1st Piece

738 14 1
                                    

Pov ni Daniel

Tinignan niya lang ako with no emotions sa kanyang mga mata at tumulo yung mga luha sa kanyang mga mata.

"Paano kita makakalimutan Daniel? You broke my heart."

"You broke my heart."

"broke my heart."

Paulit-ulit sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Kathryn kagabi sa panaginip ko. Paulit ulit yung panaginip kong iyon. Malaki pa rin ang epekto ng mga salita niya sa akin.

"Pare, break time na raw. Ayaw mo pa bang tumayo diyan?" napatingala ako sa kaibigan kong si Quen.

"Siya pa rin ba ang iniisip mo?" tanong niya sabay upo sa tabi ko. Tinignan ko lang siya at hindi na pinansin.

"Sabagay. Dapat ka nga magdusa dahil sa ginawa mo. Umalis siya. Magdusa ka Daniel!" Sabi niya kaya binatukan ko siya.

"You're a great friend indeed." sabi ko in a sarcastic way.

Tumawa naman siya at inakbayan ako.

"Kain na tayo. Gutom na si Poging Quen." Sabi niya at tumawa sa sarili niyang joke.

"Hi Dj." Napalingon ako at nakita si Liza na kumakaway sa akin. Tinanguan ko lang siya at aalis na kami ni Quen sana pero may dinagdag pa siya kaya napatigil kami.

"Nakita mo ba si Julia?" tanong ni Liza na nakangiti.

"Wala eh." sagot ko habang umiiling.

"Saan kaya pumunta yun? Sige, salamat." Huling sabi niya bago lumabas sa classroom.

"Tss. Papansin lang yun si Liza." sabi ni Quen at naunang lumabas.

Liza was one of the girls I've dated before I met Kathryn.

Wala namang awkward moments sa amin.

At mabait siyang babae.

"Daniel." Napalingon ako at nakita ko ang bestfriend ni Kathryn noon na si Yves.

"Ano?" tanong ko.

"Bumalik siya." sabi niya bago lumabas.

She's back?

Kathryn Bernardo is back?

Pov ni Kathryn

"Hey. Uupo ka na lang ba diyan?" tanong ni Miles na nakatayo sa harapan ko.

"Ayaw mong pumasok? Hello girl. Malelate na ako. Wag mo akong idamay sa problema mo. Akala ko nakamove on ka na? Two years kang nawala, hindi pa rin ikaw makaget over kay Dani-"

"Don't say his name. Tara." hinila ko siya bigla palabas sa condo ko. Ang layo kasi ng bahay namin dito sa Maynila kaya napag-isipan ko na dito muna pansamantalang tumira.

Biglang may nagring na phone kaya kinuha ni Miles yung kanya.

"Not mine. Phone mo Kath." sabi niya kaya kinuha ko yung phone ko.

"Hello."

"Hi babe!" masiglang bati sa kabilang linya.

"Babe? We are not in a relationship." sabi ko at kumunoot ng noo ko.

"But we are engaged." sabi niya.

"Tinanong ko si dad about sa 'arrange marriage' that you are talking about and he said, wala." sabi ko. Naiinis na ako sa lalaking ito ah.

"I don't care. Pero I know you like it. Pakipot ka pa." sabi niya.

"Feeler mo ah. Anyway, nasaan ka?" tanong ko.

"Nasa likod ni Miles." Tumingin naman ako sa likod ni Miles na naka-cross arms.

Ubos na yung patience niya sa paghihintay sa akin.

I mouthed her 'wait'.

"Wala ka naman eh." sabi ko.

"Sige, sa likod mo." Tumalikod naman ako at nakita ko siyang naka 'V' neck na t-shirt na kulay puti na may glasses pang nakasuot.

"Ayos ba ang suot ko?" tanong niya.

"Why ask? Palagi mo namang sinusuot iyang t-shirt na iyan pero anyway, ihatid mo na kami ni Miles."

"Call me babe first."

May cellphone pa rin sa tenga namin.

Alam ko.

Baliw kaming dalawa.

"No." sabi ko na may ngiti sa labi.

"Say it."

"No way."

"Come on baby."

"Ayaw ko."

"Please" he said.

"Na-ah."

"Sige na."

"No."

"Ang dami niyong arte ni Khalil. Tara na nga." Napalingon kami kay Miles na mukhang naiinis na.

Kaya napatawa kami ng best boy buddy ko na si Khalil Ramos. For short, he's my bbb. Instead of bff.

Saya ng trip ko noh?

"Si babe ko kasi eh." sabi niKhalil sabay akbay sa akin.

Sa mga araw na nasaktan ako, Khalil was there beside me.

Ikinuha ko yung glasses niya at isinuot ko naman iyon.

I used to wear glasses long time ago that made Mr. Daniel Padilla broke me into pieces.

Funny, right?

Pov ni Yves

"Nasa labas na raw si Kathryn." rinig ko na tsismis ng isang babae.

"Kailan siya bumalik galing Paris?" tanong nung isa.

"Ewan ko pero bumati siya ng hi sa akin kanina nung lumabay ako. Grabe, umiba na ang itsura niya." Napangiti ako sa narinig ko at nagdiretsyo sa parking lot.

Inayos ko muna yung buhok ko. Namiss ko kasi si bestfriend.

Nawala naman ang ngiti ko pagkarating ko sa parking lot. Kasama niya si Miles, yung bestfriend ko rin at ang isang lalaki na nakahawak sa kamay niya.

Naunahan na naman ako.

Ikalawa na ito ah.

Bigla siyang napatingin sa direkayon ko at sumigla yung itsura niya kaya napangiti rin ako.

"Yves!" sigaw niya at tumakbo papunta sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Namiss kita." sabi niya at kumalas sa yakap.

"Mabuti naman at bumalik ka. May pasalubong ba?" tanong ko.

"Hindi mo ako namiss? Mas inuna mo pa ang pasalubong." Nagpout siya kaya tumawa ako.

"Ang cute talaga ng bestfriend ko."

Lumapit si Miles at ang isang lalaki sa amin. Inakbayan ng lalaki si Kath.

"Uhmm, Khalil, si Yves. Bestfriend kong lalaki dito sa Pilipinas. Yves si Khalil. Ang"

Huminto siya muna nang may nakita siya sa likod kaya lumingon ako.

Si Quen na kasama si Daniel.

Tumingin ako ulit kay Kath.

Alam kong nasasaktan pa rin siya pero hindi ko inaasahan na ngumiti siya at inilagay yung kamay niya sa bewang ni Khalil.

"Si Khalil pala. Ang boyfriend ko."

Broken Pieces (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon