagdag mo pa ang pressure na binigay ko sa kanya. Maybe he needs a break. Sinuportahan niya ako nung kailangan ko siya kaya siya naman ang susuportahan ko ngaun.

The Strings (Strings Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon