Pov ni Kathryn
"Kath! Buksan mo ang pinto!" sigaw ni Miles sa labas.
Hindi ko siya pinansin at nakatulala lang ako sa salamin.
Ano ba ang mali sa akin?
Na kaya niya akong saktan sa ikalawang pagkakataon?
May mali ba?
Nakita ko na lang tumulo yung mga luha ko.
Sinungaling yung Padilla na iyon.
Sinungalimg siya.
Bigla na lang bumukas yung pinto kaya pinahiran ko ang mga luha ko.
Nalilito na tumitingin si Miles sa akin at tiningnan ulit yung maleta sa kama ko.
"Tinawagan ako ni tita." sabi niya.
"Bakit?" tanong niya. "Not for the second time around Kath." dagdag niya.
Ngumiti lang ako ng mapait.
"Hindi mo ako mapipigilan Miles. It is my decision." sabi ko at tumayo.
Yes.
Aalis ako ulit.
Daniel's Pov
"Uupo ka na lang ba diyan!" sigaw ni Quen sa akin.
"Hahayaan mo lang ba siyang mawala ulit? Ha Daniel?" tanong ni Quen habang iniyugyog ako.
Alam na namin, ang lahat.
Aalis na si Kath.
"Mag-isip ka nang mabuti. Aalis na siya. Ulit." Madiin na sabi niya.
"Anong gagawin ko? Pupunta ako sa airport para humingi ng patawad? Ako yung nagsira sa kanya at hindi ako yung tao na ibuo siya ulit. I broke her okay." sabi ko at kinagat na yung labi ko sa sobrang galit sa sarili ko.
"Mali ka Daniel. You broke her and you'll fix her. Kung ano ang sinira mo ay aayusin mo." Kinuha niya yung jacket niya at umalis na sa bahay.
Nag-isip ako nang mabuti.
Tama si Quen.
Tama siya.
Mabilis kong kinuha yung susi sa sasakyan ko at lumabas na sa bahay.
Nakita ko si Quen na naka-cross arms na ngumingisi.
"I knew it." sabi niya.
Ngumiti lang ako at binuksan na yung sasakyan.
Sumakay siya sa front seat.
"Come on brother! We can do this!" sigaw niya kaya napatawa na lang ako at ipinaandar yung sasakyan.
"Sabi ni Yves, kasama raw sila, mga 10:35 daw ang flight at 10:28 na ngayon. So, bilisan mo!" sigaw ni Quen.
Binilisan ko pa ang pagdrive habang nagdadasal na sana, hindi pa sila makaalis.
Sana, masabi ko pa kung gaano ko siya kamahal.
Pagkarating namin sa airport agad akong lumabas sa kotse at papasok na sana sa airport nang.
"Goodbye Pilipinas. On our way inside the plane. Mahal ko kayong lahat. GM. 10: 30. Daniel, group message iyon ni Miles. 10:37 na. Wala na sila."
Hindi pwede.
Hindi maaari.
Pumusok pa rin ako sa loob kahit pinipigilan ako ng guard. (Usual scene sa t.v. kahit pwedeng pumasok sa NAIA per nasa Iloilo ako.)
Hindi na ako nakapasok dahil hinila ako ni Quen.
"Wala na." mahinang sabi niya.
Kinagat ko na lang yung labi ko.
Not again.
"I'm sorry. Alam kong hindi mo ako mapapatawad pero Kathryn, let me fix the broken pieces of your heart."
Sana na sabi ko iyan sa iyo Kathryn pero wala.
Wala ka na.
