Pov ni Daniel
"Class dismissed." Pagkasabi yun ng guro, nakasiyahan yung mga kaklase ko at agad lumabas.
"Wait, Dj, ayaw mong lumabas?" tanong ni Lester na nakatayo sa pintuan, kabandmate ko.
"Wag mong sabihin na hindi ka prapraktis, ulit." sabi naman ni Katsumi, yung rythm guitarist namin.
"Two years na ang nakalipas since naging pabaya ka na sa mga praktis natin. Minsan ka na lang nagpapraktis." sabi naman ni JC, ang kapatid ko.
"Daniel naman." sabi naman ni Seth. Tiningnan ko lang sila.
"Bukas. Wag muna ngayon." Bumuntong hininga silang apat.
"Sige, kung iyan ang gusto mo. Pero sinasabi ko lang, mahirap kung walang bassist sa banda." sabi ni Jc at umalis na sila.
*Buntong Hininga*
"Oh? Ayaw mong umalis at hindi ka naman magpapraktis?" napatingin ako sa lalaking nakapamulsa na malapit sa pinto.
"Pakealam mo." sabi ko at kinuha yung bag ko sa gilid.
"Mataray ka na pala ngayon." sabi niya. Si Quen pala yung lalaki.
"Ewan ko sayo. Ano bang problema mo?" Ngumiti lang siya.
"Ayaw mo rin ba magpraktis sa basketball? May game tayo next week, ace player." sabi niya habang dindribble yung bola na hinahawakan niya.
"Ayaw ko." sabi ko at naunang lumakad.
"Pasaway ka pare! Bahala ka!" rinig ko na sigaw niya.
Tss.
Naging kaclose ko lang si Quen dahil sa basketball.
Nakasama ko kasi siya sa try out noong first year at naging kaclose ko hanggang naging bestfriend ko yung lalaking iyon.
Patuloy lang ako sa paglalakad ng nakita ko si Kathryn sa parking lot na may kinakausap sa phone.
Sumakit naman yung puso ko.
Bakit ko nga iyon ginawa?
I regret all the things that I've done, Kathryn. Kung alam mo lang.
Pov ni Kathryn
Kasalukayan akong naghihintay sa magaling kong bestfriend na si Miles.
Ang tagal naman niya.
Biglang nagring yung phone ko kaya sinagot ko naman.
"Hello."
"Hi Kath! Sorry! Nakauwi na ako! Nakalimutan kasi kita! Hehe. Sige, mag-ingat ka. Bye!"
Agad niyang ibinaba yung phone.
Wow ah.
Nakalimutan ako ni Miles.
Agad kong dinial yung number ni BBB.
Hay.
Ring na ring at sa wakas sumagot din.
"Oh babe, bakit?"
Nakita ko siya.
Na nakatingin sa akin.
Si Daniel.
"Hi babe! Nasaan ka! Uhmm, isundo mo naman ako oh." sabi ko kay Khalil.
"Sorry babe. Nasa airport ako ngayon, susunduin ko mommy. Sorry."
Aghhh!
Nakatingin pa rin si Daniel sa akin.
Seryoso?
