"I'm sorry Sasha.. But.. Astrid is your real daughter.. She's the real Bree.."
Gulat na gulat akong napatingin kay tito Eros na matapang na hinarap si tita Sasha. Ano daw? Ako si Bree? Ano ibig nilang sabihin?
"God tito! Are you sick?" salita ni Bree na seryoso.
"If it's a joke, please spare me Eros. Hindi ka nakakatawa." nanghihinang napaupo si tita Sasha sa swivel chair kasabay ng pagtulo ng luha niya.
"Eros.. what the fuck? Ano ba pinagsasabi mo?" si tito Luther na mukhang nagulantang yata.
Si Kaio naman ay titig na titig sa akin na hindi ko mabasa ang emosyon.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Parang kanina lang ay nagtitinda ako ng kakanin sa park. Tapos ngaun anak ako ni tita Sasha? Ako si Bree? Binabangungot na yata ako!
Tumindig ang balihibo ko ng dumaan sa utak ko yung huling panaginip ko. Si tita Sasha yung nasa panaginip ko mula bata pa ako at ako yung Bree sa panaginip ko. Oh, my God!
"He's telling the truth, Sasha. Si Astrid ang totoong anak mo." Si tita KS ang nagsalita ng kalmado lang.
"Anak? Ano ba pinagsasabi niyo? Hindi ko maintindihan.. Please.. Wag niyong guluhin yung utak ko.." sinabunutan ni tita Sasha ang sarili niya at umiyak ng umiyak.
Lumapit agad si tito Luther sa kanya para pakalmahin siya. "Eros, Kenneth Shane.. Ano 'to?" si tito Luther na nanginginig na nagsalita.
Tulala akong nakatingin sa kanila. Gustong gusto kong umiyak at tumakbo pero tinakbuhan yata ako ng luha at lakas. Pakiramdam ko ay namamanhid ang buong pagkatao ko at sumasakit at utak ko sa mga nangyayari.
"I don't know how to start or to explain it proper, Sasha.. But believe me, si Astrid ang totoong anak mo. Siya ang totoong Bree." nanginginig na salita ni tito Eros.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa panlalamig. Ako? Paano nangyari iyon? Anak ako ni nanay. Paanong? Hindi ko alam kung anong emosyon ang una kong pakakawalan. Sa sobrang dami ng nararamdaman ko ay wala akong makapang salita, ni hindi ako makagalaw.
"Stop this nonsense, tito! How come na siya si Bree? Ako si Bree!" pagsingit ni Bree habang naiiyak.
Parang sinabugan ng malakas na bomba ang buong silid sa pagkakagulantang namin lahat. Lahat ay tahimik at walang makapagsalita.
"Please tell me, Eros. Kasi, hindi mo alam kung anong nararamdaman ko ngaun," tumulo ang luha ni tita Sasha at tumingin sa akin na puno ang sakit ang mga mata.
For some reasons.. Tumulo ang luha ko habang nakatingin kay tita Sasha.. Pakiramdam ko ay damang dama ko lahat ng pain at gulo ng pag iisip niya. Si tito Luther naman ay titig na titig sa akin. Kahit gulong gulo ang itsura niya ay pulang pula naman ang mga mata niya.
Huminga ng malalim si tito Eros at hinarap ulit si tita Sasha. "Eighteen years ago, you and Luther decided to get away from all the trouble with the Dela Fuente's.. The night exactly na umalis kayo, iyon yung gabi na pinasok kami ng mga armadong lalaki na hindi namin nakita ang mukha.. I tried to hide Bree, believe me.. That time, Bree was all I care. But then, may humampas ng baril sa ulo namin ni papa kaya pareho kaming nawalan ng malay. When we woke up," pumikit ng mariin si tito Eros.
"Bree's gone.." dumilat siya ulit sabay tingin sa akin na umiiyak na naman.
Napatakip ng bibig si tita Sasha at humagulgol na ng iyak. Pati si tito Luther ay tahimik na umiyak. I don't know what to feel. Honestly? What's happening now feels so surreal to me.
"At hindi niyo manlang sinabi sa amin ni Luther?" umayos si tita Sasha ng upo. Tila ba hinang hina sa mga nalalaman.
"I'm sorry, Sasha. Pero ayaw namin ni papa masaktan ka." paliwanang ni tito Eros.
BINABASA MO ANG
The Strings (Strings Series 2)
Chick-LitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...