(16 yrs. old pa lang si Kath at Dj dito)
Pov ni Kathryn
*Ringgg*
Ang ingay.
*Ringgg."
Ano ba! Natutulog ang tao.
*Ringgg!*
Ughh!
Bumangon na ako.
"Ah!" Napahawak ako sa puso ko nang may nakita ako yellow paper sa wall.
Seryoso, nakakatakot ang yellow paper eh.
Palagi kasi ni Daniel sinusulat yung message niya sa yellow paper pagkasing ko.
Wait, bakit ko iniisip yung lalaking iyon?
Geez.
Kinuha ko na lang yung yellow paper at itatapon na sana nang may nakita akong drawing.
Drawing ng stick man na babae at lalaki na naghahawakan yung kamay.
Palagi kasi iyon dinidrawing ni Daniel.
Biglang bumakas yung pinto kaya napatingin ako doon.
"Oh Kath, bakit ka umiiyak?" tanong ni Miles at nilapitan ako.
"Sorry ah. Masyado akong maaga na pumunta dito na hindi ka pa nakaligo. Babawi lang ako kahapon kaya niluto kita ng breakfast!" Niyakap ko naman siya at umiyak ng todo.
"Masyado talagang madrama ang bestfriend ko." sabi niya at niyakap din ako.
"May nangyare kasi kagabi."
"Ano!" Kumalas siya sa yakap.
"16 years old ka pa lang! Kung anu-ano ang ginagawa mo sa saril-"
Binatukan ko siya sa ulo at tumawa.
"Baliw. Hindi ko gagawin ang iniisip mo noh. May ano kasi. Ikaw kasi eh! Hindi ka dumating kaya ayun, siya ang naghatid sa akin dito sa condo kaya may yellow paper pa." sabi ko at ipinakita ang yellow paper na crumpled.
"Hoy. Kawawang papel." sabi niya at kinuha ang papel.
"I regret all the things that I've done. I am saying the truth, Kath. Good morning! Don't skip meals baby. Ayaw kong wala ka ng energy sa school. Next time, isarado yung pinto palagi, mapahamak ka pa. May heart pa sa dulo." basa ni Miles sa letter kaya napatingin ako sa kanya.
Geez.
Anong regret?
Tss.
That Padilla.
"Sweet naman!" sigaw ni Miles.
"Tss. Liligo na ako." sabi ko at pumasok na sa banyo at nilock yung pinto.
Tumingin ako sa salamin at inalala yung kagabi.
*FirstFlashback*
Lumalakad ako ngayon palabas sa school.
Ughh.
Anong gagawin ko?
May biglang humila sa akin at niyakap ako. Pabango pa lang, alam ko na lang kung sino.
"Ano ang problema mo!" tinulak ko siya.
Hindi siya umimik at hinila niya ako papunta sa sasakyan niya at pinasok ako doon.
Hindi lang ako naging wild.
Pumasok na siya sa driver's seat.
Walang nag-iimikan. Nakatingin lang kami sa harapan.
